Chapter 17 Break Up

1.8K 37 0
                                    

<Mia>

"Kieffer, kung mahal mo talaga hihiwalayan mo na ang asawa mo." Dinig ko na demand ni Lorena.

Huh, nandito si Kieffer? Ano na naman ang ginagawa ng gagong lalaking ito dito?

Kung sino pa ang kabit siya ang makapal ang mukha, at demanding. Suminghot ako at sinusubukan na pigilan ang luha ko. Kanina pa ako umiiyak at hindi alam ang gagawin. Para na akong nababaliw dito.

Nakatago ako dito sa mga halaman malapit sa pinto para hindi nila ako ako mapansin, nakikinig ako sa kanila. Nadatnan ko sila na seryosong nag-uusap sa living room.

Sumilip ako, nakita ko na ibinaba ni Kieffer ang mobile phone at ipinokus ang atensyon kay Lorena. "Babe, I'm still working on that, okay? And besides ayaw kong biglain si Queen." Seryosong sagot ni Lorena sa kanya.

Mukhang hindi nagustuhan ni Lorena ang naging sagot ng kanyang kasintahan, "talaga ba Kieffer?" Hamon nito sa lalaki, "ang tagal na natin pinag-uusapan ang bagay na iyan. Kung mahal mo talaga ako, hindi mo ako gagawing kabit!"

Bumuntong hininga si Kieffer, "Lorena, please. I need your deep understanding. Hindi ako pwedeng basta na lang makipaghiwalay kay Queen." Pagpapa-intidi ni Kieffer sa kanya.

Ang sakit ng puso ko, bakit ba palagi na lang ako sinasaktan ni Yunnie? Minahal ko naman siya ng totopo, ah. Deserve ko ba ang ganitong sakit? Wala naman akong ibang ginawa kundi mahalin si Yuniie. Ipinaglaban ko siya sa pamilya ko kahit na itinakwil nila ako dahil sa kanya.

"Lorena," malalim na banggit ng lalaki sa pangalan ng kaibigan ko, "kung mahal mo ako maiintindihan mo ako." Pagod na sabi nito.

"Kieffer, kung mahal mo ako ipapatindi mo sa akin! Puro ka na lang rason sa akin! Kesyo magaglit ang pamilya mo sa'yo! Kung ganoon pala bakit mo ako ginawang kabit mo?! Ano ito? Naggagaguhan ba tayo?!" Umuusok na sa inis ang ilong ni Lorena. "Alam mo, bumalik ka na lang sa asawa mo na mahirap basahin ang pangalan at i-spelling." Mapait na sabi ni Lorena the kabit.

"Ang hirap maging kabit Kieffer, walang assurance. Pero okay," Lorean smile bitterly on him, "mahal naman kita." Madamdamin na dagdag nito.

Si Yunnie kaya? Sabi niya mahal niya ako pero sumusuko na siya. Napahikbi ako.

Kieffer sighed at nilapitan ang aking kaibigan. "Lorena-" hindi na niya naituloy ang dapat na sasabihin nang lumayo sa kanya ang aking kaibigan.

"Mahal mo pa siya Kieffer..."

"Sorry, wait for me and I'll find a way to make her sign our divorce paper. I don't love her anymore, babe. Kung ikakapanatag mo ang paghihiwalay namin gagawin ko iyon." Seryosong sabi ni Kieffer habang hindi kumukurap.

"Gawin mo muna bago ako maniwala. Alam mo naman ako, marupok pagdating sa'yo."

Hindi ko na mapigilan na mapahagulgol para mapatingin silang dalawa sa pwesto ko.

"Mia!" Shocks na tawag sa akin ni Lorena nang makita ang kalagayan ko. Puno ng luha ang mga mata ko.

Napaupo na ako sa sahig dahil sa panghihina ng mga tuhod ko.

"Anong nangyari?!" Dinaluhan ako ni Lorena at tinulungan makatayo. Pinaupo niya ako sa coach.

"Si Yunnie... nakipag break na sa akin." Humagulgol ako. Para akong bata na umiiyak dito. Ilang beses na nakipaghiwalay sa akin si Yunnie at hindi ako pumapayag.

"Babe, I'll go ahead. It seems your friend needs a privacy." Mabait na sabi ni Kieffer. Hinalikan niya muna ang kaibigan ko bago siya umalis.

"Mag-iingat ka, okay? Tawagan mo akong mamayang gabi!" Habol ni Lorena.

Behind the ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon