CHAPTER THIRTY-SEVEN

126 14 1
                                    

Chapter 37: Red Lips


ISANG strapless night gown ang suot ko today because iyon pala ang binili ni Miks para sa akin. Nagreklamo ako ng maka-uwi kami at makita ang pinili niyang dress for me. Tinawanan niya lang ako atsaka ipinakita sa akin ang isang pares ng slingback stilletos na kulay black habang nang-aasar ang mukha. Nagreklamo rin ako tungkol doon pero tinawanan niya lang ako at pinilit na iyon ang suotin ko. Wala naman na akong magawa.

Hindi ko magawa tuloy lumabas ng kuwarto ko dahil sa suot ko. First time ko kasing magsuot ng sosyal na damit at hindi rin ako nagsusuot ng mga pointed na heels unless mababa.

7:30 P.M. ang simula ng okasyon, sabi ni Sir sa akin pero mag-a-alas-siyete na at wala pa rin akong balak pumunta sa salas kung saan naghihintay si Sir. Kanina pa rin ako tinawag ni Miks at ngayon hindi niya pa rin ako tinatawag ulit, siguro inaayusan niya si Sir.

Nagpalakad-lakad lang ako sa harap ng pintuan at sinusubukang ilakad ng ayos ang stilleto na suot. Huwag sana akong matipalok mamaya. Nagulat ako ng biglang may kumatok sa pintuan ko. Agad akong nataranta at lumapit sa salamin. Okay na ba ako? Ang bongga ko naman! Hindi naman ako ‘yong may birthday.

“Jin! Are you there? Aalis na raw kayo ni Perth.” rinig kong tawag sa akin ni Miks kaya kinabahan ako. Hala! Sure na ba? Nahihiya ako!

“S-Sandali lang!” kabadong sagot ko atsaka inayos ang gown na suot bago naglakad palapit sa pintuan. Huminga muna ako ng malalim bago binuksan ang pinto.

Laking gulat ko ng tumambad sa akin si Miks at Heaven na ngiting-ngiti at parang kumikislap pa ang mga mata habang pinagmamasadan ang suot ko.

“So gorgeous!” si Heaven.

“That’s my style.” mayabang na sabi naman ni Miks at lumapit sa akin sabay may ini-spray sa akin kaya napapikit ako at maamoy ang mabangong amoy ng spray na iyon. Cologne? Vanilla?

“And that’s the final touch. Let’s go na Jin. Kanina pa naiinip si Sir mo.” sabi ni Miks at kinapitan ako. Akmang aalis na siya ng pigilan ko siya.

“W-Wait lang naman, Miks. H-Hindi ba puwedeng magpa-late ng kaunti? K-Kinakabahan ako.” sabi ko at humigpit ang kapit sa braso niya. Natawa muna siya bago ako hinila ulit pababa.

“Bakit ka ba kakabahan? Ang ganda-ganda mo kaya. Right, Heaven?” sabi ni Miks.

“Yes na yes, Ate Ela. You're so gorgeous and sexy, Ate Victoria!” sagot naman ni Heaven kaya nag-init ang pisngi ko.

“B-Bakit kasi hindi na lang ikaw ang sumama, Miks?” tanong ko. Humarap siya sandali sa akin at tiningnan ako ng punong-puno ng pang-aasar. Kinunutan ko lang siya ng noo.

“Hindi naman ako ang soon to be wife niya.” bulong niya bigla sa akin kaya napanganga ako. Anong sabi niya? S-Soon to be ano?

“Oh, kinikilig. Tara na nga!”sabi ni Miks at hinila na ako ng tuluyan. Nang malapit na kami sa salas ay nakita ko na si Sir na nagtitipa sa kaniyang cellphone. Ka-text niya siguro si Mr. Knox at baka hinahanap na siya. Kasalanan ko ito!

Nang makalapit naman kami ay agad siyang napatingin sa amin at napatulala na lang ako sa kaniya ng makita ang itsura niya. Teka! Teka lang! Kalmahan mo, heart! Please lang! Ang pogi pogi ng kaharap mo ngayon. Ano ka ba, Victoria!

Biglang parang bumagal ang takbo ng oras sa paligid namin ng mapadako rin ang mga mata sa akin ni Sir. Para siyang isang prinsipe ngayon. Wait! Naka-gel ba ang buhok niya? Ang kintab! At teka, bakit ang pula ng labi ni Sir? Parang nang-aakit! Enebe! Shet! Wala akong masabi, sobrang gwapo niya tonight. For sure, madaming mai-inlove sa kaniya mamaya. Parang ayaw ko na tuloy sumama. Lalo lang akong kinakabahan.

The Possessive Mafia Boss (COMPLETED✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon