Chapter 9 Bar

1.8K 17 0
                                    

MIA POV

"Ayusin mo nga!" Tinulak ako ni Lorena ng bahagya. "Tulungan mo akong maghanap hindi 'yung nakaupo ka lang diyan." gigil na sabi niya.

Kanina pa kami nandito at kanina pa siya naghahanap sa taong hinahanap niya.

"Alam mo ang laki ng bar na ito at saka ang daming tao. Imposibleng makita natin sila. At saka tanong mo kung nasang parte sila. "

"Hindi nga nag rereply diba" badtrip na sagot niya sa akin at nag type na sa cell phone. Kanina pa siya badtrip dahil hindi ko siya tinutulungan maghanap.

"Uwi na tayo Lorena the mistress." Kalmadong aya ko. "Hindi ko alam kung saan mo nakukuha iyang kapal ng mukha mo." Komento ko.

Siya na nga ang kabit siya pa talaga may balak sumugod at eeksena pa talaga sa bonding nung asawa.

"Alam mo kung wala kang magandang sasabihin itikom mo na lang iyang bibig mo." pikon na siya sa akin at iritang tinatawagan ang taong ayaw naman sagutin ang tawag niya.

"Alam mo kung wala kang magandang gagawin manahimik ka na lang." Ganti ko.

Ang lakas talaga ng loob ng babaeng ito hindi nahihiya.

Hindi na niya ako pinatulan pa at hinila na lang kung saan.

"Alam mo uwi na tayo, hindi natin sila mahahanap at saka malay mo naka VIP room sila." a woman accidentally bumped on me. "Sorry Sorry Sorry." Ngumiti lang ako sa kanya para sabihing okay lang.

"Nakakainis naman." Pumunta kami sa pinaka sulok at medyo madilim na parte.

"Ayon sila!" tinignan ko kung saan siya nakatingin pero hindi ko naman sila nakita.

"Diba si Ethan 'yon?" My tinuro siya kaso hindi ko naman amkita dahil nga madilim at nasa sulok pa sila.

Marahas niya akong hinila at mutik pa akong may makabanggaan.

"Hello guys!" bati niya sa kanilang lahat.

Ang talas naman ng mata ng babaeng ito. Sabagay kapag nga naman may hinahanap ka gagalingan mo sa paghahanap.

Hindi tumingin sa amin si Ethan at busy siya sa lalaking kausap niya.

They are six in the table and one woman, oh, that must be the legal wife of Kieffer pero hindi ko naman alam kung sino sa dalawang lalaki ang kinakabit nito, naka pagitna kasi ang babae sa dalawang lalaki.

"Ethan, you're here pala." nilakasan niya ang boses niya para marinig siya ni Ethan pro kahit na narinig siya ay hindi man lang siya pinansin.

"Ethan... Mia is here hinahanap ka niya. Kung saan saan ka niya hinahanap nandito ka lang pala." sa pagkakasabi niyang iyon ay ang atensyon ay nasa alalki.

Pinanlakihan ko siya ng mata.

Siniko si Ethan ng lalaking katabi niya at nginuso kami. Nahihiyang ngumiti ako sa kanya.

"May I join you guys? Hetong kasing kaibigan ko nagwawalahiyang kapag nalalasing at saka nandito rin naman ang asawa niya para alalayan siya and if you don't mind can I sit in? Kami lang dalawa. Lonely naman ako kung iiwan ko dito ang kaibigan ko."

Psh! Ang galing gumawa ng kwento at ng idadahilan.

"Sure. You can sit..." hindi pa natapos ang lalaking may hikaw sa kaliwang tenga ng bigla akong itulak ni Lorena at feel niyang umupo sa gitna. Itinulak niy ang legal wife para makatabi ang lalaki. Kaya sila ng dalawa napapagitnaan nila si Kieffer.

Umalis sa sofa ang lalaking nasa dulo dahil naipit siya ginawang pag singit ni Lorena sa gitna.

Ang kapal talaga ng mukha.

Behind the ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon