04

31 2 0
                                    

. . .












Matapos umiyak ni James ay napagdesisyunan na niyang bumaba kahit pa namamaga na ang mga mata niya. Nakaramdam kasi siya bigla na nagugutom siya. Sa isip-isip niya ay nakakapagod pala ang magdamag na pag-iyak, nakakagutom.

Pagkababa niya ay maraming estudyante ang bumungad sakaniya dahil alas-kwatro na mahigit, at doon niya lang din naalala na uwian nga pala nila ay alas-kwatro. Sa dagsaan ng mga estudyante ay agad niyang napansin ang babae na kanina'y kausap lang niya at naging dahilan para humagulgol siya ng sobra.

Busy ito sa pagpipirma ng mga letters, at tila hinihingal pa ito dahil nagtatas-baba ang dibdib. Siguro, bago nito pirmahan ang mga letters ay sinilip muna ang lahat ng rooms para masiguro kung malinis na ba talaga. Napabuntong-hininga naman siya at tumitig lang sa babae na hindi man lang siya magawang bigyan ng tingin, hindi siya napansin.

Sa sandaling iyon, sinimulan na niyang tanungin ang sarili kung bakit ba ang tanong ng babae kanina ay nagpaiyak sakaniya. Mabigat ang pakiramdam niya pero masisiguro niyang hindi dahil sa presensya ng babae iyon. Dahil sa katunayan, nung sandaling tumabi ito sakaniya ay tila pinakalma nito ang katawan niya.

Kinagat niya ang labi sa pag-iisip kung ano nga bang pwede niyang gawin para bawian ang pagdamay nito sakaniya.. At nung sandaling mapadako ang tingin niya sa canteen ay dali-dali siyang dumeretso doon. Para hindi siya mapansin ng babae ay nagtago siya sa dagsaan ng tao. Sa tangkad ba naman niya, alam niyang mapapatingin ito sakaniya.

"Hi, Ate Ning.. Pa-order naman ako ng isang Egg sandwich saka Coca Cola, yung mismo lang." bungad niya sa tindera na madalas niyang nakakakulitan. Nasa singkwenta anyos na siya pero sobrang witty kasama. "Ah, Ate Ning?"

"Oh?"

"Kilala niyo naman po si Camero, 'di ba?"

"Si Pres?"

"O-opo.."

"Oh, ano meron?"

"Ano po.. Ano.. Ano po ba yung madalas niyang binibili na pagkain dito?" nag-aalinlangan na tanong ng lalaki dahil pakiramdam niya ay nasa tabi lang niya ang babae, nahihiya siya. AT mas nadagdagan ang hiya na iyon nang makitang nakangiti nang nanunukso ang ginang. "A-ate Ning naman.."

"Bakit ba kasi?"

"T-tinatanong ko lang po.. Ang issue naman ng tingin na 'yan.."

"Aba'y wala akong sinasabi, may sinabi ba ako?"

"Wala po! Pero yung tinginan, eh!"

"Sus, ikaw lang ang nag-iisip niyan!"

"Heh! Ano nga po?"

Bumuntong-hiningaito at pinagkrus ang mga braso.. "Hindi naman siya mahilig bumili sa canteen, ni hindi nga yata nagrerecess 'yan si Pres Camero. Pero one time, bumili siya sa akin ng Dutch Mill saka ng Cream-O. Nung tinanong ko kung para saan, sabi niya paborito niya daw yun."

"S-sige po.. Pabili ako ng tatlong Dutch Mill saka tatlong Cream-O.."

Agad namang kumilos ang ginang at nilagay sa plastic ang in-order ng lalaki bago sinuklian ang buong isang-daan na dala nito. "Pakainin mo ng maayos yun, ah?"

"ATE NING!"

Napahagalpak ng tawa ang ginang sa ginawa niyang pagbulusok ng asar at saka padabog na lumabas ng canteen habang ang nguso ay napakatulis. Para siyang bata'ng inaway ng kapit-bahay sa kalsada..

"Asaan ba yun, kanina nandito lang yun ah?" bulong ng binata sa sarili. Pagkalabas niya kasi ng canteen ay kaonti na lang ang estudyante, at ang malala pa ay wala ang babae na kanina lang ay abala sa pagpipirma.. "Uhm, excuse me?"

High School SweetheartsWhere stories live. Discover now