CHAPTER TWENTY-NINE

150 14 1
                                    

Chapter 29: Heaven

Nang makarating ako sa tapat ng bahay ng boss ni Kuya ay nagdadalawang-isip ako kung tutuloy pa ba ako o uuwi na lang sa bahay namin. Ayoko kasing makita si Kuya baka sigaw-sigawan niya ako at pagalitan.

Hmm, tsk! Sige na nga, papasok na ako! Bahala na si Batman sa akin.

Dahan-dahan kong binuksan ang gate ng bahay at mabuti na lang hindi ito naka-lock. Pagkapasok ko ay isinara ko rin agad at ini-lock ito. Nang akmang lalakad na ako ng tahimik ay biglang para akong binuhusan ng malamig na tubig ng makita si Kuya na nakatayo sa may pintuan at nakatingin sa akin. Tiningnan ko lang siya at naglakad palapit sa kaniya.

Nang makalapit ako ay bigla na lang niya akong hinawakan ng mahigpit sa braso at hinila ako papasok sa bahay. Dala ng pagkakahawak ng dalawang lalaki kanina sa aking braso at sobrang higpit na pagkakahawak ni Kuya dito ay hindi ko na napigilang hindi mamilipit sa sakit kaya naman hinawakan ko ang kamay ni Kuya pero patuloy niya lang akong hinila papasok ng kuwarto.

Nang makapasok kami ay saka niya lang ako binitawan ngunit pabalag iyon kaya naman halos mapaupo ako sa sahig. Tiningnan ko siya at nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

"Hindi ko na alam, Heaven. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa'yo." mahina ngunit puno ng galit na sabi ni Kuya at itinulak ang ulo ko gamit ang hintuturo niya. Bigla na lang tumulo ang mga luha sa mata ko ng makitang lumuluha ang mga mata ni Kuya. Tiningnan ko siya habang patuloy na bumababa ang mga luha sa aking mga mata.

"S-Sorry.. Sorry, Kuya.." sabi ko at hindi na napigilan at tuluyan ng umiyak. Alam ko kung gaano siya kagalit ngayon pero hindi niya magawa kasi gabi na at ayaw niyang maka-istorbo. I know na sobrang galit na galit siya sa akin, na gusto na niya akong saktan ngayon dito. I really know him, madali siyang magalit kapag ako ang dahilan.

"Pwede ba, Heaven.. huwag mo ng gawin ito? Huwag mo ng ulitin ito.. dahil kung uulitin mo pa ito baka hindi na ako makapag-timpi at masaktan na talaga kita!" sigaw niya na lalong nakapagpa-iyak sa akin. "Naiintindihan mo ba? Ha?!" sigaw niya pa at hinawakan ako sa balikat ko. Patuloy pa rin ako sa pag-iyak habang tumatango.

"Makinig ka naman sa akin, Heaven. Alam kong nasa tamang edad ka na at kaya mo na ang sarili mo pero Heaven, kuya mo ako, okay? Alam ko kung anong makakabuti sa'yo at hindi." sabi ni Kuya at binitawan ako. Tumatango-tango lang ako habang umiiyak. Hindi ko siya kayang tingnan. Galit siya sa akin. Sobrang galit. Bakit ba naisip ko iyon? Akala ko walang pakialam sa akin si Kuya. Akala ko wala siyang nararamdamang pag-aalala o pagmamahal man lang sa akin kasi kung meron, hindi niya ako ipapahiya o sasaktan sa harap ng ibang tao. Nagkamali ako. Hindi ko kaya ng wala si Kuya.

Naramdaman kong niyakap ako ni Kuya at pinapatahan ako kaya naman gumanti rin ako ng yakap sa kaniya at umiyak pa.

"Sorry, Kuya. Sorry. Hindi ko na uulitin. Sorry talaga." sabi ko at umiyak ulit ng maalala ang mga nangyari kanina. "Sorry talaga.. kung pinag-aalala kita." umiiyak na sabi ko at hinigpitan pa ang yakap sa kaniya.

"Saan ka ba galing? Bakit ganiyan ang itsura mo?" tanong niya habang yakap-yakap pa rin ako. "Bakit hindi ka man lang nag-paalam sa sakin? Bakit ngayon ka lang?" tanong niya pa kaya naman lumayo ako sa kaniya at pinunasan ang mukha kong basang-basa dahil sa mga luha.

"I have school kanina then half-day lang kami kaya naisipan namin ni Miya mag-mall muna... then, nagpunta kami sa.. bar around seven." sabi ko at tiningnan si Kuya. Bigla na naman siyang nainis kaya napapikit ako ng itaas niya ang kamay niya. Pero, laking gulat ko ng hawakan niya lang ako sa ulo.

"Don't do this ever again. Don't make worry kasi lagot ako kay Mama kapag may nangyari sa'yong masama." sabi ni Kuya na magkasalubong ang mga kilay. Ngumiti naman ako at tumango-tango sa kaniya. Nang bigla siyang tumuro sa may katawan ko. Napatingin naman ako doon at nagulat ako ng makitang sira ang uniform ko. Mabuti na lang at may suot akong sando kasi kung wala, ewan haha.

The Possessive Mafia Boss (COMPLETED✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon