. . .
Napakamot sa ulo si James habang nakatitig sa nobya na siyang tahimik lang na nakikinig sa guro nila na nag-didiscuss sa harapan. Hindi sila nakapag-usap ng maayos kahapon, at hindi din sila nakapag-usap kaninang umaga dahil sa nangyari kahapon. Hindi alam ng binata ang gagawin niya dahil ang araw ngayon ay 2nd monthsary nila ng dalaga at hindi pa talaga sila nag-uusap. Balak niya sanang ayain itong kumain sa labas ngunit tila wala itong intensyon na makipag-usap sakaniya lalo na't bad mood pa ito sa nangyari kahapon.
Nabanggit din kasi ni Kesia na ini-warning-an ng ama niya si Nella na kapag may nangyari ulit na sabunutan o bugbugan sa classroom ay ida-drop na deretso. Bilang concern ito sa mga kaklase ay bigla na lang itong na-stress.. Kakaumpisa pa lamang nila ng 2021 ay may issue nanaman silang naipon sa opisina.
"Nella, nak.. Napasa mo na ba sa 'kin yung research na ipinagawa ko sa'yo? Yung about sa Technology?"
"Opo. Napasa ko na po sa gmail niyo."
"Ah, gano'n ba? Anong title ba non? Ang dami kasing mga nag-send sa akin ng research galing sa mga grade levels na in-assign-an ko, baka natabunan."
"Gen Z Techs: Effects, Benefits and Differences Between Generations po iyon, Miss.. Ini-send ko po sa pangalawa niyong gmail kasi expected ko na pong matatabunan."
"Ay, sige salamat!" ngiti nitong tugon at tinignan nga ang pangalawang gmail. Doon niya nga nakita ang research na inatas niya sa dalaga. "Oki na, nakita ko na.."
"Sige po.."
Matapos ang klase nila ay hindi na nagdalawang-isip na tumayo si James at tapikin sa balikat si Mando na napatingala sakaniya.. "Nakakagulat naman 'to.. Oh, bakit?"
"Palit muna tayo, ako muna d'yan."
"Ay go.." agad na tayo nito at lumabas muna para bumili ng Kikiam ni Ate Ning sa kantina. Sumunod naman agad si Athea nung umupo na si James sa tabi ni Nella para bigyan ang dalawa ng privacy.
"Mahal.." tawag ng binata sa kasintahan na napatigil sa pagsusulat at bumaling sakaniya. Inangat nito ang parehong kilay habang deretsong nakatingin sakaniyang mga mata. "Okay ka lang?"
"Oo naman.. Ikaw ba?"
"Okay lang din naman.. Ano pala.. Kasi, aayain sana kitang mag-date tayo mamaya after ng klase.. 2nd monthsary na kasi natin."
"Ah, sige! Sorry pala kung hindi kita ini-contact kaninang umaga. Wala kasi ako sa mood, baka pati sa'yo madala ko yun."
"Okay lang! Naiintindihan ko naman, eh! Kilala mo naman ako. Palagi kitang iintindihin."
Dahan-dahan namang napangiti si Nella bago binigyan ng marahan na halik sa pisnge ang lalaki na napangiti ng malaki bago inihiga ang ulo sa balikat ng nobya na siyang tumigil na ng tuluyan sa pagsusulat bago sinuklay ang buhok niya. "Ang cute mo pala maging seryoso, 'no? Bremen?" tanong nito.
"Huh? Kailan? Saan?"
"Kahapon. Nung kaharap natin si Gohan."
"Ahhh.. talaga??"
"Mm.. Hindi na ako nakapagsalita kasi napatigil ako doon sa pagiging seryoso mo. Kahapon ko lang nakita yun, pero parang gusto ko na yatang paulit-ulitin."
"Uy, that's exclusive na.."
"Woah, may pagano'n ka pa ha.. Pero matanong nga kita, kamusta acads mo?"
"Okay naman! Nagegets ko na, hihi! Nagcocooperate na ako, ah! Saka thank you din kasi, ikaw inspiration ko kung bakit wala na akong line of 7."
"Sabi ko naman kasi sa'yo, eh.. Kung magtatyaga ka lang, kakayanin mo 'yan. Naniniwala naman kasi akong kakayanin mo talaga."
YOU ARE READING
High School Sweethearts
RomanceNella is a reliable student for all teachers and head teachers. This is the president of the whole school, and they really hope to be able to count on it. She obeys all the principal's orders, nothing fails there. She wanted the results of her actio...