44

20 2 0
                                    

. . .










"Ano kamo? Ini-contact ka na ng My Donna Company?" tanong ni Misty kay Nella na ngayon ay nakasuot ng puting longsleeve at pinaparisan iyon ng pencil skirt na itim. Ang pang-apak ay itim na formal black shoes na may 3 inch block heels. Ang buhok niya'y nakatali sa ponytail. "Hindi ba, kahapon mo lang pinasa yung resume mo? Nakita na agad nila?"

"Ewan ko.. Ang sabi lang, pinapapunta ako sa kompanya para interview-hin ng personal nung may-ari. Hindi pa naman sure na makakapasok ako."

"Pero kahit na, 'di ba? Ang bilis pa din. Kasi nung nag-apply ka sa dati nating trabaho, 2 weeks din before ka in-interview samantalang mas maliit iyon kumpara sa My Donna Company.."

"Ehh, gano'n talaga.." sabi na lang ng dalaga at kinuha ang sling bag niya't resume at documents na nakapaloob sa Personal Data niya. "Alis na 'ko, Mistyka. Iiwan na muna kita dito?"

"Sabay na tayo. Dumalaw lang talaga ako para maki-chismis. Aalis na din kami kasi ni Tonyo para asikasuhin yung venue ng after wedding.."

"Wow, cute.. May bridal shower ka ba?"

"Meron. S'yempre! Hindi ako papayag na wala, 'no! Pauuwiin ko na si Zena, hehe."

"Sige, ikaw bahala na.. La, Melo, aalis na 'ko!"

"Ingat, Ate! Take care! I love you!"

"I love you! Lola, alis na po ako!" huling paalam pa ni Nella bago sila sabay ni Misty na lumabas ng pamamahay at sumakay sa kotse nitong kabibili lang nito kanina. Hinatid muna siya ni Misty doon sa My Donna Company na pagkalaki-laki. Sobrang lawak at taas ng building na iyon at halos malula siya.

Pero hindi naman siya naninibago dahil gano'n din ang mga itsura ng mga gusali sa ibang bansa na tinirahan niya. Malayo ang lokasyon ng My Donna Company mula sa bahay niya. Ang My Donna Company ay halos nasa loob na ng Maynila kaya ilang oras din muna bago nakarating si Nella dahil na din sa dulot ng trapiko.

"Hello po, Ma'am! Good morning!" bati sakaniya ng isang babaeng employee kaya napangiti siya at tumikhim.

"Ah, Miss.. Saan po ba dito yung interview office?"

"Ay! Kayo po ba yung bagong mag-apply po dito sa My Donna?"

"Ah, opo.. Ini-contact po kasi ako ng kompanya, and sabi doon is may interview ako with President.. ???"

"Ahh! Sige po! Hatid na po kita.." magalang nitong sabi. Mukhang mas bata ito sakaniya ng dalawang taon, at kung tutuusin ay parang kapatid na nga niya ito dahil sa bata ng mukha nito. "Ang ganda niyo naman po, Ma'am.. If you don't mind me asking po, may lahi po ba kayo?"

"Ah.. hindi ko sure, eh. Pero kasi yung tatay ko, half-australian siya. Yung nanay ko naman, may lahi yung tatay niya na Korean and Spanish."

"Ay! Bongga! Pero ang ganda niyo po talaga, Ma'am! Siguro po, ang dami niyong naging boyfriend nung kabataan niyo!"

"Ah.. isa lang naging boyfriend ko, eh."

"T-talaga po?! Sa ganda niyong 'yan, Ma'am?! Grabe naman po! Ako na hindi kagandahn, halos hindi na mabilang yung boyfriend, tapos ikaw po na sobrang ganda, isa lang ang naging boyfriend?"

Nangibit-balikat si Nella at nakangiting huminga ng malalim. "Eh, wala kasi akong masyadong panahon sa ganoong klase ng bagay. Panay lang ang aral ko at pagtutok sa posisyon ko sa eskwelahan.."

"Wow! Maganda na nga, matalino pa! Saan ka pa!" masigasig nitong ani kaya napatawa na ng mahina si Nella at huminto nang huminto ito. Nasa 10th floor sila. Gumamit sila ng elevator para makaakyat dahil mahirap kung hagdan. Baka sa 5th floor palang ay tumba na ang dalaga. "This way po.."

High School SweetheartsWhere stories live. Discover now