CHAPTER FORTY-THREE

213 15 0
                                    

Chapter 43: Danger


HINDI makapaniwala si Victoria sa kaniyang narinig mula sa kaibigang si Kenzo. Kanina lamang ay kasama nila si Mikaela at ngayon ay nakidnap ito. Hindi alintana ang mga nagkalat na piraso ng nabasag na baso ay naglakad siya palapit sa dalawang lalaking nagulat rin ng makita siya.

“Victoria, don’t step on it!” sigaw ni Kenzo sa kaniya pero huli na dahil nakalakad na siya rito at ramdam niya ang pagbaon ng mga bubog sa kaniyang suot na indoor slippers.

Nang makalapit sa kaniya si Kenzo ay agad siya nitong binuhat ng pa-bridal style at dinala sa sofa.

“Hey, Victoria.”

Tiningnan niya ang lalaking nakatayo sa harapan niya at punong-puno ng pag-aalala ang mukha nito. May kung anong lungkot bigla siyang naramdaman ng makita iyon. Hindi niya maintindihan. Nalulungkot siya dahil mukha itong nag-aalala sa kaniya.

“Victoria, didn't the doctor tell you not to stress yourself? Ela is fine. She's in good condition. We'll take care of her. Don't worry.” sabi sa kaniya ni Kenzo na nakaluhod sa harapan niya.

Nahigit niya ang hininga ng bumalik sa isip niya ang narinig niya mula sa mga ito. So, totoo nga na nakidnap si Miks? Sa isip-isip niya. At dahil, hindi makakabuti sa dinadala niya ay huminga siya ng malalim kahit na punong-puno ng pag-aalala at takot ang puso niya ay pinilit niyang pakalmahin ang sarili niya.

“P-Please, Kenzo. Save her. Save our friend. Kahit anong yabang ang meron siya, babae pa rin siya at walang magagawa ang kayabangan niya sa mga lalaking kumidnap sa kaniya. She need us.” aniya na ikinahagikgik ng dalawang lalaki. Nagtaka naman siya pero hindi na niya pinansin iyon. “... or I’ll just ask Sir Perth to help us?” suhestiyon niya na agad na ikina-iling-iling ng dalawa.

“Absolutely, don’t do that. It might cause more harm to Ela. Wala akong tiwala sa lalaking iyon.” sabi pa ni Kenzo at tumayo. “Victoria, just please... don’t stress yourself too much. Kami na ang  bahala kay Ela.” sabi ni Kenzo at iniwan na siya. Lumabas ang dalawa at naiwan siyang mag-isa sa sala. Namutawi ang katahimikan sa loob. Napatingin siya sa tsinelas niya na nakatabi sa isang gilid. May mga bubog pa rin na nakabaon doon at kung may ano siyang naramdaman ng makita ang mga iyon.

Wala sa sariling napahawak siya sa impis na tiyan niya. Hindi makapaniwala na mayroon ng buhay na nasa loob niyon at wala siyang magawa kundi ang tanggapin iyon. Hindi siya handa at hindi niya alam ang gagawin. Natatakot siya.

She needs Perth.

Agad siyang napailing-iling sa naisip atsaka naisipang umakyat patungo sa kuwarto. Bago iyon, tinungo niya muna ang kuwarto ni Kenzo kung saan pinatulog ni Jairus ang anak nitong si Melissa. Sinilip niya ang loob ng kuwarto at nakita niyang wala si Melissa sa kama. Napilitan siyang pumasok sa kuwarto ng binata.

“Melissa?” tawag niya sa bata habang pinapalibot ang mga mata sa kuwarto.

Wala siyang nakitang batang babae. Nasaan ito? Hindi ba’t dito dinala ni Jairus ang anak? Nasaan ito ngayon?

“Ninang, I’m here!”

Napalingon siya sa isa pang pintuan na nasa loob ng kuwarto at nakita niya ang batang babae na hinahanap niya. Lumapit siya dito at sumilip sa kuwartong pinasukan nito. Namangha siya ng makita ang loob niyon. Library kaya ito? Ang daming books.

“What are you doing here?” curious na tanong niya sa bata habang dahan-dahang naglalakad papasok ng kuwarto. May hidden room pala dito si Kenzo.

“Papa told me that if I can't sleep, I should just come here and read.” sabi nito at ipinakita nito sa kaniya ang hawak nitong libro. Napangiti naman siya at tumango-tango.

The Possessive Mafia Boss (COMPLETED✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon