Medyo mabait pa si Ethan. Kalmado pa siya sa lagay na ito pero ramdam ko na nagtitimpi lang siya. Kilala ko na iyan. Ang lalim ng paghinga niya which is pinapakalma niya ang kanyang sarili.
"She shouted at Fairy, inaway niya ang bisita natin. Wala naman ginagawa si Doctora Fairy pero binabantaan niya. What kind of wife is that Ethan? Nang-aaway ng bisita." Disappointed na sabi ng Lolo niya.
Bakas din sa boses ni lolo ang disappointed niya sa akin.
Ethan face me, "wife, is that true?" Malumanay na tanong niya habang pinupunasan ang luha ko.
Tumango ako bilang sagot, "ang plastic kasi niya." Sumbong ko sa kanya habang umiiyak.
Malalim na bumuntong hininga si Ethan, "hush... it's okay... i'm here." Pagpapatahan niya sa akin at paulit-ulit akong hinalikan sa noo.
"Say sorry to doctor Fairy." Utos ni Lolo.
Ayaw ko! Mang-aagaw iyan at mukhang malandi!
"Mia! Mag sorry ka sa kanya!" Sigaw ni lolo sa akin at tila hindi nagustuhan ni Ethan kaya hinarap niya ang kanyang lolo na galit.
"Don't shout at my wife!" Sigaw niya sa kanyang lolo.
Mukhang nabigla ang matanda nang sigawan siya ng apo, napahawak pa ito sa bandang puso.
"I told everyone to look after my wife! Umalis lang ako saglit at sinisigawan mo na siya! Ni hindi ko nga iyan hinahayaan na dumapo ang langgam sa kanya tapos ikaw sisigawan mo lang siya! Maybe If I didn't arrive on time ay may ginawa ka na sa kanya!" Galit na sabi ni Ethan.
"What?! Sinisigawan mo ako dahil sa babaeng iyan?!"
Galit na din ang lolo niya.
"Ethan..." pigil ko sa kanya at hinawakan sa braso niya para pigilin siya.
"Aba! Siya na nga ang mali at siya pa ang kinakampihan mo! Hindi kita pinalaking ganyan Ethan!"
"But it's not right to shout at my wife!" Ganti ni Ethan. " I don't care if you raise me."
"Lia, kunin mo nga ang gamot." Utos ng matanda habang hinihimas ang parte ng puso niya.
"Ethan, kumalma ka." Natatakot na sabi ko sa kanya.
"Let's get out of here." Sabi niya at hinila niya ako. Mahigpit na nakayukom ang isang kamao niya habang malalim pa rin ang paghinga niya. Nagtatagis ang bagang niya. Ang bigat ng kanyang bawat paghinga.
"Ethan! Bumalik ka dito!" Sigaw ng lolo niya pero hindi niya man lang ito pinakinggan, "hindi kita pinalaking bastos! Ethan!" Sigaw ng kanyang lolo.
Malalaki ang mga hakbang niya at natatangay na niya ako. Ang laki kasi ng hakbang niya, dahil na rin siguro na matangkad siya.
"Hubby... baka iyung lolo lalong magalit sa'yo." Natatakot na sabi ko.
Nagpakaladkad ako sa kanya hanggang sa kotse niya.
Pinasakay niya ako sa kotse.
Tumingin lang ako sa kanya hanggang sa umikot siya at makasakay.
Galit pa rin siya.
"S-sorry..." nahihiyang sabi ko habang nakayuko.
He has a deep sight.
"D-dahil sa akin nag-away tuloy kayo ng lolo mo." Hindi makatingin na sabi ko sa kanya at pinaglaruan ang mga daliri ko.
"Wife, look at me." Malalim ang boses niya. Pinaharap niya ako sa kanya at wala na ang apoy sa mga mata niya.
"What really happened when I was outside?" Malumanay na tanong niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Behind the Contract
RomansaNang unang makita ni Ethan si Mia noong college ay na-inlove na siya sa babae. At simula nu'n ay hindi niya na nakitang muli ang dalaga, kahit na ilang ulit siyang pumunta sa Xavier University. Ngunit after how many years ay muling pinagtagpo ang ka...