CHAPTER EIGHT

2.3K 63 2
                                    

Chapter 8: Boy Saltik

Victoria's POV

SUNDAY

Kakatapos lang ng misa sa simbahan na pinagsimbahan namin ni Miks. Dumiretso kami sa Amusement Park malapit lang doon. At ako ngayon, heto nagsu-swing habang si Miks kumakain naman ng ice cream sa kabilang swing. 'Hayssss! Bwis*t na boss kong iyon?! Bakit hindi niya agad ipinaalam sa akin 'yon?! Nakakainis naman siya!'


"Be, ayos ka lang? May problema ka ba?"biglang imik ni Miks. Nilingon ko naman siya at nginitian. "Oo naman! Nakikita mo naman 'diba? I'm really okay!"sagot ko sa tanong niya pero umiling-iling siya na ikinakunot-noo ko.


"Tsk! Sabi ko na, walang kuwenta ang isasagot mo e. Haysss, kahit hindi mo sabihin sa akin, alam kong si Kenzo 'yan."sabi pa nito kaya napa-irap nalang ako at muling nag-duyan.


"Ano namang kinalaman ni Kenzo sa problema ko?"


"Oh, see? May problema ka, kaya hindi ka okay."anito kaya iiling-iling na natawa ako. 'Okay, she got me!'



"Oo na, may problema na ako pero hindi naman about kay Kenzo at sa nangyari sa---"naputol ang sasabihin ko ng marealize ko ang sasabihin ko. 'Shet! Muntik na ako doon ah?! Ayokong ipaalam sa kaniya iyon!'



"Anong nangyari? May nangyari sa inyo ni Kenzo?! Omygosh! Ano? Magiging ninang na ba ako for real? Kailan ang kasal niyo? Makakapunta ka na ba ng Japan? Oy, isama mo ako!? Pleaseeeee?"dada nito kaya sinamaan ko siya ng tingin at inirapan.



"Ano bang pinagsasabi mo? Baliw! Walang nangyari sa amin, ano?! Alam mo, OA ka rin, no? Atsaka, anong kasal-kasal ka d'yan? Japan? Walang mangyayaring gano'n, Miks, okay? OA mo d'yan! Jumbagin kita eh!"inis na sambit ko na ikinatawa nito. 'Bwis*t! Isa pa 'tong bruhang 'to! Sakit sa ulo!?'



"Eh, ano nga 'yong problema mo? Bakit ang tahimik mo diyan? Wala naman akong kasalanan para hindi mo ako imikan or pansinin. Pshhh, nakakatampo ka talaga!"anito na inirapan ko lang at bumaba sa swing.



"Wala, uwi na tayo--- sandali lang pala! Baka boss ko na naman ito!"aniko at kinuha ang phone ko sa bulsa at sinagot ang tawag.



"Hello?... Ahh, oo sir!... Huh? Talaga?... Weh?... Ahhhh!!! Omygosh!..... S-sorry, Sir! P-pero sige po!... Thank you, Sir!"aniko at ibinaba ko na ang tawag. 'Shet! For real?! Pupunta kami sa Palawan ni Sir?! Makikita ko na ulit sina Lolo?! Ackkkkk!'



"Bakit, Jin? Ano bang nangyayari sa iyo?"tanong ni Miks na nasa tabi ko na pala. Agad ko siyang niyakap ng mahigpit at lumundag-lundag pa.



"Jin, ano ba iyon? Bakit ba ang saya-saya mo?"tanong nito kaya agad akong bumitiw sa kaniya at hinila na ito pauwi.



---



"Oyy, iiwan mo talaga ako? Nakakainis ka talaga?! Ang daya mo! Want ko pa naman makita si Danzel."nakangusong wika ni Miks na ikinatawa ko. 'Danzel is my brother.'



"Sorry, Miks. Alam mo na, para rin sa trabaho ko ito, alangan naman mamasyal lang ako doon, kaya nga ako isinama ni Sir kasi para sa trabaho 'diba? Hayaan mo, pag-uwi ko bibigyan kita ng madaming chocolates."nakangiting wika ko kaya nagliwanag ang mukha niya.



"Siguraduhin mo lang iyan, nako lagot ka talaga sa akin kapag paasa ka. Hmmpp!"akmang babatukan ako nito pero tinanguan ko lang siya at inayos na ang mga dadalhin ko. 'Sabi ni Sir, susunduin daw ako ng driver niya dito ngayon na mismo kaya heto, excited na ako hehe.'



The Possessive Mafia Boss (COMPLETED✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon