Chapter 30

69 6 2
                                    

Gab’s POV




"Gab bilisan mo naman!" 

I frustratingly lift up the hem of my gown so that I can walk faster. Umupo ako sa vanity dresser ni Jade dahil siya daw ang mag aayos sa mukha ko. It's the annual Lycian Ball today. 

"Pikit nga kasi!" Natawa ako nang inis na hinawi ni Jade ang hibla ng buhok ko. Kanina pa siya naiirita sakin dahil daw ang likot likot ko. Ang kati sa katawan ng gown na suot ko kaya hindi ako mapakali.

"Aray ko naman!" Inirapan lang ako nito at nagpatuloy sa ginagawa. 

"Okay na," Napatingin ako sa mukha ko sa salamin. Hindi masyadong makulay ang nilagay ni Jade sa mukha ko para daw bumagay sa susuotin ko. "Kung 'di ka kasi malikot, natapos na tayo kanina pa. 

Papatulan ko na sana siya ngunit biglang bumukas ang pinto at niluwa nito ang ate namin.

"How do I look?" Napahinto kami ni Jade at tumingin kay ate Roxanne. 

"Oh.." 

"You look perfect!" 

Napangiti naman ako dahil tama si Jade, she looks perfect. Her hair is tied in a messy bun, wearing a royal blue majestic gown. The color perfectly matched her skin. 

"The ball will start in 30 minutes." Pumasok naman si Kamill sa kwarto. 

"Ang ganda mo Kamill." Puri ko dito na hindi niya inaasahan at nahihiya siyang ngumiti. Natawa naman ako sa reaksyon niya. Nilapitan naman ni Jade ito at umikot ikot sila.

Kamill is wearing an emerald green gown while Jade's wearing a pink ruffled tulle gown. They both looked stunning. I glanced at my reflection in the mirror and slightly smiled. 

When we arrived at the dining hall, we were greeted with cheerful music. Everyone was having a good time. The tables are surrounding the dance floor. There are few who are already dancing in the middle. There are also floating candles and the fairies are flying around freely.

"Hey ladies!" 

We saw Kai, Chandler and Levi all together at one table. We sat with them since it is big enough to fit even 10 people. I was gagged to see how the boys looked. 

"Nag mukha kang tao ngayon." Pang aasar ko kay Kai at natawa lang ako nang irapan niya ako. 

"Gab!" Nawala naman ang ngiti ko when Chandler called me. When I turned to him he was already wearing his usual annoying smile. 

"Ako na naman ang nakita mo Thornhill." Natawa lang siya sa akin bago ibaling ang atensyon kay Ate. Napailing na lang ako dahil halata kay Chandler na tiklop siya pagdating sa pinsan ko. 

"Tanginang gown 'to!" Inis ko itong hinila para makaupo ako nang maayos. Tinawanan lang ako ni Levi kaya sinamaan ko siya ng tingin. 

"You look so beautiful Gab." Nangamatis ang aking pisngi dahil sa hindi inaasahang puri ni Levi. Pinitik ko lang ang kamay niya nang umasta siyang guguluhin ang buhok ko. Nakita ito ni Jade kaya pinagalitan siya dahil ginugulo daw nito ang masterpiece niya. Natawa na lang ako sa kanilang dalawa.



"Good evening," Agad na humina ang musika sa paligid at napunta ang sentro ng atraksyon kay Miss Clio na nakangiting nakatayo sa gitna. 

"Welcome to the Lycian Ball!" 

Samu't saring hiway at palakpakan ang naani ng headmistress. Lahat ay lubos ang tuwa. Ang ilan ay tumayo pa sa sobrang galak. 

"We'll be back." Tumayo sila Kai at nagtungo malapit sa dance floor. 

The Journey Of The DemigodsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon