42

20 2 0
                                    

. . .










"Saan ka nanggaling? Hinahanap ka ni Misty.." agad na bungad ni Zena na siyang kasama ni Nella sa apartment.. Nakatira siya sa Cambridge, Massachusetts sa USA dahil doon naka-locate ang dating eskwelahan niya.. Sampung taon na ang nakakalipas at tapos na din siya sa kursong kinuha niya at panahon na din para makauwi na siya ng kaniyang bansa.. "Kanina ka pa hinahanap kasi tatanungin ka daw niya kung sigurado ka bang uuwi ka na."

"Uuwi na ako, dapat sinabi mo.. Pero sige, paki-text na lang. Wala pa akong load."

"Ano ba namang babae na 'to.. Akala mo wala siyang pera. Nasahudan ka na ni Ma'am Jessa, 'di ba?"

"Oo nga, pero ayaw kong magpaload. May WIFI naman, eh."

"Bwisit na mindset 'yan! Sigurado ka bang Presidente ka dati ng school mo?"

"Anong mali sa ugali ko? Sinasabi ko lang na i-text mo na si Misty para masigurado na't mabilhan na niya ako ng ticket, ikaw 'tong panay ang angil d'yan.." buntong-hininga ni Nella at nagsimula nang mag-ayos ng gamit niya para sa flight niya. Alam niyang nakaderetso na si Misty sa airport para makakuha ng ticket nila papauwi ng Pilipinas.

Si Misty ay iyong isa sa mga kasama niya din sa apartment na tinitirahan niya. Halos sampung taon na din silang nagsasama kaya nga alam na alam na din nila ang mga takbo ng sikmura. Since pagkarating ni Nella sa America ay tumira na siya kasama ang mga ito.. At tinuruan din siya ng mga kaibigan na matuto sa kalakalan ng bansa dahil siya'y dayuhan pa.

Napagdesisyunan ni Misty na umuwi na din ng Pilipinas dahil matagal na ang panahon since nakasama nito ang pamilya. Isa pa'y ikakasal na ito sa nobyo na isang Pilipino.

"Iiwan niyo na talaga ako, ah.. Oh, ayan na.. Okay daw, sakto nakabili na daw siya." sandal naman ni Zena sa door frame ng kwarto ni Nella.

"Bakit kasi hindi ka sumama?"

"Ayaw ko pa.. Hindi pa yata ako ready na bumalik ng Pilipinas. Isa pa, baka ma-starstruck ang mga kapit-bahay ko.. Sobrang ganda ko pa naman."paghawi pa nito sa ash blonde nitong buhok kaya napangiwi na lang ng palihim si Nella at iiling-iling na niligpit ang sapin at kumot ng kama. "Eh, ikaw ba? Bakit ba kasi uuwi ka??"

"Sampung taon na ako dito, Zena.. Gusto ko nang makita yung kapatid ko saka si Lola. Gagraduate na lang lahat-lahat yung kapatid ko ng Junior High School, hindi padin ako nakakauwi?"

"Ihhhh! Maiiwan kasi ako dito!"

"Hindi ba't sinabi kong sumama ka? May pera ka namang pambili ng ticket, saka napakalaki ng sahod natin sa kompanya tapos titipidin mo lang ang sarili mo? Kuripot ka.."

"Wow! Nanggaling pa sa'yo na ayaw magpa-load kasi may WIFI naman! Wow! Grabe ka, Chandra Camero!"

Napangisi ng tipid si Nella bago iiling-iling na nagpatuloy na lang sa ginagawa.. Masasabi niyang kahit gan'yan kaloka ang ugali ni Zena ay mabuti itong kaibigan. Palagi itong palaban sa lahat at hindi takot na ipagtanggol ang tamang ipinaglalaban.

Noong nagtatrabaho sila sa kompanya ay pinagbubuntungan siya palagi ng galit ng manager nilang beki sa division nila. Pero hindi iyon nagtagal dahil palaban ang mga kilay ni Zena at ang tabas ng dila ni Misty.

"Hello, bitches! I'm back home!" isang matinis na boses ang biglang bumungad sakanilang dalawang magkaibigan, at ayun na nga si Misty. Nakasuot ito ng pulang-pula na dress habang may itim na coat na nakaptong doon. Ang hawak nito sa kamay ay ang cellphone at ang ticket nilang dalawa ni Nella. "Miss me, bitches?"

"Bitches, bitches! Ulol! Nasaan pasalubong ko?"

"Aba--may pinatago ka?!"

"HOY! Sabi mo pasasalubungan mo 'ko.."

High School SweetheartsWhere stories live. Discover now