CHAPTER NINE

2.2K 61 3
                                    

Chapter 9: Sea

Victoria's Point Of View

After 5 years...

Hoy! 5 years agad?! Grabe, hindi ba puwedeng 5 Hours lang? Huh?

At sa wakas, nakarating na rin kami sa Palawan ni Sir na himbing pa rin na natutulog sa upuan niya. 'May saltik kasi siya kaya need niya matulog. Para naman hindi siya pasaltik-saltik kapag nakaharap na niya ang kameeting niya. Psssh!'


"Sir Perth? Gising ka na, nandito na tayo."aniko ko at mahinang niyugyog ko ang balikat niya. At putakte, hindi man lang nagising. Batukan ko kaya? Para mawala na rin ang saltik niya---

"I know... hindi naman ako tulog."biglang wika nito na ikinagulat ko. 'Ano daw? Hindi naman tulog pero parang tulog talaga siya kanina? Hala! Hindi ko siya maintindihan?'

"Let's go, it's already 1:00 PM in the afternoon."wika niya pa at hinawakan ng mahigpit ang kanang kamay ko. Mabilis ko naman ito sanang babawiin pero lalo niya lang hinigpitan ang hawak kaya wala na akong nagawa kundi ang magpahila sa kaniya at bitbitin ang bag ko. 'Boy Saltik talaga, oo!'


"Ah... ano, sir? Pwedeng bitawan niyo na ako. Hindi naman ako mawawala e."ika ko habang naglalakad kami palabas ng Airport. Hindi naman niya ako pinansin at nagpatuloy lang sa paglakad. Sumabay naman ako sa kaniya at tiningnan siya na nakapoker-face na naman. 'Ano bang problema niya? Kamukha na niya si Lady Gaga, kakapoker-face pero charot lang iyon. Ang pogi niya kaya--- ano ba itong pinag-iisip ko? Nababaliw na naman ako!'


"Hello?..... Yes, we're here... Thank you."

Muli ay napalingon ako kay Sir ng marinig kong may kausap siya sa phone. Napakunot-noo naman ako. 'Sino naman kaya iyong tumawag?'


"It's my driver, don't be jealous."anito sa seryosong boses pagkatapos ay mabilis na ngumiti sa akin at naglaho rin iyon. 'Huh? Anong pinagsasabi niya? Anong jealous-jealous? Baliw ba siya? Ako magseselos? Eh, loko pala ito e!? Pasabugin ko mukha niya eh.'


Inirapan ko naman siya at hindi na pinansin. Anong akala niya sa akin? May gusto ako sa kaniya? Ay, nevah! Ayoko sa kaniya, 'no? Boy Saltik yata siya!


Naramdaman ko namang binitawan na niya ang kamay ko pero hindi ko na lang ulit siya pinansin at inilibot ang buong paningin ko sa labas ng Airport kung saan maraming tao ang naglalakad. Agad akong napakunot-noo ng may makita akong lalaking nakatalikod na naglalakad palayo. 'Wait! Pamilyar siya ah? Hindi ba siya si.....'



"Let's go now, Ms. Cortez."


Napalingon ako sa tabi ko ng magsalita si Sir Perth at nabaling ito sa isang kotseng nasa harapan namin. 'Heto na yata ang sundo niya or puwedeng namin.'


Mabilis kong binuksan ang pinto ng Passenger seat at uupo na sana ako nang hilahin ako ni Sir papuntang Back Seat kaya wala na akong nagawa kundi ang tumabi na lang ulit sa kaniya. 'Sana all, kahit saang lupalop may driver na magsusundo sa iyo. Tsk!'




"Ang lahat ng nagiging secretary ko, palaging nasa tabi ko, okay?"bulong niya pero muli ay hindi ko siya pinansin. Nagulat naman ako ng hawakan niya ang baba ko at iniharap sa kaniya.




"Kapag kinakausap kita pansinin mo ako, got it?"may bahid ng inis na sabi niya pero katulad ng kanina, hindi ko siya pinansin at humarap na lang sa unahan. 'Bahala siya sa buhay niya! Basta ako, gusto ko ng umuwi sa amin! Yey, makikita kona si Lolo at Lola!'



The Possessive Mafia Boss (COMPLETED✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon