. . .
"GORA NA, SIR! Para mas mabilis na! Kakaimbyerna naman, may kikitain pa akong Bueneventura mamaya, oh!" pairap kong binalingan ng tingin si Jorji na tinulak pa ang balikat ko. Hindi naman kaso sa akin ang pagtulak niya sa balikat ko, pero the fact na yung ipit niyang boses ay idinikit niya pa talaga sa pandinig ko. Ano ba 'ko? Bingi?!
"Sasampalin kita, makita mo.." pagsusungit ko at bumaling naman kay Lee na siyang tatawa-tawa lang habang nakapamulsa. Si Merida naman ay inangatan ng nguso si Jorji na nag-make face pa. Kapikon, eh.. "Saka, makakapaghintay naman 'yang Wilson mo. Sabihin mo, maghintay siya.."
"E-eh, baka kasi magtampo.."
"Wow! Anteh! May kayo ba para may lakas siya ng loob na magtampo?" ngising saad naman ni Merida kaya natawa na si Lee. "Naglalandian lang naman kayo. Saka 'di ba nakikipaglandian din iyon sa isa sa mga model natin?"
"Paano mo nalaman, ha? Saka sure ka ba na si Wilson ko ang nakikipaglandian sa isa sa mga model natin o 'yang CEO Nathan mo?"
"Ha.. bakla ka! Kahit pa makipaglandian si CEO Nathan sa isang daan na babae, wala naman akong pakielam. Ang bastos din talaga ng bibig mo, 'no? Madumi na nga 'yang utak mo, 'wag mo namang idamay pati katauhan mo.. Nakakadiri na, bakla!"
"Ah, gano'n?!" sigaw ni Jorji at sinugod ng sabunot si Merida na agad nagtago sa likod ni Lee. Ako naman 'tong naiikot na lang ang mga mata at nilagay ang mga palad sa loob ng bulsa ng pantalon ko. Kapag kasi hindi ko ilagay ang mga kamay ko sa mga bulsa ay baka makisali lang ako sa dalawa lalo na't nagkaka-mood swings ako ngayon dahil mainit ang panahon.
Papunta na sana kami sa restaurant na ini-send sa akin ni Bj dahil nag-aya yung barkadahan namin na mag-lunch ng sama-sama since mga day-off naman nila sa kaniya-kaniya nilang trabaho. Ako naman, I'm free this week even though na may tinatrabaho padin ako. I always have a time for them. Baka ipagpalit ko pa ang pagiging presidente ko sa kompanya na 'to, para lang makasama sila.
But they won't let me. Gano'n sila, eh. Kapag sinasabi kong kaya kong ipagpalit ang lahat para sakanila, kahit pa ang kompanya ko ay palagi nilang sinasabi na 'wag. 'Wag dahil pinaghirapan ko daw ang kompanya. Yeah, tama naman sila.. pero hindi lang naman ako ang nag-iisang nagtayo ng kompanya ko. Sila din. Kung hindi nila ako tinulungan at sinamahan, baka walang-wala ako ngayon. Baka nakatengga padin ako sa ospital para pagalingin ang sakit na mayroon ako.
"Could you stop--the both of you? Baka malate pa tayo sa lunch natin. And I'm hungry!" pag-aalburoto ko sakanila bago naunang pumasok sa kotse ko. Hindi ko na hinayaan na pagbuksan ako ni Bodygurd Lee, bagal eh.
Ilang minuto lang ay pumasok na yung tatlo sa may bandang likod ko na hinayaan ko na lang. Tahimik lang akong nakikinig sa mga kalokohan nila. Sanay naman na ako dahil iilang taon na ko na din silang kasama. Pero minsan, pumapasok sa isip ko, what if patalsikin ko muna? Ang ingay-ingay, eh! Wala akong problema kay Lee dahil ayos lang naman siya. Minsan maayos, minsan makulit.
Pero yung dalawa? Si Merida at Jorji? Ayang dalawa ang hindi kinakaya ng pasensya ko. Parang pakiramdam ko, iyong anger issue ko na wala naman dapat, binuhay nilang dalawa. Ang palagi pa nilang pinag-aawayan din, these days ay patungkol kila Nathan at Wilson. Eh yung dalawang yun, inis padin ako doon dahil nalaman kong ini-cocontact pala nila si Nella!
Kapal nila! Ako na nagluluksa, habang sila tuwang-tuwa kasi may connection padin sa asawa ko?! Aba, nakakainis! Naaalala ko din yung pagporma dati ni Wilson kay Nella kahit alam niyang merong kami nung mga high school kami. Si Nathan, okay naman na kasi kapag alam niyang may nobyo na yung gusto niyang makuha, titigilan niya. Pero si Wilson? I don't think so..
YOU ARE READING
High School Sweethearts
Storie d'amoreNella is a reliable student for all teachers and head teachers. This is the president of the whole school, and they really hope to be able to count on it. She obeys all the principal's orders, nothing fails there. She wanted the results of her actio...