35

29 2 0
                                    

. . .











"Bremen, ano bang--bitaw!" angil ni Nella at natatawang napatigil na lang sa pagpipigil na alisin ang mga nakapalupot na braso ng nobyo sakaniyang bewang. Nakahiga sila sa kama niya at umagang-umaga ay nakapalupot na ang lalaki sakaniya.. "Dapat talaga kahapon ko pa hinanda yung mga gamit ko, sige paano ako makakaalis nito?"

"'Wag ka nang umalis, mahal.. Mamimiss kita!"

"Anong mamimiss eh halos iilang barangay lang ang layo ng bahay nating dalawa.. Saka ano ka ba? Hindi ko na nga nakasama sila Lola nung pasko, ngayon pa kayang bagong taon na?"

"Ihhh, ayoko! Dito ko na lang kayo patitirahin ni Lola saka ni Melo! Dito ka na lang sa'kin!"

"James!" sigaw ng dalaga nang mas humigpit ang kapit ng binata sakaniya at idantay pa ang hita sa katawan niya upang hindi siya makawala. Nakasiksik ang mukha nito sa ulo niya habang hinahaplos ng hinlalaki nito ang likod ng kamay niya. "Kapag ako pinalo sa pwetan ni Lola, sinasabi ko sa'yo.. Doble sa sakit na mararamdaman ko yung ipaparanas ko sa'yo."

"Hindi ka niya mapapalo kasi mag-istay ka lang dito, hindi ka uuwi!"

"HINDI KO BAHAY 'TO!"

"Pero tahanan kita."

Napahagalpak na ng tawa si Nella dahil sa banat ni James na napatawa na din.. Hindi nito maiwasan ang matawa din dahil naging tila musika ang pagtawa ng dalaga sa pandinig niya na nagdulot upang siya'y mahawa na din at makisabay sa himig na pinapasiwalat nito. "Masyado ka nang natutuwa sa'kin, Bremen.. Sisikuhin na kita."

"'Wag ka na kasi umalis, Nella! Dito ka na lang! Mamimiss talaga kita! Sinanay mo 'kong magkatabi tayong natutulog tapos bigla mo 'kong aalisan, bakit?? Bakit kailangan mo 'kong pahirapan, huh?" pagtayo na ng lalaki at sinilip ang mukha ng babae.. "Gano'n na lang kadali sa'yong iwan ako?"

"Ano bang sinasabi mo?!" natatawa nanamang ani ni Nella at napapalo sa dibdib ni James na napanguso at hiniga ang pisnge sa pisnge ng kasintahan. "Nababaliw ka nanaman.."

"Dadalaw ako lagi doon, ah?"

"Mm, pagsasaraduhan pa kita ng pintuan."

"HUY!"

Muli nanamang natawa ang dalaga saka humiwalay na sa binata bago ito binigyan ng halik sa sentido na ikinatitig nito sakaniya habang nakanguso. "Binibiro lang kita.. Sige na, bumaba ka muna para mag-almusal.. Aasikasuhin ko lang yung mga gamit ko."

"Okay.. Susunod ka, ah?"

"Sige, mabilis lang 'to.."

Parang bata namang bumaba si James sa kama at kumaway pa sa kasintahan na tatawa-tawang kumaway din naman.. Pagkababa niya'y sinalubong siya ng ina't ama na ngayon ay nagtatawanan. Nakipag-apir pa ang ina niya sa ama niya na tawang-tawa, halos hindi na nga makita ang mga mata nito.. "Hi, Dad, Mom!" bati niya at humalik sa mga pisnge ng mga magulang at sinundan ng halik ang bunsong kapatid na napangiti habang naglalaro sa IPad niya.

"Aww.. Why do you look sad, anak?" tanong ng ina niya kaya mas tumulis ang nguso niya saka siya nangalumbaba. "What's wrong?"

"Aalis na si Nella ko, Mom."

"Oh.. ! Oo nga pala, nakauwi na yung lola and brother niya.. But it's fine, anak! Magkikita pa naman kayo, I'm pretty sure na dadalawin ka din naman niya!"

"If hindi siya makapunta dito, ako na lang dadalaw sakaniya."

"The hell, Harvin Clein.." ngiwing asik ng Daddy niya dahilan para sunod siyang mapabaling dito. "Nakakadiri ka! Hindi ikaw yung anak kong pa-cool when it comes to girls! And, please stop being cringey! Magkikita naman kayo sa school!"

High School SweetheartsWhere stories live. Discover now