25

31 2 0
                                        

. . .










Napaungot si James nang maramdamang niyang naalimpungatan siya dahil sa sobrang lakas ng pagbagsak ng ulan.. Rinig na rinig niya ang mabigat na pagbagsak ng ulan na tila napakalalaki ng butil non. Lamig na lamig na din siya dahil sumasabay ang air conditioner sa hangin na inaalingasaw ng ulan.

Nung tignan niya ang cellphone na nakapatong sa bed side niya'y alas-sais ng umaga ngunit napakadilim padin ng kalangitan. Ang natatandaan niya ay halos alas-dos siyang nakatulog.. Nung subukan niyang tumayo ay napatigil din siya nang maramdaman ang isang braso na nakapulupot sa baywang niya kaya dahan-dahan siyang lumingon doon.

Si Nella.

Pumasok sa isip niya ang nangyari kaninang madaling-araw na pag-iyak niya mismo sa harap nito.. Hindi niya tuloy maiwasan ang mapatikom ang bibig dahil sa hiya. "Nakakainis ako.." bulong niya sa sarili at marahang inalis ang braso nito dahil gusto niyang maginhawaan ang sarili, ihing-ihi na siya. "Ay puta!" agad niyang pagmumura nang sumampal sa kalangitan ang malakas na kulog na rinig na rinig niya dahil nakabukas ang bintana ng banyo niya.

Dali-dali siyang umalis nung matapos siya't ini-check muna ang message ng adviser nila sa group chat nila..

Sir Dan: Walang pasok ngayong araw dahil sa malakas na pagbuhos ng ulan. Inaanyayahan ang lahat na mag-ingat sa daan, magsuot ng makapal na jacket at magdala ng makapal na payong upang maiwasang lamigin at abutan ng sakit.

Seen by 10 people.

Napabuntong-hininga na lang si James at marahang pumwesto doon sa tabi ni Nella.. Inihiga niya ang ulo sa braso nito't isiniksik ang mukha sa leeg nito saka niya ipinulupot ang braso sa ibabang katawan ng dalaga.

Naramdaman naman siya ng dalaga kaya napagalaw ito.. Ang hindi niya lang inaasahan ay tutugon ito sa yakap niya't marahang himasin ang likuran niya paibaba at taas.. Sinabayan pa nito ng marahang paghimas din sa ulo niya. Napakagaan ng kamay nito at tila ang lambot ng balat nito'y nagbibigay na sakaniya ng antok..

Huminga ng malalim ang binata at mas isiniksik ang mukha sa leeg ng dalaga bago nagpalamon muli sa antok. Kung titignan ang posisyon nilang dalawa ay dinaig pa nila ang mag-asawa.. Mukha silang komportableng-komportable sa isa't isa sa sobrang dikit ng katawan nilang dalawa.

Pagpatak ng alas-otso ng umaga ay nagising na si James dahil na din sa pagkalam ng tiyan niya.. Ngunit pinatili niyang subsob ang mukha sa leeg ng babae dahil pakiramdam niya'y hindi na siya gustong palayuin pa ng nakakakalma nitong natural na amoy. Napakasarap sa pakiramdam ang napakainit na katawan at balat ng dalaga sakaniya. Dumadagdag pa sa pagiging komportable niya ay ang madilim pading kalangitan dahil nababalutan iyon ng malalaking butil ng tubig na nanggagaling sa itaas..

"Gising ka na, Bremen?" tanong ni Nella nung magising na ito.. Tumango-tango naman ang binata kaya napangiti ng tipid ang dalaga saka siya nito tinapik sa balakang. "Ang laki-laki mo na, nagpapababy ka pa sa akin.."

"Nella!"

"Kamusta ang tulog mo??" tanong ng babae kaya napasiksik ng lalaki ang sarili saka siya tumango, senyales na 'okay naman ang tulog niya'. "Mukhang komportableng-komportable ka, ah.."

"A-ang bango mo.."

"Ikaw din. Amoy ka vanilla."

"Amoy ka baby.." paos na bulong nito. Parang nawalan na ito ng boses kaya hindi na maiwasan ni Nella ang matawa at tila naging isang musika iyon sa pandinig ni James dahil suot nito ang bagong gising na boses.. "Nella.. 'wag ka ngang tumawa.."

"Bakit??"

"Ang attractive ng boses mo.. Naiinlove ako." dahil sa banat niya'y pareho silang natawa.. Inangat ni James ang ulo at tinitigan ang mukha ng babae. "Ang fresh mo kapag bagong gising, 'no?"

High School SweetheartsWhere stories live. Discover now