"Lorena kabit!" Sigaw ko, "kapag sinabi ko ang pangalan, sabihin niyo kabit!" I chant.
Nasa gitna ako ng sala habang may hawak akong rechargeable mic na kulay rosas.
"Lorena!"
"Punyeta ka!"
Humagikgik ako nang biglang siyang magmura at masama ang tingin niya sa akin. Hay naku.
Naniniwala na talaga ako na matagal mamamatay ang mga kabit.
"Kung nandito ka para husgahan ako, aba'y umalis ka na." Sikmat niya at pinagpatuloy ang pag-aayos sa nails niyang pangit. Ang kamay niya ang daming kulugo.
"I was checking on you."
Iniwan kasi namin siya sa daan ni Ethan ng dis-oras ng gabi. May himala, buhay pa siya.
"Talaga ba? Hindi ko kailangan iyan. Umalis ka na dito sa bahay ko. bigla -bigla ka na lang pumapasok, hindi ka naman welcome." Bitter na sabi niya.
Lumapit ako sa kanya para tignan ang ginagawa niya and I cringe. Puro siya lagay ng nail polish sa nails niya, hindi naman niya bagay. Bagay sa kanya ay maging kabit.
"Pasalamat ka nga kinakamusta kita!"
Huminto siya sa ginagawa niya at muli niya akong tinignan.
"Wow!" Hindi makapaniwalang sabi niya, "after mo sabihin sa akin ang mga iyon kakamustahin mo ako? Sana okay ka lang Mia."
"Ops! Aba, totoo naman kasi!" Dipensa ko, "naninira ka ng relasyon!" Sagot ko sa kanya.
Nabigla ako nang malakas niyang bitawan ang hawak na pusher, "gusto mo sabihin ko sa asawa mo na may kabit ka?!" Sigaw niya sa akin. Naiinis na siya. Dinuro pa niya ako, "hindi ako naninira ng relasyon! Kung ganoon man iyon ikaw naman ayaw mo sa maayos! Sinisira mo ang marriage mo!" Gigil na sabi niya habang ang dalawang kamay ay nasa bewang niya.
Hindi ako nagpatinag sa kanya at hinarap ko siya.
"Sinong tinatakot mo Lorena? Bakit masakit ba na marinig na isa kang kabit at hindi mo matanggap?!" Laban ko sa kanya at nagsukatan kami ng tingin. "At saka, hindi naman maniniwala sa'yo si Ethan!"
Baliw na baliw sa akin ang lalaking iyon, kaya ako lang ang paniniwalaan niya.
"At saka, pinagsabihan lang kita na hindi mo dapat ginawa iyon at nagalit ka!" I added. "Masyado kang defensive."
Mahigpit niya kinuyom ang kamao niya.
"Sige! Ilalaglag din kita! Pasalamat ka at hindi ko sinabi sa asawa mo na may kabit ka noong gabing iyon! Akala mo ba hindi ko kayang sabihin?" Hamon niya sa akin, "sige Mia, inisin mo lang ako at ibubulgar ko sa buong pamilya mo ang sikretong tinatago mo! Ilalabas ko lahat ng baho mo!" Galit na sabi niya sa akin.
Binabantaan ba niya ako?!
"Putangina mo, ah! Tinatakot mo ba ako?! At saka, for your information hindi maniniwala sa'yo si Ethan." Ngumisi ako. Nasa akin pa rin ang trophy.
Hindi ko na mapigilan na magmura. Alam talaga akong inisin ng babaeng ito. Ang layo ng binyahe ko para kamustahin siya tapos gaganituhin niya ako?!
"Subukan mong sabihin kay Ethan, kakalbuhin talaga kita!" Banta ko din sa kanya. Hindi ako magpapatalo sa isang kabit. Gigil niya ako. Kakalbuhin ko ang ulo niyang may poknat.
"Umalis ka dito!" Sigaw niya at binato sa direksyon ko ang isang gun toys. Mabuti naman nakaiwas na ako.
"Lorean, subukan mo lang talagang sabihin kay Ethan, kakalimutan ko na magkaibigan tayo." Kalmadong banta ko. Malakas pa rin ang confident ko na hindi maniniwala si Ethan sa kanya.
BINABASA MO ANG
Behind the Contract
عاطفيةNang unang makita ni Ethan si Mia noong college ay na-inlove na siya sa babae. At simula nu'n ay hindi niya na nakitang muli ang dalaga, kahit na ilang ulit siyang pumunta sa Xavier University. Ngunit after how many years ay muling pinagtagpo ang ka...