CHAPTER TWENTY-FIVE

1.7K 49 14
                                    

Chapter 25

Victoria's Point Of View

Kailan niya ba ako pakakawalan?! Naiirita na ako dito! Ayoko na dito! Ayoko na siyang makita!!! Ayoko na!!!

"Paano ba ako makakatakas dito? Shet lang! Ilang araw na ako dito? Wala bang may balak na iligtas ako dito? Mga walang kuwenta talaga... kailangan ko ng makaalis dito, baka kung ano pang gawin sa akin ni Jackson... i really know him, kaya. Tsk! Saan ba kasi ang daan dito palabas?"bulong ko sa sarili ko habang naglalakad at tumitingin-tingin sa paligid.

Yes, mga dalawang araw na yata akong naririto at wala pa ring nagliligtas sa akin kaya ako na lang ang tatakas mag-isa. Tsk! Tutal, matagal ng putol 'yong taling nakatali sa aking kamay. Sandali!

"Dito kaya ang daan palabas? Hope..."aniko sa sarili ko at dahan-dahang binuksan ang pintuan na nasa harapan ko. Nagulat ako ng makitang may dalawang lalaki doon na nakatayo habang nakatalikod sa pintuan. Paano naman ako makakadaan sa harapan nila? Tsk! Ano ba 'yan? 'Yon na 'yong daanan palabas eh! Naman!

Kanina kasi, iniwan ako ng mga lalaking nagbabantay sa akin kasi may pag-uusapan yata, ewan ko. Kaya heto, nakatakas ako, pero may mga tao pa rin palang nagbabantay. Tsk! Bwis*t! Tapos ang hirap pang kumilos kasi nakagown pa rin ako hanggang ngayon at oo, dalawang araw na akong walang ligo. Tsk!

Mabilis akong nag-isip ng paraan para hindi ako makita ng mga lalaking ito. At ng makaisip ako ay muli kong isinara ang pintuan atsaka tumingin sa likuran ko pero agad akong napasinghap ng nasa harapan ko na si Jackson. Paktay na tayo!

"Where are you going, Miss Cortez? Hmmm?"tanong nito kaya hindi kaagad ako nakakilos at napatulala sa kaniya. Shet! Bakit ba naman kasi ang tagal-tagal ko! Iyan, naabutan tuloy ako ng baliw na 'to! Shet!

"Puwede ba Jackson? Hayaan mo na akong umalis dito ngayon. Wala ka namang mapapala sa'kin dahil, una pa lang ayoko na sa'yo! Hindi ko maiibigay 'yang gusto mo, okay?"may bahid ng inis na sabi ko kaya naman natawa ito atsaka ako nginisihan.

"Oh, really? Kahit 'yang katawan mo, hindi mo maiibigay sa'kin? Tsk! Fine."wika nito atsaka lumapit sa akin. Inilapit naman nito sa akin ang kaniyang mukha at bumulong.

"I will kill you na lang para may mapala na ako... Tsk! Go! RUN!!!"malakas na sigaw nito sa pagmumukha ko kaya naman agad kong binuksan ang pintuan at tumakbo palabas.

"Boss!"

"RUN, VICTORIA! RUN!!! AS FAST AS YOU CAN!!! MAKE SURE NA HINDI KITA MAABUTAN!"rinig ko pang sigaw ni Jackson kaya naiiyak akong tumakbo-takbo palabas ng bahay niya. Hindi ko na alam kung saan ako papunta! Hindi ko na alam! Saan ba dito ang daan? Nasaan?!

*Bang!

"Ackkkk!!!"irit ko at tinakpan ko ang tainga ko. Napalingon-lingon ako sa buong paligid at nagtaka ako ng makitang nasa gubat ako. P-Paano? Bakit? Bakit dito pa?!

*Bang!

Mabilis akong napanganga ng may maramdaman akong tumama banda sa may likuran ko. Napaluhod ako sa aking kinatatayuan at kinapa ko ang aking likod. Nanlaki ang aking mga mata ng makitang may dugo ang aking palad. S-Shet! Tinamaan ako.

*Bang!

*Bang!

*Bang!

*Bang!

*Bang!

Nakarinig pa ako ng mga putukan bago ko naramdamang bumagsak ang aking katawan sa kung saan at mabilis na nanlabo ang aking paningin.

The Possessive Mafia Boss (COMPLETED✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon