Gab's POV
Nagising ako sa maingay na tunog mula sa nakabukas na TV sa hotel room na napagdesisyunan naming manatili. Sobrang lakas pa rin ng ulan at ayon sa balita ay dalawang bagyo raw ang paparating dito sa Rutherford, ang lugar kung saan naroroon ang unang pearl ni Persephone.
Biglang tumunog ang phone ko dahil sa notification na nakuha. Napapikit ako dahil sa taas ng brightness ng phone ko.
Jade:
Sobrang sungit ni Callum. I can't stand his bossiness. (ノಠ益ಠ)ノ彡┻━┻
Natawa ako nang mabasa ang text message ni Jade. They've already arrived at their destination but decided to stop by near a hotel to rest.
Hindi na'ko magtataka kung lahat makakaaway ni Callum. Hindi lahat ay kayang tiisin ang ugali niya. Kahit ako ay sobra ang inis sa kanya ngunit mahaba naman ang pasensya ko kaya natitiis ko siya.
“You wanna grab a coffee?” Napaayos ako ng upo nang lumabas galing CR si Cleo at ayain ako. Napangiti naman ako bago tumango.
Rinig na rinig ang kulog at kidlat sa labas ng cafe na nahanap namin. Naiwan si Lauren sa hotel na natutulog habang si Nico naman ay nagpa-gas lang saglit. Aalis din kami mamaya dahil kailangan naming magmadali sa mission na ito.
“Here..” Inilapag ni Cleo ang kape na para sa akin habang siya naman ay may hot choco at isang platitong may muffin.
“Thanks.” Mahinang bulong ko bago dinama ang sarap ng kape.
“How'd you like your fame so far?” Napakunot ang noo ko sa biglang tanong ni Cleo.
“Huh?”
Natawa siya at humigop ng inumin niya, “Forgive me. I'm just fascinated how yesterday, the whole academy was against you, now they see you as their hero.” Napailing siya.
“Half bloods.. Such a bunch of headaches.”
“I don't know,” Napatingin nalang ako sa tanawin sa labas. “All I know is that I don't care enough to notice it.”
Nagkibit nalang siya ng balikat. Napabuntong hininga naman ako at inubos nalang ang kape.
“Having fun without me?” Napalingon ako nang marinig si Nico na papalapit sa amin. “Car’s good. I say we leave by sunrise.”
“Will the sun even rise at this point? Sobrang lakas ng bagyo.” Nakasimangot na umupo si Lauren sa tabi ko. Hindi ko alam kung anong mood niya at kung bakit sa akin ito tumabi. Hindi niya siguro napansin or wala lang siyang pakialam.
“I'll call Callum. Maybe Kai’s pissing him off too much.” Biro ni Nico. Si Cleo lang ang mahinang natawa habang nakatunganga lang kami.
After breakfast, we immediately went to Florencia Hardin. It was weird since it's a botanical garden and I didn't expect that the first pearl would be located in this kind of place.
Si Lauren na ang nagprisintang humawak ng map dahil kahit anong pilit ko, hindi ko rin naman kabisado ang bawat lugar na kailangan puntahan namin. Ako nalang ang nagparaya at nagbaba ng pride kahit na labag sa loob ko.
“What the heck is this place? Ang tataas ng damo.” Reklamo ni Nico nang makarating kami. Napaismid ako dahil tama nga siya. Halos hindi ko na makilala ang lugar dahil sa sobrang daming halaman na hindi ko alam kung bakit tumubo sa daan.
“Is this some kind of a trap?” Tanong ni Lauren nang magsimula na kaming baybayin ang daan.
Iniwan na namin ang kotse sapagkat hindi na nito kayang tahakin ang daan. Napagdesisyunan naming babalikan nalang namin ito once na makuha ang pakay sa lugar.
BINABASA MO ANG
The Journey Of The Demigods
Fantasy"We're all in this together." Gabriella Dawson, the first half-blood offspring of the God of the Underworld, has been facing trials ever since she entered Hillside Academy. Studying in a new world that she just discovered is very difficult for Gab...