18

40 3 0
                                        

. . .









Kagat ang labi na napatakip si James ng mga mata gamit ang likod ng braso niya.. Nakahiga lang siya sa kama niya habang hindi mapigil ang malaki niyang ngiti. Excited na siyang makasama si Nella sa bahay nila.. pero matagal pa naman iyon dahil unang week palang ng October. Ang lipat nito sa bahay nila ay 2nd week ng November.

"Hays.. Nababaliw na ako. Papasok na nga 'ko.." agad niyang sabi sa sarili at tumayo na para mag-ayos ng sarili. Iniayos niya pa ang bangs niya at halos ipinaligo na niya sa katawan niya ang Victoria Secret Pure Seduction na halos lunurin na niya ang sarili doon. "Ayan, pogi na lalo.. Let's go!"

Pagkapasok niya sa SVS ay maraming bumati sakaniyang mga students doon. Kilala naman kasi siya sa lahat dahil na din anak siya ng principal, ngunit ayaw niyang makilala lang siya bilang anak ng punong guro. Gusto niyang makilala siya sa kung ano siya. Katulad nalang sa pagiging hasa niya sa pagbabasketball.

"Wow bango natin, par ah!" ngisi ni Gohan na siyang kasamahan niya for training ng basketball. 3rd week ng October ang laban nila kaya kailangan na nilang araw-arawin ang pagtetraining. Wala naman din silang problema sa grades nila every subjects na hindi nila ma-aattend-an dahil exempted sila sa lahat. "Mukhang may ninanais tayo ngayon, ah? Spill mo 'yan.."

"'Yoko nga.. Next time na, kapag akin na.."

"Nangbabakod, 'wag ganiyan.. Uso sharing.."

"Sorry ka.. Hindi ko siya ishe-share, hehe!" ngisi ng lalaki at sarkastiko pang tumawa na ikinatawa naman ni Gohan. Hinubad niya ang suot na jacket saka niya inisabit ang bag sa mga racks. Pumwesto siya doon sa mga kasamahan niya saka na sila nagsimula sa pagtetraining..

"Tara, dalaw tayo sa mga nagtetraining?" aya ni Mando sa dalawang babaeng kaibigan na napatigil sa mga kaniya-kaniyang ginagawa. Si Athea ay abala sa pagguguhit sa sketch pad niya habang si Nella naman ay nagbabasa ng libro na pinamagatang "The Book You Wish Your Parents Had Read: (And Your Children Will Be Glad That You Did)"

"G ako, sa labas silang court 'di ba?"

"Oo!"

"G ako kasi makakapagfocus din ako kahit papaano doon.."

"Ikaw, beh?" baling na ni Mando sa dalaga na siyang inayos ang suot niyang itim na salamin bago tumango.. "Okii, tara na!"

Sabay silang tumayo tatlo at dumeretso sa labas na court para manood na ng training.. At naabutan naman nilang may iilang estudyante na nanonood doon. Kadamay na din ang iilan nilang mga kaklase. Sila Brena, Sam, Michelle, Maeya, Maddie, Jay, Karl, June, Leon at iba pa. Marami talaga ang manonood na estudyante dahil nasa labas na court sila, ngunit kung nasa loob na court nagtraining ang mga varsity players ay hindi pupwedeng pumasok.

"James, ayos! Antok ka pa ba, par?" seryosong tanong ni Bj na siyang tagatak na ang pawis. Siya ang Team Captain kaya kailangan niyang pagmasdan ang lahat kung sila ba ay nagtetraining ng maayos. "Ayusin mo.. Ni isang beses hindi ka nakashoot."

"Sorry, sorry.. Bawi ako.."

"Ayusin mo, par.. Nand'yan si Brena, oh.." loko-loko nitong sabi kaya napatawa ang binata at binigyan siya ng pabirong sapak sa balikat.. "Pero seryoso.. Seryosohin mo."

"Sige sige, bawi ako.."

"Okay, boys! Pwesto na!" utos ng coach nila at siya naman silang nagsipwesto na sa bawat posisyon na ibinigay sakanila. Maglalaban silang dose, at dalawa ang team. Ang unang gagawin ay kailangan nilang makapag-shoot sa loob ng 10 seconds para mas mahasa sila sa bilis.

"GO JAMES! KAYA MO 'YAN!" sigawan nila Michelle at nagtitinalon pa na parang mga cheerleaders. Si James naman ay napangiti at nag-thumbs up.

Nung nagsimula na ang laro nila ay naging maayos naman ang pagtetraining ni James.. Ang kaninang pumapalya niyang gawain ay nagiging maayos na na ikinatutuwa naman ni Bj. Kanina kasi ay panay ang palya nito. Kada bigay dito ng bola ay hindi nito na-shushoot kahit nasa harapan na lang niya ang ring. Siguro nga ay hindi pa masyadong gising amg diwa nito kanina.

High School SweetheartsWhere stories live. Discover now