Chapter 11

2.1K 39 1
                                    

<Mia>

Nasa kalsada na kami at umuulan ng malakas.

"Lorena dapat hindi mo pinangunahan iyong dalawa. Relasyon nila iyon at labas ka na doon." pinagsasabihan ko siya at ang dami niyang kalmot sa braso, at magulo na din ang ayos ng buhok niya.

Nagkarambolan sila doon at si Teriyaki at Kieffer ay may mga pasa sa mukha nila dahil nagka initan sila. Hindi ko na alam ang nangyari dahil hindi na ako pinalapit ni Ethan.

Nag Rambulan din daw ang dalawa, kwento sa akin ni Lorena. Nag bayad pa kami ng damage bago umalis at si Ethan na ang nagbago sa fifty percent ng damage dahil angsusumbatan pa sila doon kung sino ang magbabayad, at nagsususmbatan din.

"Ang gaga niya kasi! Ang tanga niyaa, hindi na nga siya mahal ni Kieffer pinipilit pa niya ang sa kanya. Sabi-sabing pipirma na sa annulment pero hindi naman ginagawa." reklamo nito.

"Kahit na! Hindi ka pwedeng suumugod at sabihin ang lahat! Dapat inalam mo ang limitasyon mo!"

Nagsisigawan na kami.

Magkaibigan nga sila ni Yunnie, parehas silang hindi gumagamit ng utak.

"Girl, kinakampihan mo pa iyon? Ako ang kaibigan mo pero siya pa ang kinakampihan mo!" umiinit ang ulo ko sa pagiging makitid niya.

Hinawakan ni Ethan ang kamay ko para pakalmahin ako. Si Ethan sanay na iyan sa paninigaw ko sa kanya araw-araw.

"Alam mo ikaw din hindi mo alam ang limitasyon mo! Kung makatira ka sa akin, bakit? malinis ka rin ba?! May tinatago ka rin naman baho, huh!" Triggered na siya.

Ang isang kamay ni Ethan ay nakahawak sa wheel at ang isa ay sa kamay ko.

Hindi ako makasagot.

"Loren, pwede ba!" nakakagigil na siya. "Ilugar mo iyang pagiging matapang mo! Dapat hinayaan mo muna silang maghiwalay ng maayos!"

"Bobita ka?! Walang naghihiwalay ng maayos! At kahit ikaw naman na alam ang worth sa sarili hindi ka mag hahabol sa isang taong hindi ka na mahal! Sige nga Mia?! Kasalanan ba ang magmahal huh?! Bakit iyang puso mo, tinuruan mo ba iyan na huwag ng mahalin si Yunnie? Tinuruan mo ba iyan magmahal kung sino ang dapat mong mahali?! Diba hindi naman! Ganoon din ako! Hindi porket kabit ako ay mababa na ang tingin mo sa akin! Wala tayong pagkakaiba sa isa't isa!... Hindi ko kasalanan na nagmamahalan kami ni Kieffer at lalong hindi ko kasalanan na mas pinili niyang iwan ang 11 years at ma fall out of love!"

Galit na siya.

Hindi ako magpapatalo sa kanya. Ang bobo niya, nandito si Ethan bakit niya binabanggit ang tungkol sa amin ni Yunnie. What a boneless woman!

Sasagutin ko na sana siya pabalik nang mahigpit na hinawakan ni Ethan ang kamay ko, he looked at me at sinasabi ng mga mata niya na kumalma ako at mabilis din binalik ang tingin sa daan.

"Itigil mo ang sasakyan, Ethan!" gigil na sabi ko. "Ibaba mo iyang si Lorena!" nakaka bwisit siya. Sinasagad niya talaga ang pasensya ko.

Magkaibigan sila ni Yunnie at dahil sa kanya kaya ko nakilala ang mga taong nasa paligid ko, she's my friend too pero hindi kami same mag-isip, mas lamang ako sa kanya at hindi niya ako kasing bobo.

Ang sabi niya maayos pa ang dalawa ng umeksena siya sa relasyon nila tapos ngayon sasabihin niya na-dfall out love si Kieffer! Hindi naman ma fa-fall out love ang isang tao kung wala ng iba.

"It's raining." Nag aalinlangan na sabi ni Ethan.

"Ititigil mo ititigil mo?" pananakot ko sa kanya. 'Kapag hindi mo itinigil iyan hindi na ako uuwi sa bahay.!"

Behind the ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon