CHAPTER FORTY-TWO

167 14 0
                                    

Chapter 42: Take away


THIRD PERSON

WALANG kamalay-malay ang isang batang babae na nakahandusay sa madalim na kagubatan. Tumakas lamang siya sa mga lalaking kumuha sa kaniya at hindi nakita ang malaking bato sa kaniyang daraanan kaya siya natakid doon at bumagsak ang ulo sa kung anong matigas. Nawalan ng malay sa gitna ng malakas na pagbagsak ng ulan ang bata.

Nagising lamang ang batang babae matapos lumipas ang ilang araw. Nagtamo siya ng maraming pasa at sugat sa binti't braso. Bumangon ang batang babae sa pag-aakalang nadakip na naman siya ng mga lalaki. Ngunit, kakaiba na ang lugar na kaniyang kinaroroonan ngayon. Maaliwalas ang paligid at mukhang nasa isa siyang tirahan. Inilingon niya ang ulo niya sa paligid, walang tao. Kumirot ang ulo niya kaya napahawak siya rito. Sobrang sakit ng ulo niya. Parang binibiyak.

"Oh, gising ka na pala, hija."

Mabilis siyang napatingin sa taong nagsalita. Isang matandang babae ito na may dala-dalang isang tungkod. Lumapit ito sa kinahihigaan niya at sinapo ang noo niya.

"Mukhang maayos na ang pakiramdam mo, hija. Ako nga pala si Weng. Tawagin mo na lang akong lola Weng. Ikaw, ano ang iyong pangalan?" tanong ng matanda sa kaniya at ngumiti. Magsasalita na sana siya ng sumakit ang ulo niya kaya napahawak siya dito.

Mabilis namang umagapay ang matanda at nilapitan ang nasasaktang bata. Hinilot niya ang ulo ng mata para mawala kahit papaano ang sakit na nararamdaman nito.

"Masakit pa ba, hija?" tanong muli ng matanda sa kaniya. Sa oras na iyon ay naiyak na lamang ang batang babae. Nagtaka ang matanda.

"Bakit ka umiiyak? Sobrang masakit?" tanong pa ng matanda.

Hindi umimik ang bata at patuloy na umiiyak. Hindi nito alam kung anong nangyayari sa kaniya. May hindi siya maintindihan sa sarili niya.

"Sandali at kukuha ako ng maiinom." sabi ng matanda at mabilis na umalis sa kuwarto. Patuloy na umiiyak ang bata. Sinubukan nitong hilutin ang sariling ulo pero patuloy lang siya umiiyak hindi sa sakit, may kung ano sa katawan niya ang hindi maintindihan na nakakapagdama sa kaniya ng lungkot at takot. Hindi niya malaman.

Kapagkuwan ay dumating na rin ang matanda na may dalang isang basong tubig. Agad ito ipinainom sa batang walang humpay sa pag-iyak. Ininom naman agad iyon ng bata at mabuti na lang medyo kumalma na siya. Pero, ramdam pa rin niya ang takot. Natatakot siya. Hindi niya mawari kung bakit.

"Ayos ka na ba, hija?" tanong ng matanda ng medyo kumalma na siya.

Tumango naman siya at tipid na ngumiti.

"Ano ba ang iyong pangalan, hija? Para maibalik ka namin sa tunay mong mga magulang." sabi ng matanda. Nagsimula muling umusbong ang takot sa bata ng marinig ang sinabi nito. Agad na napailing-iling siya at mangiyak-ngiyak na tumingin sa matanda.

"I-I..."

"Ano 'yon, hija?" takang tanong ng matanda.

Naglandasan naman muli sa mga mata ng bata ang mga luha bago magsalita. "I-I don't know...... my name." sabi ng batang babae at kapagkuwan ay muli na namang humagulgol.


Nagising na rin sa wakas ang nananahimik na diwa ni Victoria makalipas ang ilang oras na kawalan ng malay. Dinala muli siya ni Mikaela sa bahay nina Perth matapos ang nangyari.

"She's awake!" rinig niyang sigaw ng isang lalaki na malapit lang sa kaniya. It's Cloud. Binabantayan siguro siya.

Nakita niya ang paglapit ni Mikaela sa kaniya at agad na hinipo ang noo niya. "Are you okay now, Jin? May masakit ba sa'yo?" agarang tanong ni Mikaela sa kaniya na inilingan niya.

The Possessive Mafia Boss (COMPLETED✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon