08

40 2 0
                                    

. . .











Buong klase ay kabado dahil ngayon na ang araw ng sabihan ng grade nila sa iibang subject. Nag-announce ang iilang subject teacher nila na magsasabi ang mga ito ng mga grade nila at kalat na sakanilang katawan ang kaba dahil nabalitaan din nila sa mga ito na maraming mababa..

"So, game na ba tayo? Handa na kayo?" nakangiting ani ng adviser nila na ngayon ay nakaupo sa isang upuan habang nasa lamesa ang laptop kung saan nakalagay ang mga grades nila sa asignatura nito. Ang hawak nito ay Math at MAPEH. "Okay, boys muna.. MAPEH! Abunda, Riley.. And'yan ka ba?"

"Dito po, Ser!"

"89."

"Wooooww!"

"Agliday, Maximus?"

"Ser?"

"87!"

Nagsipalakpakan naman ang lahat.. "Next.. Balbero, Adios! 85!"

"Wow, taas beh ah! Parang hindi absent ng tatlong araw! Woo-hoo!" malokong sabi ni Mando kaya napatawa ang iilan nilang kaklase.

"Baldonido, Shean! 84!"

"Basco, Dhonee.. 83."

"Bremen, James Harvin Clein!" mapanukso na tawag nito sa binata na ngumiti ng malaki at nangalumbaba.. "85!"

"ANG PUTA KA! HINDI KO MAABOT!" pabirong hiyaw ni Jay at hinampas sa braso ang binata na tatawa-tawang hinimas iyon.

"Okay, girls tayo.. Aguda, Sherlyn.. 86. Agila, Joy, 84. Belarmino, Athena Marie, 90! Binita, Anastasiana, 91!"

"Ayan na.. Camero na." bulong ni Bj, mas excited pa silang magtotropa para sa dalaga na ngayon ay abala sa ginagawa niyang kung ano sa clip board.

"Taas nito, eh.. Feeling ko nasa high honor.." tukso ng adviser pero natawa lang ng mahina sakaniya si Nella at tinitigan siya.. "Okay.. 96."

"UYYYYYY PUTA!"

"ANG TAAS!"

"TSANGGALA?!?!?!"

"LUH, ANG TAAS! GAGI ANG GALING!"

"Nakakahiya namang maging crush 'to, bobo ako eh.."

"Gagu, ang taas.." bulong ni Michelle, sila James naman ay napatitig kay Nella na ngumiti sa adviser saka nag-thumbs up..

"Bremen, James.. Math. 83, ang baba mo, nak.. Inaangat ko na pero ayaw talaga.."

Natawa lang si James at nangalumbaba.. Wala kasi siyang pakielam doon dahil alam naman niyang kahit bumagsak siya ay gagraduate padin siya. Hindi naman pwedeng hindi pag-graduate-in ang anak ng Principal.

"Camero, Nella Chandra.. 96."

"Halah, ang taas talaga!"

"Grabe ka na, Pres!"

"Hindi ko ma-reach!"

"Sabi na, eh.. Hindi ko siya kayang abutin.."

"Kakaloka 'yan!"

Lahat ng iyon ay puro mga comments ng magkakaklase pero hindi iyon pinansin ni Nella. Ayaw niya kasing magmukha siyang nagyayabang dahil alam niyang kapag nag-react siya ng sobra ay magmumukha siyang mayabang. Isa pa, may ginagawa din siya kaya hindi niya magawang alisin ang atensyon doon.

Matapos ang iilang activities ay nagsunod-sunod na ang mga teachers nilang nagsasabihan ng grades nila. Ang hindi lang nagsabi ay ang subject teacher nila sa A.P, English at Science. Malalaman din naman daw nila mamaya iyon dahil magkukuhaan na din ng card sa araw na yun, kaya nga kabadong-kabado sila dahil lahat ng mga magulang nila ay nandoon.

High School SweetheartsWhere stories live. Discover now