Chapter 25

2.8K 63 2
                                    

"Kumain ka na ba?" Ako naman ang nagtanong sa kanya.

"Hindi pa din." Maikling sagot niya.

"Bakit hindi ka ba pinakain ng kakambal mo?" Umalis sila at ang aga niya nauwi. Nauna pa siya sa akin kaya nalintikan ako.

"We ate but I want us to eat together." Ang arte.

Inaantok talaga ako sa paghaplos niya sa buhok ko.

"Wife, kumain na tayo. Magpapaluto ako ng gusto mo." Pilit niya sa akin.

Sabi niya kanina siya ang magluluto at ngayon ay magpapaluto siya. Ang gulo ng lalaking ito.

Sinampal ko siya para manahimik siya.

"Mia!" Nabiglang sabi niya.

Tuluyan ko ng ipinikit ang mga mata ko at hindi ko na siya pinansin.

Bahala siya sa buhay niya. Ngayon ko naramdaman ang pagod, bukas na lang ulit ako iiyak, bandang hapon. Iyung wala siya sa bahay. Alam ko papasok siya sa trabaho bukas. Kailangan na niyang pumasok sa trabaho dahil konti na lang ang pera niya. Ang konti ng laman ng account niya.

Mayaman naman ang kakambal niya pero ang laman ng account niya ay hindi umaabot ng isang milyon.

Bakit kaya?

"Give my goodnight kiss before you sleep."

Hindi ko alam kung sinabi niya iyon or hallucination ko lang. Tuluyan na akong nakatulog.

Pagkagising ko kinaumagahan ay nakadapa na siya sa akin habang ang isang niyang kamay ay nakayakap sa tiyan ko.

Tinignan ko siya at ang sarap ng tulog niya. Parang comfortable siya sa pwesto niya, bahagya pa siyang nakanganga.

Tinanggal ko ang pagkakayakap niya sa akin at tumayo niya. Just like what I always do ay naghilamos lang ako at pumunta sa kusina.

"Ay madam, sakto na gising ka na!" Masayang sabi ni Rose habang naghahanda ng pagkain.

"Good morning Ma'am!" Bati sa akin ni Pina at bahagyang ngumiti sa akin.

"Madam, heto milk." Bigay ni Rose sa akin sa isang baso ng gatas. Napataas ako ng kilay.

"Bakit palaging may gatas kapag umaga? Ano ako baby?" Napahinto sila sa ginagawa nila ng taasan ko sila ng kilay.

"Eh, utos po ni sir na ipagtimpla ka ng gatas sa umaga at gabi at palagi ka pakainin ng masustanasyang pagkain." Rason ni Rose.

Walang sabing tumayo ako at pumasok sa kwarto namin. Ginising ko si Ethan.

"Ethan gising!" Niyugyog ko siya.

Ipapagising ko na lang sana siya pero naisip ko na wala siyang damit pang itaas at kung ano pa ang gawin sa kanya ni Rose.

"Ethan!" Naiinis na sabi ko at sinampal ko siya. There, nagising siya.

Inaantok na tumingin siya sa akin.

"Good morning." Bati niya sa akin habang seryoso ang mukha niya. Inaantok pa siya at ang husky ng boses niya.

"Ipagluto mo ako," demand ko siya at ngumuso, "ayaw ko ang niluto ni Rose."

He close his eyes for a minute and open them again, inaantok pa siya. Mukha siyang antok na antok.

"What did she cook?" Malamig na tanong niya.

Kumunot ang noo ko sa inaakto niya pero hindi ko na siyan pinansin.

"Bilisan mo, gutom na ako. Hihintayin kita sa kusina." Iniwan ko na siya at hindi na siya umangal. Kadalasan kapag umaga ay naglalambing muna siya.

Pinaalis ko ang dalawa sa kusina at nakapaghilamos na si Ethan pero magulo pa rin ang buhok niya. Naka puting damit na siya. Sa kwarto lang namin siya walang damit.

Behind the ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon