. . .
Sabay na pumasok si James at Nella dahil nasa iisang bahay lang naman sila. At sinadya din ni James ang mapaaga ang pag-aayos niya upang makasabay ang babae dahil alam naman niyang palaging maaga ito since may ginagawa din ito paminsan-minsan sa SC office.
"So, ito na nga.. malapit na ang foundation natin. Magkakaroon tayo ng cheer dance competition, and finally hawak na kita, Nella! Mwehe!" halakhak ng adviser nila dahilan para matawa ang lahat. Hindi lang kasi tawa nito ang nakakatawa, pati ang ginawang ekspresyon nito. "And of course.. mauuna tayo sa ibang grade level. Napag-usapan na namin 'to ni Principal Jordan at sabi niya na kailangan natin ng waiver para makapagpaalam ng maayos sa mga magulang niyo.." pagkasabi nito non ay isa-isa itong nagbigay ng mga waiver, pati kila Nella at James.
"Iyang waiver mo, nak.. kay Ma'am Jams mo na lang din papirmahin, since wala naman yung lola mo."
"Ah, sige po.." tango ni Nella at itinago na iyon sa bag case niya saka siya tuwid na tumayo. Inayos naman ni Mando ang buhok niyang nakaponytail bago iyon marahang pinaikot sa hintuturo nitong daliri. Hilig talaga nitong paglaruan ang buhok niya dahil sabi nito't masarap sa balat ang lambot ng hibla ng buhok niya.
Hindi naman nakatakas sa paningin ni James iyon.. Matalas ang mata niyang nakatuon doon sa daliri ni Mando habang pinagpapapalit ang tingin doon at sa mukha ng kaibigan ng dalaga. Napasimangot siya at pinagkrus ang mga braso.
Sinubukan niyang hindi na pansinin at pakiramdaman iyon pero kusa lang din siyang napapalingon sa gawi na iyon dahil hindi matanggal sa isip niya iyon. Nagmumukha tuloy siyang isang Possessive Boyfriend kahit hindi naman dapat niya iakto dahil wala siyang karapatan.
"Nagawa na ni Coach Halls yung tugtog niya at 5 minutes iyon kaya wish ko sana maging maayos kayo after ng unang practice natin sa Saturday. Malalaman niyo doon sa unang practice niyo kung bakit nga ba laging champion at ang gagaling ng mga dating grade 10 sa cheerdance.." proud na proud na ngiti nito at tumikhim bago binuksan ang marker na hawak. "Okay, move on muna tayo d'yan. Pag-usapan muna natin kung sino-sino iyong mga isasali natin sa mga games. Board games muna tayo.. Meron tayong Word Factory, Chess, Scrabble, Quick 2, Games of Generals.. Sino sa Word Factory?"
"Si Nella na lang, Sir! Magaling si Nella d'yan, eh!" agad na sigaw ni Michelle kaya napatango na lang ang adviser nila saka nilagay ang pangalan ni Nella sa listahan ng Word Factory Players. "Sa lalaki, Sir si Neo!"
"Osige! Neo, ikaw laban, nak ah? Okay lang ba sa'yo?"
"Okay lang po, Sir!"
"Oh, Chess Chess!"
"Brena saka si James, Sir!"
"Ay, oo!"
"YIEEEEE!"
"YUN OH!"
"EVA AT ADAN!"
"BAKA MAGTROPA 'YAN?!"
Tuksuan ng lahat, pwera lamang sa mga barkada ni Nella at James. Ang guro naman nila ay seryosong nagsaway bilang respeto panigurado sa dalawa. Nakasimangot na si James at napasulyap kay Nella para i-check kung ayos lang ba ang lagay nito. Ayos lang naman ito, parang normal lang kaya nakahinga na siya ng malalim.
"Okay! Check na tayo sa board games. Basketball, Volleyball, Girls and Boys. Basketball Boys muna? Alam niyo na siguro, 'no? Pati yung sa girls. On the spot na lang tayo, para maganda. Okay ba?"
"Opo!"
"Okay, okay.. Oh, pakilabas na ang mga notebooks.. Discussion tayo!"
Makalipas ang iilang oras na itinuon ng lahat ang mga sarili sa pag-aaral.. Pagkatapos na pagkatapos ng klase dahil lunch time na nila ay naging gubat na ang silid-aralan ng Grade 10-Hercules na animo'y mga wild animals na nakawala sa kaniya-kaiya nilang lungga. Hinayaan lang naman sila ni Nella dahil normal naman iyon, isa pa'y wala pa namang nasisira na gamit ang mga ito.
YOU ARE READING
High School Sweethearts
RomanceNella is a reliable student for all teachers and head teachers. This is the president of the whole school, and they really hope to be able to count on it. She obeys all the principal's orders, nothing fails there. She wanted the results of her actio...