CHAPTER THIRTY- TWO (P2)

117 15 0
                                    


Chapter 32: Present (PART TWO)

AGENT?

Anong ibig niyang sabihin? Saan ba kasi sila galing? Anong ginawa nila?

“Ano ba kasing nangyari sa inyo, Kuya?” inis na tanong ni Heaven. Kanina pa siya nagtatanong pero hindi naman siya pinapansin ng Kuya niya. Naiinis na siya.

“Can you please shut your mouth, Heaven? Bumalik ka na sa kuwarto mo.” ganti rin naman ni Cloud at sinenyasan ang kapatid na umalis. Napatingin ako kay Heaven. Umiiyak na siya at masama ang tingin sa Kuya niya.

“I hate you!” malakas na sigaw ni Heaven at dabog na lumakad paalis. Napailing-iling naman ako atsaka tumingin kay Cloud na nakataas ang gilid ng labi.

“Brat.” bulong pa nito atsaka idinikit ang compress sa braso niyang may pasa. Tiningnan ko naman sina Phoenix at Fourth na tahimik lang na naka-upo sa sofa sa tabi ko. So, ano ba talagang nangyari?

“So. What happened to all of you? Saan kayo galing?” tanong ko ng mamayani ang katahimikan sa aming apat. Wala naman nagsalita sa kanila, nanatiling tahimik. Ah, gano’n? Walang gustong mag-salita?

“I’ll tell this to Sir Perth.” sabi ko at akmang tatayo na para tawagan si Sir Perth nang biglang may humawak sa aking braso. Tiningnan ko iyon at si Phoenix na nagmamakaawa ang tingin. Napabuntong-hininga ako atsaka muling na-upo sa tabi niya. Mapanuri ko siyang tinignan at ang loko iniwasan naman ako. So, ayaw n‘yo talagang magsalita? Go!

“Don’t tell him about this, Miss Victoria. Please. This is our mission. We don’t need him. Kailangan naming tapusin ‘to ng kami lang because he gave it to us. Kami ang gagawa ng misyon na ito.” bulong ni Cloud at tumingin sa akin. Nagtaka naman ako. Para saan? Bakit may misyon?

“Bakit? Para saan ba at kailangan n’yong gawin ito?” tanong ko dahil hindi ko maintindihan. Ano ba talaga sila?

Hindi siya nagsalita bagkus nagtinginan silang tatlo. Parang nag-uusap sila gamit lang ang kanilang mga mata. Nakakainis ha? Bakit ba ayaw nilang magsalita?

“Ano ba talagang trabaho n’yo?” tanong ko.

Nanatili silang tahimik. Walang may balak magsalita kaya tumayo na ako. Pero hindi pa ako nakaka-hakbang nang may marinig akong pagbukas ng pinto. Napatingin kaming lahat doon at pumasok si Sir Perth na kagagaling lamang sa opisina. Hala! Hindi nga pala ako pumasok kanina kasi nakipagkita ako kay Margaux. Wait! May sasabihin rin pala ako sa kaniya.

“Boss.”

“Perth.”

Tahimik na naglakad si Sir Perth palapit sa amin. Naupo siya sa puwestong aking inupuan kanina. Sumandal siya doon at pumikit. Lahat kami ay tahimik na nakatingin sa kaniya. Hinihintay na magsalita siya.

“How’s your mission?” basag nito bigla sa katahimikan. Nakapikit pa rin siya at mukhang pagod kaya naman napailing-iling lang ako atsaka nagtungo sa kusina para ipagtimpla sila ng maiinom. Kape, ano pa ba?

Kahit hindi ko naririnig, alam kong nag-uusap sila tungkol sa misyon-misyon na iyon. Tsk. Malalaman ko rin ‘yang misyon n’yo na ‘yan.

Nang makapag-timpla ako ay inilagay ko na iyon sa tray at dinala sa may sala. Nag-uusap-usap pa rin sila. Pero noong nakalapit na ako ay tumahimik sila na para bang may dumaang masamang hangin. Ah, so ako ‘yon?

“Uminom kayo ng kape, baka sakaling makapag-kuwento na kayo sa akin.” sabi ko at inilapag ang tray sa may babasaging lamesa. Naupo ako sa isa pang sofa sa may tabi naman ni Fourth. Hindi pa rin sila nagsasalita kaya nanatili rin akong tahimik. Tiningnan ko silang lahat at parang may kung ano talaga sa kanila na hindi ko puwedeng malaman. Ano ba kasi ‘yon? Tungkol saan ba kasi ‘yong hindi ko puwedeng malaman? Ano ba talaga sila?

The Possessive Mafia Boss (COMPLETED✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon