Chapter 30 Drunk

30 0 0
                                    

"Oo nga pala, kamusta na ang balak mong mag-aral sa ibang bansa?" Baling ng kanilang tito kay Ethan.

May balak siyang mag-aral ulit? Bakit wala siyang nabanggit sa akin? Naglilihim na siya sa akin.

Sa kabilang table ay nagtatawanan sila habang dito naman ay seryoso ang usapan.

"I'm still thinking about it, uncle." Sagot ng katabi ko.

Tumayo lahat ng balahibo ko nang magsimulang tumaas bumaba ang kamay niya sa legs ko.

"Go mo na iyon. Credentials din iyon."

I look at Ethan pero mabilis niya akong hinalikan sa pisngi.

"Do you want to sleep?" Tanong niya sa akin.

Na di-distract ako sa adam's apple niya, ang sarap pitikin.

"Hindi pa naman ako inaantok." Sagot ko at muling kumain.

Ang sarap ng atmosphere dito, ang lamig ng simoy ng hangin at kitang-kita ang buwan. May iilan na stars sa langit.

Maraming halaman sa paligid.

"Tell me when you feel sleepy. Matutulog na tayo." Bulong niya sa tenga ko. Hinahalikan niya ako sa ulo ko kung may chance siya.

Hindi pa naman ako inaantok at nag e-enjoy naman na ako dito.

Nag-usap pa sila.

"Alam mo Ethan, get a room." Tumatawang sabi ni tito Alfred.

"Kanina ka pa halik ng halik sa asawa mo." Sabi nito.

Napatigil sa paghalik sa balikat ko si Ethan.

Bigla akong nahiya, napansin pala niya iyon.

"We will," pagsakay ng lalaking ito.

"Yown oh, gagawa na sila ng bata! Everyone! Expect another member of the family!" Anunsyo nito sa lahat.

"Kanino iyan, ah? Huwag mong sabihin kay Mark iyan dahil kawawa ang bata!" Pambu-bully ng pinsan nito.

"Ulul!" Sagot ni Mark.

"Sino pa ba ang hinihintay ng lahat ng magka-anak? Syempre kay Ethan! Parang gusto ng ikulong sa kwarto ang asawa, eh. Napilitin lang yata sumama sa atin." Mahabang sabi nito.

Nagkulay green na ang mukha ko dahil sa hiya, hindi ako makatingin sa kanila dahil nakatingin silang lahat sa amin.

"Congrats man!" Sunod-sunod na bati nila.

"Huwag mo na akong gawing ninong insan, ah!"

"Kaya pala ang tagal bumaba kanina! Sabi pupuntahan lang ang asawa!"

They started to tease Ethan, at the same time greeted us.

"Next month mag expect na tayo ng announcement mula sa kanila."

"Get a room guys! Simulan na ang paggawa ng bata!"

Sigaw nila.

"We will do it, so better don't disturb us." Sabi ni Ethan sa kanilang lahat at hinila na ako.

Nagkulay pink ako dahil sa sinabi niya.

Puta! Anong pinagsasabi niya sa pamilya niya?! Alam ko naman na open minded sila pero nakakahiya pa rin.

Naghiwayan sila habang paalis kami sa lugar na iyon at naghiwayawan naman sila.

"Galingan mo bro!"

"Make the most of it insan! Bring a handsome creature!"

"Make it triplets bro!"

Cheer nila!

Mahigpit ang pagkahawak sa akin ni Ethan pero hindi naman ako nasasaktan. Tama lang. Hindi sobra at mahigpit.

Behind the ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon