13

26 2 0
                                        

. . .









James Bremen messaged you.

Kunot ang noo na napatitig si Nella sa cellphone niya nung unang bumungad sakaniya ang pangalan ni James sa notification history niya nung i-check niya ang cellphone dahil kagigising lang niya. Alas-sais na ng umaga at kailangan na niyang maghanda ng almusal ng kapatid niya..

James Bremen: good morning pres ❣️

Nella Camero: morning.

napachat ka?

James Bremen: good morning lang hehe!

kumain ka na?

Nella Camero: hindi pa.

kagigising ko lang. Ikaw ba?

James Bremen: kakain palang din hehe! pero nakabihis na ako para deretso try out na.

Nella Camero: oo nga pala. Good luck mamaya.

James Bremen: thank you. kita tayo mamaya ah?

Muli nanamang kumunot ang noo ni Nella dahil doon.. Bumuntong-hininga siya at iiling-iling na nagtipa.

Nella Camero: hindi yata tayo magkikita mamaya.

James Bremen: huh?! bakit?!?!

Nella Camero: hindi ako manonood ng try out niya dahil may aasikasuhin ako sa SC Office.

Ang naka-appoint para panoorin kayo mamaya ay ang Daddy mo. Hindi niya ba nabanggit sa'yo?

James Bremen: si daddy?! luh! Hindi niya sinabi!

Nella Camero: akala ko nasabi na niya sa'yo.

Mukhang i-susurprise ka pa. Good luck na lang ulit, hehe..

Matapos ng dalaga na i-send iyon ay pinatay na niya ang cellphone at data niya saka siya dumeretso sa kusina para maghanda ng makakain ng kapatid. Ang lola kasi niya ay hindi umuwi sa bahay nila ngunit nagpaalam itong saglit na uuwi sa bahay nila sa probinsya dahil kaarawan ng pinsan nito.

Gusto sana niyang sumama ngunit marami pa siyang gagawin, lalo na't puno ang mga gawain sa eskwelahan. At may responsibilidad siyang hindi niya pwedeng basta na lang iwanan.

"Dad.." ngusong tawag ni James sa ama na siyang naabutan niya kaagad sa salas nila na umiinom lang ng kape nito habang abala ang mga mata sa pagbabasa ng dyaryo. "Bakit hindi mo sinabi sa akin na manonood ka sa try out namin?"

"Nakapasok ka ba?"

"Yes, of course! Sinabi ko na sa'yo una palang na sasali ako ng basketball team, 'di ba? Don't tell me you forgot about it again?" sarkastiko niyang ani kaya naibaba ng ama niya ang binabasa at pinagkrus ang mga braso nito.

"Sino naman ang nagsabi sa'yong ako nga ang manonood sa second try out?"

"Edi si Nella."

"You're contacting her?"

"Of course, she's my classmate.. Normal naman siguro yun, 'di ba?"

Napaningkit nito ang mga mata at bumuntong-hininga.. "But you told me that you would never contact her and talk to her 'cause she's annoying. You even badmouthed her to me and now you're contacting her?"

"Dad, this isn't the right time to talk about Nella okay? All I want to know is why didn't you tell me that you will be the one who will watch us?"

"Do I need to inform you?"

High School SweetheartsWhere stories live. Discover now