<Mia>"Iniwan lang kita nakipag-away ka na." Malalim na boses na sabi niya habang sinusuri pa rin ang mukha niya.
"Siya naman ang nauna... s-s-sinampal n-niya a-ako..." parang batang sumbong ko sa kanya.
Biglang nandilim ang mga mata niya bahagyang umigting ang panga niya. Ang hapdi kaya ng kaya pisngi ko.
"Let me kiss it to ease the pain." Napapaos na sabi niya at mabilis niya akong hinalikan doon.
"Promise, h-hindi a-ako ang na-nauna..."
"I do believe you baby. Hush... stop crying. I'm not mad at you, okay? hmm... Ayaw kong nakikipag away ka dahil ayaw kong may mangyaring masama sa'yo." Nag-alalang sabi niya habang masuyo siyang nakatingin sa akin.
Muling nagtagis ang bagang niya na ikinakatakot ko. Ano ang ginawa ko? Umiiyak lang naman ako dito, "look, your right cheek is swollen." Naiinis na sabi niya.
Tinawag niya si Pina para magpakuha ng ice pack.
"Huwag ka ng umiyak." Pagpapatahan niya sa akin. Umupo na siya sa tabi ko, sa kama at pinaharap niya ako sa kanya. Hinalikan niya ako sa noo ng matagal.
"Baby stop crying..." nahihirapang pagpapatahan niya sa akin. Pakiramdam ko para din siyang maiiyak.
"Hindi ko na papupuntahin s-si Lorena d-dito, f-f-friendships over na k-kami." Umiiyak na ako sa dibdib niya habang busy siya sa paghaplos sa sa likod ko.
"Hindi mo dapat inaaway ang kaibigan mo. Nag-iisang kaibigan mo na lang siya." Pangaral niya sa akin.
Napatigil ako sa pagpunas sa sipon ko gamit ang damit niya at tumingin sa kanya. I distance mysled from him a little bit pero pinalapit niya ako.
"So kinakampihan mo pa siya!? May gusto ka ba sa kanya, huh!? Or may relasyon na din kayong dalawa! Aminin mo nga sa akin lalaking ka! Kabit mo ba siya, huh!?" Galit na akusa ko sa kanya.
Nanumbalik ang galit ko.
"Heck no!" Mabilis na sabi niya.
"Eh, bakit mas kinakampihan mo siya!?" Pinapataas niya din ang presyon ko.
"Tapos magkausap pa kayo! May number ka niya! Nagkikita din kayo behind my back, huh!? Umamin ka sa akin Ethan dahil malalaman ko din ang totoo!" Gigil na sabi ko sa kanya.
"Babe are you jealous?" May sumilaw na ngiti sa mga labi niya at bahagyang namumula ang leeg niya.
"Hindi ako nagseselos!" Tanggi ko sa kanya, "kaibigan ko siya at ayaw ko ng ganoon." You know what I mean.
"Hey, sa'yo lang ako at saka hindi ako ang kausap niya. My secretary was the one who's talking to her. Pinapautos ko sa kanya kaya 'wag ka ng magselos."
Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi niya. Mukhang masaya pa ang gago.
"Tangina Ethan siguraduhin mo lang dahil tatanggalan kita ng kaligayan!" Banta ko sa kanya habang masama ang tingin ko.
Bigla siyang sumeryoso. Hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.
"Stop cursing."
"Bakit ikaw din nagmumura ka, ah!" Laban ko sa kanya.
"When you made me feel mad," rason niya, "at ikaw ginagawa mo ng hobby ang pagmumura." Seryosong sabi niya habang nakakunot noo. "Paano kapag narinig ka ng mga anak natin? Gagayahin ka nila at akala nila tama iyon. I don't like them saying bad words." Seryoso pa rin siya.
Wala na akong nasagot sa sinabi niya dahil tama na naman siya. No! Mali siya at ako ang tama. Wife is always right, never wrong.
At saka anong them?
BINABASA MO ANG
Behind the Contract
RomanceNang unang makita ni Ethan si Mia noong college ay na-inlove na siya sa babae. At simula nu'n ay hindi niya na nakitang muli ang dalaga, kahit na ilang ulit siyang pumunta sa Xavier University. Ngunit after how many years ay muling pinagtagpo ang ka...