Gab's POV
When we came out of the forest, we saw a huge sand dune filled with huge tents and old cabins. You can see pirates everywhere, nonstop drinking, some are even fighting. Are they like this on a daily basis? It's chaotic.
"Avast!" They all stopped when their captain came. All attention is on him. "We've got a visitor!"
"What do we got, cap'?" Nakangiting tanong ng babaeng puno ng tattoo at piercing sa katawan. Her clothes are way too exposed.
"Half bloods. Seems like I have something that belongs to them." Umiling ito at humarap sa mga piratang naghihintay sa sasabihin niya. Hindi sila magkandaugaga.
"And what is it?" tanong ng babae.
"A lyre. Clio's beautiful yet dangerous weapon." sagot ng captain nila. Napakunot naman ang noo ko. Our headmistress's weapon?
"But-"
Hindi natuloy ng babae ang sasabihin nang hinila siya ng lalaki at may bumulong. Napangisi ang babae. Hindi maganda ang kutob ko dito kaya naman umatras ako.
"Alert the powder monkey!" sigaw ng babae.
Naghiyawan ang mga ito at biglang naglabas ng armas. Ang iba ay papasugod na sa amin. Nagtago naman ang ibang kababaihan. Napakagulo ng paligid.
"Shit!"
Bigla kaming hinila nina Ellaine at Callum palayo sa mga pirata. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Ang iba ay may mga dalang itak. Agad kaming napaligiran ng kidlat. I almost got electrocuted by it.
"What's the plan?!" I shouted.
"Defend yourself but don't kill." Ellaine furiously said. She was drawing out her sword. I saw Levi already shooting some pirates that were going to attack us. I don't even know where Kai is.
Kaliwa't kanang putukan ang naririnig ko. Binobomba nila ang nagpoprotekta sa 'min. Halos mabingi ako sa tunog ng paghampas nito. Napaisip naman ako at malalim na napahinga.
Lumuhod ako at hinawakan ang lupa. Napabuntong hininga ako ng malalim bago yumuko, nagdadasal na sana ay gumana ang plano ko.
It's now or never.
Unti unting naglabas ng itim na usok ang kamay ko. Nanginginig ang paligid at nag siliparan ang mga buhangin, tila bumubuo ng buhawi.
"What are you doing?!" pasigaw na tanong ni Jade.
"Trying to.. protect us, obviously." I grunted. Nang matapos ako ay nabalot ng itim na usok ang shield namin. Sinigurado kong walang lason ito, mahirap na.
Napatingin ako dito at huminga ng malalim. Pakiramdam ko'y matutumba ako.
"You alright?" tanong ni Levi nang magkabanggaan kami. Tumango lang ako at umayos ng tayo.
Hindi ako sigurado kung kailan magtatagal ang ginawa kong harang. Napalingon naman ako kay Jade. Nang mapansin niya ito ay agad siyang napaatras at nanlaki ang mga mata.
"What?!"
"You go out there!"
"Tanga ka?!"
BINABASA MO ANG
The Journey Of The Demigods
Fantasy"We're all in this together." Gabriella Dawson, the first half-blood offspring of the God of the Underworld, has been facing trials ever since she entered Hillside Academy. Studying in a new world that she just discovered is very difficult for Gab...