48

32 1 0
                                    

. . .











Lahat ay gulat nung tumilapon si Nella sa may damuhan at nakahawak na ito sa balikat na hula nilang unang-una na tumama sa matigas na lupa. Nakita nilang lahat kung paano napapadyak ng dalaga ang kaliwang paa senyales na namimilipit nga ito. Kahit malayo sila sa gawi ng pinagbagsakan nito, kita nila ang sakit non base pa lamang sa ekspresyon ng mukha nito sapagkat ang sikat ng araw na nanggagaling sa kanang bahagi nito'y tinatama sakaniyang buong katawan.

"Nella!" agad-agad namang tumakbo sila James sa gawi ng dalaga na namimilipit habang paulit-ulit na dumadaing. "S-saan masakit? Saan?!" natatarantang tanong ng binata at hinawakan ang baywang nito.

Iyong magkakaibigan ay hindi na lang nagsalita dahil napatitig na sila kay James na nababakas na ang sobrang pag-aalala sa mga mata't mukha. Ang mga kamay nito'y nanginginig habang hinahawi ang maalon na buhok ni Nella na medyo humaharang sa mukha nito dahil sa malakas na pagdausdos ng hangin sakanila.

"N-nella! Ano ba! Tsk.. huy.." malambot na ang boses na tawag ni James dahilan para mapamulat ni Nella ang mga mata at doon na nagtama ang mga paningin nila ng binata. "Ano.. ?? Ha.. ?? Saan masakit??"

Hindi sumagot ang dalaga at tumitig lamang sa mukha ng binata.. Doon niya naramdaman ang tila koryenteng dumaloy sa kaniyang kalamnan nung makita ang pag-aalala sa mga matanito at hindi niya alam ngunit para sakaniya'y gustong-gusto niyang nakikita iyon. Madalas na blangko at walang emosyon ang mga mata nito twing nagkakatinginan sila pero ibang-iba ngayon..

Tila bumalik ang dating James na noon ay palaging sumusulpot sa kaniyang pagtulog sa hindi niya malamang dahilan. Ang mga mata na iyon. Ang mga malalambot at malamlam na mga mata na iyon.

Si James yun. Siya yun..

"Nella! Don't just stare at me! Saan ang masakit?" muling pagtanong nito kaya napakurap na siya't tinapik ang bandang braso sa bandang kanang bahagi, senyales na doon ang masakit.

Nauna kasing tumama ang balikat niya sa matarik na lupa. Bagama't lupa iyon ay masakit padin sa katawan dahil biglaang natumba ang kabayo na sinasakyan niya at napakalakas ng pwersa non para hindi niya malabanan. "D-dito.. Masakit.."

"Come on.. Stand up.."

Doon na umalalay sila Bj sa babaeng kaibigan para paupuin ito. Inaayos ni Michelle ang buhok ni Nella na medyo gumulo at nadumihan, habang iyong mga lalaki ay pinapagpagan ang puti na suot ng dalaga habang si James ay pasimpleng ibinababa ang pang-ibaba ng babae upang hindi masyadong ma-expose ang balat nito. "Tara tara.." aya ni Jay at inakbay sakaniya ang kaliwang braso nito at inalalayang makatayo habang iika-ika na itong dinala sa may cottage.

Ang Lola ni Nella ay agad lumapit sakaniya at kaagad tinignan ang balikat niya. Bahagya pa nitong ibinaba ang manggas ng long sleeve dress niya sa bandang kanan at doon na sabay-sabay nagsiiwasan ang lahat ng lalaki nung makita nila ang matalim na paningin galing sa kaibigan na si James.

"Okay ka lang, Ate? Natamaan ba yung mukha mo?" tanong ni Melo sa Ate niya na tumitig sakaniya't gulat na tumingin naman sa Lola na napatitig naman sakaniya.. "Ate hoy.."

"Anong ginagawa niyo dito, La? S-saka bakit.. bakit ang dami niyong nandito??" tanong ni Nella sa mga kaibigan ni James na nagkatinginan at napa-iwas din habang kunwari'y may nililinga sa paligid.

"Plano kasi ni Karl na dito na lang mag-celebrate ng birthday niya, hehe. Since nandito naman na daw kayo ni James, mas maganda iyon!" si Tonyo lamang ang may lakas ng loob na sumagot sa tanong ng dalaga kaya napatingin sakaniya ito at akmang magtatanong pa nang biglang manlaki ang mga mata nito nung lumagpas ang paningin sa likuran ng lalaki.

High School SweetheartsWhere stories live. Discover now