CHAPTER THIRTY-ONE

139 13 0
                                    

Chapter 31: For real?!

Heaven’s Point Of View

HAAAAAAAY!

Mahabang hikab ko at nag-unat-unat. Nandito ako ngayon sa classroom namin at katatapos lamang ng aming klase. Napatingin ako kay Miya na mahimbing na natutulog.

Isa rin pala siyang nakatulog sa klase.

“Anong oras na ba?” tanong ko at tiningnan ang oras sa phone ko.

12:26 P.M

Nagtaka ako ng makitang may 2 messages sa akin si Kuya. Agad ko iyong pinindot at binasa.

Kuya:

“Text me kapag uuwi ka na.” 11:05 A.M

“Hindi ka pa ba uuwi?” 11:45 A.M

Si Kuya talaga. Napaka-overprotective. Hindi ko naman na talaga uultin ‘yon. Ang kulit-kulit.

I dialed his number and wait for him. After 1 minute, cannot be reached. I tried to call him again but he still cannot be reached. Okay? So, what happened to him?

Bigla namang may natanggap akong new message galing sa unknown number. Agad ko rin naman tiningnan iyon.

Unknown:

“Cloud is busy. Umuwi ka raw ng maaga.” 12:30 P.M

Nagtaka naman ako ng mabasa ito. Sino naman kaya ito? Bakit kilala niya si Kuya?

Nang bigla na lang itong tumawag kaya naman nabitawan ko ang cellphone ko. Nagising naman si Miya kaya agad kong kinuha ang cellphone ko atsaka sinagot ang tawag.

“Hello? Who’s this?” tanong ko. Hinintay ko naman itong mag-salita at kung ano-anong naririnig ko dito na ipinag-taka ko.

“Are you f*cking insane?! Why did you called her?”

Nailayo ko sa tenga ko ang cellphone ng marinig ko ang sigaw ni Kuya. Bakit ba siya sumisigaw? Ano bang ginagawa nila? Bakit ang ingay yata?

“Hello? ‘Ven?”

Oh, it’s him.

“Hello? Kuya? Where are you? Anong ginagawa mo? Are you busy?” tanong ko dito. Narinig ko naman siyang bumuntong-hininga kaya nagtaka ako. Wait! Ano ba talagang ginagawa nila?

“I’m sorry, ‘Ven. I can’t pick you up there right now. May trabaho kami ngayon. ‹Bang!› Oh, sh*t!”

Wait. I-Is that a sound of a gun? What’s happening?

“Kuya? Hello? Anong nangyayari d’yan? Kuya?” tarantang tanong ko. Bakit may naririnig akong putok ng baril?

“We need to end this, ‘Ven. Bye.”

Bago pa ako makasagot ay ibinaba na nito ang tawag. Kinakabahan akong napatitig sa cellphone ko. Anong trabaho ni Kuya? Hindi naman siya nag-pulis o kaya nag-sundalo dahil ayaw niya. So, anong ginagawa niya ngayon? I need to know baka mapahamak siya doon. Huwag naman sana.

Keep safe, Kuya Cloud.

“May problema ba, Heaven?” tanong ni Miya na gising na gising na. Napatingin ako sa kaniya na kinakabahan.

“Something’s wrong with my brother. I need to know kung ano ba talagang trabaho niya.” sabi ko kay Miya at tumayo na. Iniligpit ko muna ang mga gamit ko atsaka naglakad paalis.

“Oy, wait lang Heaven. Where are you going?” tawag pa sa akin ni Miya pero hindi ko na siya nilingon at lumabas ng room. Mabilis akong lumabas ng school at pumara ng taxi.

The Possessive Mafia Boss (COMPLETED✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon