<Mia>
KINAUMAGAHAN.
"Stop giving me that look." He look me at binalik niya rin ang tingin sa kalsada.
Nakasimangot ako kanina pa at masama ang tingin ko sa kanya.
Nandito na ang mahal na araw, sinag na sinag at gising na gising habang ako antok na antok.
Ginising niya ako ng 4 am para mag ready syempre hindi ako sumunod sa kanya kaya ayan mag sisix na kami nakaalis.
"Ang aga aga mo nanggigising!" Ungot ko.
Mag babiyahe pa kami papuntang airport.
"Ilang oras ba papunta sa Siargao?" Tanong ko.
I yawned and stretched my shoulders.
"4 hours and a half. You can take a nap and I'll just wake you up when we get to the airport."
Ang bilis nga niyang nakapag pabook tas ang aga pa.
Konti lang ang mga dinala namin na mga damit dahil na nga sa kakamadali at mamimili na lang daw kami doon ng mga kakailanganin namin.
"Bakit nakapag pa-book kaagad? Hula ko may kaibigan kang may-ari ng isang agency or may connection ka sa airport."
I yawned again.
He nods at me. See, tama na naman ako. Palagi kasing ganyan ang sinasabi niya sa'kin sa tuwing mabilisan ang lahat, kesyo may kaibigan daw siyang ganyan at ganoon.
"Nagpa book ka na sa hotel?"
Supportive naman siya sa business ng mga friends niya. May times pa nga na, pumunta kami sa bagong bukas na resort ng kanyang kaibigan.
Ethan nods at me as an answer to my question.
"Sa Tropical temple Siargao hotel ba 'yan?"
He nods again as an answer. Sabi ni Lomi doon daw sila naka stay.
Hinampas ko ang braso niya "Hoy! Magsalita ka naman! Puro ka na lang tango ng tango."
"I'm driving." Tipid na sagot niya.
"Bakit hindi mo ba ako pwedeng kausapin habang nag dadrive ka? Magsasalita ka lang naman hindi naman tayo mababangga!" Reklamo ko. "At ang tamad mo sumagot pagdating sa'kin!"
He didn't speak, but he sighed again.
"Bahala ka nga dyan! Matutulog na lang ako kesa sa makipag-usap sa bato." I murmured.
IGINALA ko ang paningin ko sa buong lugar.
"Wow ang ganda!" Namamanghang sabi ko.
Nandito na kami sa hotel na tutuluyan namin.
Binuksan ko ang sliding door at tumingin sa ibaba. Marami din ang tao.
Hindi naman crowded. May second floor itong itong kinuhang villa ni Ethan at parang mga kubo ang kanilang mga Villa.
"Ethan ang ganda!"
Expectation vs. Reality.
Akala ko pa naman building itong mga hotel nila.
Merong isang pa box na swimming pool sa gitna at may mga nakatanim na mga coconut trees sa paligid ng swimming pool.
"Fresh air. Ang sarap!"
Kanina pa lang pagbaba namin sa Eroplano excited na ako.
"Ang ganda ng paligid, ang presko! Ang linis! Ang daming halaman!" Kinikilig ako.
"Ang ganda ganda!"
"Like you."
Humarap ako sa kanya. "May sinasabi ka ?" Tanong ko. May narinig akong sinabi niya kaso hindi malinaw dahil mahina lang ang kanyang pagkakasabi.
BINABASA MO ANG
Behind the Contract
RomanceNang unang makita ni Ethan si Mia noong college ay na-inlove na siya sa babae. At simula nu'n ay hindi niya na nakitang muli ang dalaga, kahit na ilang ulit siyang pumunta sa Xavier University. Ngunit after how many years ay muling pinagtagpo ang ka...