<Mia>
"Baby!" Sigaw ni Lorena sa pangalan ko.
Nandito kami sa bahay niya sa Quezon City. Ang layo ng nilakbay ko papunta dito, galing pa akong Makati City. Doon kasi kami nakatira.
Unang hinanap ng mata ko si Yunnie.
"Nasaan si Yunnie?" Bungad ko sa kanya.
Ang nandito lang ay si Chimmy at Lomi.
"Ay si girlfriend kaagad ang hanap hindi man lang ako pinansin." Pagtatampo niya.
Umupo ako sa sofa.
"Nasaan si Yunnie?" Ulit ko.
"Aba teh, ikaw ang jowa bakit sa'min mo hinahanap." Sagot ni Chimmy.
"Kasama ko siya kanina." Sagot ni Lomi habang busy sa pagtitipa sa cell phone at hindi makuhang tumingin sa kausap. "Nagmamadali. Pupunta yata silang Siargao. Hindi ka niya daw matawagan."
I checked my phone again at wala naman siyang text or missed calls.
"Anong gagawin niya sa Sirago?" Usisa ko. Wala naman siyang sinabi sa'kin.
"Siguro mag su-swimming" Lorena
"Hahanapin niya si Nemo." Sabi ni Chimmy sabay tawa.
"Tatawa na ba kami?" Sarcastic na tanong ni Lomi habang pilit na tumatawa.
"Hindi naman ako nagpapatawa." Biglang sumeryoso si Chimmy.
"May family bonding at hindi ka kasama." Sabi ni Lomi.
Wala siyang nabanggit sa'kin.
"Depressed 'yun. 3 weeks ka daw niyang kinokontak at hindi ka rin daw nag tetext sa kanya." Umupo si Lorena sa tabi ko.
Hindi nila alam ang nangyari sa'kin at hindi ko sinabi.
"Kailan daw ang uwi nila?" We haven't contacted each other.
Miss ko na siya.
"Akala nga namin break na kayo." Lorena
"O, bakit nakasimangot ka diyan?" Tanong ni Chimmy kay Lomi. "Nag away na naman kayo ni Sam, noh."
Nakasimangot na naman si Lomi. Palagi silang nag -aaway ng girlfriend niyan.
"Uwi na ako." Walang ganang sabi ko.
Parang gusto ko na lang na nasa bahay. Nasanay na yata ako sa presensya ni Ethan. Ano na kaya ang ginagawa ng mokong na 'yun.
My phone beeps.
"You didn't bring your tumbler." Ang sabi niya sa text.
"Sana all may ka -text." Chimmy.
"Nasaan girlfriend mo? Himala hindi mo kasama." Lomi.
" Busy siya." Maikling sagot ni Chimmy.
"Uuwi na ako, guys."
Wala talaga akong gana. Excited pa naman akong pumunta dito para makasama siya tapos wala naman pala siya.
"Gusto mong batukan kita?" Lorena.
Ngumuso ako at sumandal sa sofa.
"Parang pumayat ka." Tinitignan ako ni Lomi.
"Inom na lang tayo nababadtrip ako sa boyfriend ko." Lorena.
"Don't drink too much alcohol" basa ko sa text ni Ethan.
"Ano iiwan ka na ba niya at babalikan ang tunay na asawa?" Chimmy.
"Lomi, ikaw nga ang kumuha ng maiinom natin since, ikaw naman ang mareklamo dito." Utos ni Lorena at sumunod naman si Lomi.
"Alam mo isa ka pa eh," gigil na sabi ni Lorena. "Nang gigigil ako sa'yong tomboy ka." Nagtitimping sabi niya.
"Hindi ako puwedeng uminom." Kabilin-bilinan ni Ethan na huwag muna daw akong uminom dahil may UTI ako at ang taas.
Hindi ko nga rin alam na may UTI ako, kung hindi lang siguro nangyari ang bagay na 'yon hindi namin malalaman.
"Mamaya ka. Huwag ka munang makidagdag, Mia." Nakasimangot na baling sa'kin ni Lorena.
Alam kasi niya na mag-iinom kami kapag sinabi ko sa kanya na I will be with my friends.
"Hindi ako iiwanan nu'n at saka inaasikaso na nila 'yung annulment nila nung asawa niya."
Inilapag ni Lomi ang mga alak sa center table.
"Wala kang stock ng junk foods, Lor." Lomi.
Bumalik siya sa puwesto ko. "Anong gusto niyo? Mag o-order ako." Lomi got her phone again.
"Sus, masyado ka kasing nagpapauto sa mga lalaki. Hindi ka naman mahal nu'n, kung mahal ka niya hindi ka niya gagawing kabit!" Marahas na sabi ni Chimmy.
"Punyeta ka!" Wala na sa mood si Lorena.
"Boom bars!" Asar ko kay Lorena, "wala ka pala eh, tinawag kang kabit." Badtrip na badtrip na siya. "Kabit ka lang pala" pang-uuyam ko.
"Huh? Ako?" Turo niya sa sarili niya. "Look at yourself." Tinaasan niya ako ng kilay. "Kung ako kabit ikaw naman ay may kabit."
"Ay iba din!" Natatawang sabi ni Chimmy.
Tumahimik ako.
Totoo naman 'yon.
"O ano? Nanahimik ka ?" Hamon niya sa'kin.
Binigyan kami ni Lomi ng bote ng alak at kinuha ko 'yon.
"Ang kabit at ang isa ay may kabit. Wala naman kayong pagkaka-iba sa isa't isa" Lomi seriously type on her phone.
"Anong gusto niyong kainin?" Pagkakaiba niya sa usapan.
"Kahit ano." Chimmy.
"Walang kahit na anong pangalan na pagkain." Lomi.
"Meron na." Chimmy.
"Pizza gusto niyo?" Lomi asked us at hindi pinansin ang sinabi ni Chimmy.
"Ge, kahit ano." Chimmy.
"Kung ano na lang gusto niyong orderin" sabi ko.
"Kapag ako nagka resto ipapangalan ko. Lomi the hot beef. Tas pangalan nung sa mga menu is, Kahit ano, kung ano 'yung sa'yo, busog pa ako, honey bear, bebi." Natatawang sabi ni Chimmy.
Lomi look at her awkwardly at masinsinan ko lang silang tinitignan habang nagkakatitigin sila.
"Bebi? Diba 'yun 'yung tawagan niyo dati?" Lorena asked out of nowhere and the two look away
They were ex lover. At ngayon may kanya -kanya na silang mga bagong girlfriend but they are still friends.
"Mi, dito ka na lang matulog ah, malayo uuwian mo." Sabi ni Lorena sa'kin.
"Sige, basta hindi pupunta ang boyfriend mo."
Ang ingay kasi nila kapag gabi. Natulog na ako dito one time at sakto dito din natulog ang boyfriend niya at hindi ako nakatulog dahil sa kanilang dalawa.
"Hindi pupunta nag away kami."
BINABASA MO ANG
Behind the Contract
RomanceNang unang makita ni Ethan si Mia noong college ay na-inlove na siya sa babae. At simula nu'n ay hindi niya na nakitang muli ang dalaga, kahit na ilang ulit siyang pumunta sa Xavier University. Ngunit after how many years ay muling pinagtagpo ang ka...