37

23 2 0
                                    

. . .










"Okay, Bremen.. Punta na ikaw dito sa harapan kasama yung mga group mates mo. Sino ang mga ka-group mates mo?" tanong ng guro ng Grade 10, sa asignaturang Filipino. Ang irereport ni James ay ang pang-anim na kabanata ng El Filibusterismo. Kasama niya si Jay, Karl at Bj na nakasunod na agad sakaniya. Sila na lamang ang nahuhuling grupo na magrereport sa harapan ng mga kabanata ng El Filibusterismo, dahil matapos din ng report na iyon ay magpo-proceed na sila sa pag-practice ng role play. "Okay, let's start na!"

Ipinatong nila Jay at Bj ang mga manila papers na ang nilalaman ay ang kabuuan ng kanilang irereport o ang buod ng pang-anim na kabanata. Hindi na din kakayanin kung mismong buong kabanata dahil sa sobrang haba non, d'yan palamang sa buod ay hindi na halos nagkasya ang tatlong manila paper dahil sa dami ng nilalaman non.

Habang nasa gitna ng pagkukwento at pagpapaliwanag si James sa pang-anim na kabanata ay biglang may kumatok sa pintuan at agad ding bumukas. Doon iniluwa ang presidente ng eskwelahan na may hawak na makapal na printed documents na siyang ibibigay nito sa guro. "Lahat na ba ito, nak?"

"Yes po."

"Anong sabi ni Sir Jordan?"

"Wala naman po...Tinanong lang po ako kung para saan. 'Yan na po mismo yung ini-send niyo sa'kin kagabi na documents for script namin ng role play."

"Ah, sige thank you.. Upo ka na, nak. Salamat ulit!"

Sumulyap naman si Nella kay James na ngumiti bago nagpatuloy sa pagrereport nito. Tahimik lang ang buong silid at ang tanging umaalingawngaw lang sa malamig na classroom ay ang boses ng binata na siyang hindi man lang nanghihina o 'di kaya'y pumipiyok kahit ilang minuto na siyang patuloy na nagbabasa at nagsasalita roon.

"..ayown! Thank you, James and sa mga body guards mo! Nagustuhan ko ang report niyo!" thumbs up ng guro nila kaya nakangiting tagumpay na iyong apat nung bumalik sa upuan nila. Ang guro naman nila ay tumayo at nagbigay pa ng iilang paliwanag para mas maintindihan ng lahat hanggang sa i-announce na nga nito ang patungkol sa role play na mangyayari.. "So.. Hindi po katulad noon na puro tayo live shows.. Ang gagawin po natin ay Film, which is ang ibig sabihin lang ay vivideohan niyo ang bawat scenes na mangyayari saka natin ipapanood sa lahat ng estudyante na magpeperform din ng kanilang role play. Actually, kayo lang ang hiniling ni Principal Bremen na gumawa ng film dahil El Filibusterismo ang gagawin. Bukod dim pala sa inyo, yung Grade 9 pa for Noli Me Tangere.."

"Ilang weeks naman po ang mayroon tayo, Miss?" tanong ni Athea habang naglilista na ng mga kailangang gawin. Actually, hindi naman siya ang leader pero kailangan pading mag-take down notes, just in case na kailanganin.

"3 weeks. I'll give you 3 weeks to finish your film, kaya ba? Leader??" tanong ng guro habang nakatingin kay Leon na siyang nag-thumbs up din naman saka tumayo. "Si Co-Leader?" baling naman nito kay Nella na tumango. "Ikaw din ang narrator nito so kailangan mong magrecord ng sarili mong scenes, pero nakadepende na iyon sa plano niyo. Hindi ko na kayo pakikielaman patungkol d'yan."

"Miss, pwede po bang sa outdoor kami gumawa? Like sa bahay po ng kaklase namin?"

"Saan?"

"Sa'min po." taas ng kamay naman ni James na siyang agad ikinatango ng guro. "Talaga po?"

"Aba, s'yempre! At least nakikita ni Principal Jordan na talagang gumagawa kayo! May mga gamit naman siguro kayo doon para makatulong sa paggawa niyo ng film, 'di ba?"

"Mayroon po kaming mga camera's doon, Miss so no problem na po.. Ang poproblemahin na lang po namin is yung daloy ng kwento."

"Oh, sige.. Iiwan ko na kayo kasi time na din. May susunod pa akong klase. Leader and Co-Leader? Mag-usap na patungkol sa plano niyo, ha? Para mabilis na kayong makatapos."

High School SweetheartsWhere stories live. Discover now