<Mia>
Nagising ako na masakit ang ulo ko. I checked my phone at ang daming missed calls at tawag ni Ethan.
Ethan gago:
"Where the hell are you Mia Zoey?"Makasabi sa buong pangalan ko , akala mo talaga.
"Mia Zoey Inarez - Mendoza it's fucking one in the morning. Where. The. Hell. Are. You?!"
Binasa ko pa ang iba.
"Answer my calls!"
Ang dami niya naman missed calls.
307 missed calls.
89 text messages.
Ang dami niya naman oras mag text sa'kin.
"I told you to text me!"
Ay galit na si master. Hindi ko naman alam na tumatawag siya kasi sinilent ko ang phone ko at saka sa inis ko nakalimutan ko na siyang itext at umuwi.
Bigla akong nabadtrip.
I checked my other messages pero ni isang text o tawag wala akong natanggap galing kay Yunnie.
Inis akong bumangon at muntik na akong madapa nang may masagi ako.
Nakita ko si Chimmy at Lomi na magkayap sa carpet. Nakatulog na kami dito sa sala.
Umalis na ako sa bahay at hindi na ako nagpaalam sa kanila. Hinahanap na ako sa bahay, patay ako, nandoon si Lolo na mabangis. Ano naman ang ginagawa ng mabahong matanda na iyon sa bahay namin.
Inayos ko muna ang sarili ko at nagpabago para hindi ako mangamoy alak. Iniwan ko muna ang bag ko sa kotse para hindi halatang umalis ako.
"Ay nandito ka pala." kuware nabigla ako.
Ang matanda ang bumungad sa akin.
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa na parang sinusuri.
"Pumunta ka daw sa grocery sabi ng asawa mo.'
Sinabi niya iyon? Pinagtatakpan niya ako. Okay sige makikisabay na ako sa alon. Nasaan naman kaya ang lalaking iyon? At bakit itong matandang mabaho na ito ang sumalubong sa akin?
Hindi na kasi nag text si Ethan sa'kin.
"Ah oo." nauutal na sagot ko. Nakatayo pa rin ako sa pintuan.
Tumingin niya sa likod ko na parang may hinahanap.
"Nasaan ang mga pinamili mo?"
"Nasa kotse, hindi ko muna kinuha kasi napagod ako kakabuhat kanina sa mga pinamili ko at saka ipapabuhat ko na lang iyon mamaya kay Ethan, masakit na talaga ang balikat ko."
minasahe ko ang kaliwang balikat ko para kunware nangalay ako sa kakabuhat.
"Ay, gusto mo ba ng maiinom?" alok ko sa kanya at tuluyan na akong pumasok sa loob.
Kinuha ko siya ng tubig. "Bakit ka nga pala nandito?" pag-iiba ko ng usapan.
"Wala ka bang pasok?"
"Huh?" napakurap ako. Ang dami naman niyang tinatanong.
"Freelancer ho ako, hindi mo na maalala? I can manage my task at pwede akong mag work kahit na anong oras ko gustuthin. Hawak ko ang oras ko, lolo." umupo ako sa sofa at pasimple kong minamasahe ang ulo ko, baka tanungin na naman sa'kin at tanungin na naman ako.
"Wala ka naman mapapala sa pagiging freelancer. Ano ba naman iyang trabaho mo, para kang tambay."
"Pake mo ba." bulong ko
BINABASA MO ANG
Behind the Contract
RomanceNang unang makita ni Ethan si Mia noong college ay na-inlove na siya sa babae. At simula nu'n ay hindi niya na nakitang muli ang dalaga, kahit na ilang ulit siyang pumunta sa Xavier University. Ngunit after how many years ay muling pinagtagpo ang ka...