. . .
"James??" napalingon kaagad si James sa ama na ngayon ay nakaupo sa sofa sa salas, katulad niya. Katabi nito ang ina niya na siyang nakahiga ang ulo sa hita nito habang nanonood ng Hunger Games na movie sa Netflix. "Bumaba na ba si Nella?? Napansin kong hindi siya kumain ng tanghalian."
"Ewan ko, Dad eh.. Ngayon lang din ako bumaba."
"Kamusta naman ang practice niyo?"
"Ayos naman po. Medyo nanibago pero ayos naman.. Wala pa po sa kalahati. Ang sabi nung nagtuturo sa amin, nasa 30 seconds palang kami.."
"I see.. Nakita mo nang sumayaw si Nella?"
"Hindi pa po.. Simple lang kasi steps, hindi pa siya masyadong gumagalaw kasi daw umpisa palang. Sa twing magiging energetic naman siya, hindi ko naabutan.."
"Baka naman kasi puro kalokohan nanaman ginagawa mo?"
"No, I'm not!" agad na angil niya at napakrus ang mga braso. "Iba kasi practice namin sakanilang mga girls na naatasan sa intro dance."
"Okay, hindi mo kailangang sumimangot na para bang isa kang pato.. Puntahan mo kaya si Nella sa kwarto niya? Baka hindi pa din kumain ng almusal yun.."
"Hindi siya bumaba kanina." singit naman ng ina ni James saka tumingala sa anak. "Go check her.. ask her to eat muna. Hindi maganda kung hindi siya kakain. She look tired yesterday night.."
"Sige po.."
Agad namang sinunod ng binata ang utos ng mga magulang. Actually, naisip na din niyang dalawin si Nella kanina pagkagising lalang para sana i-check ang kalagayan nito dahil ramdam niyang pagod na pagod ito nung makauwi sila.. Pero nung subukan niyang alamin ang kalagayan nito'y naka-lock naman ang pintuan nito.
"Nella.. ??" pagtawag niya sa dalaga at marahang kumatok ng apat na beses.. Wala namang sumagot pero nung subukan niyang muli ay narinig niya ang pag-unlock ng door knob at doon na yun dahan-dahan na bumukas. "Kain ka na, kanina ka pa hindi bumababa.."
"A-ah, sige.. maya-maya.."
Kumunot saglit ang noo ng binata nang marinig ang mahina nitong boses na tila ay pagod ito. Nung titigan niya ang katawan nito'y maayos naman ang kalagayan nito.. "O-okay ka lang ba??"
"H-ha?? Okay lang naman.."
"Sure ka??"
"Mm.."
Muli siyang napatitig sa dalaga at pinanood itong tumalikod sakaniya para may kuhanin sa kama nito.. At kahit pa kaonti lamang ang pagkakasiwang ng pintuan ay kitang-kita niya kung paano maging ika-ika ang paraan ng paglalakad nito. "Nella.. Ayos ka lang ba talaga?? T-teka.. masakit ba mga hita mo?"
Napatawa ng mahina si Nella dahil sa tanong ni James saka nag-thumbs up.. "Oo pero ayos lang naman ako.."
"Halika, aalalayan na kita.. Kawawa naman ikaw.." pagbaby-talk pa ng binata sa dalaga na natawa nanaman at nagpaalalay na lang. Inayos pa ng binata ang suot niyang t-shirt na gray at inangat ng kaonti ang trousers niyang puti. "Nako nako.. Mahina ka sa ganito, ah.."
"Ngayon lang, eh.. Nabigla siguro yung katawan ko, lalo na't nag-back and front spot ako."
"Sa'kin naman balikat masakit.. Pero sa'yo ang lala.. Hindi ka na maayos maglakad. Kaya mo kayang lumakad ng maayos bukas?"
"Kaya naman siguro." tango ng babae at bumati sa mag-asawa na nagtaka pa nung una kung bakit gano'n ang sitwasyon nila pero napatango-tango din nang magdahilan na si James saka sila sabay na pumasok sa kainan. "Upo na, kamahalan."

YOU ARE READING
High School Sweethearts
Roman d'amourNella is a reliable student for all teachers and head teachers. This is the president of the whole school, and they really hope to be able to count on it. She obeys all the principal's orders, nothing fails there. She wanted the results of her actio...