CHAPTER TWENTY-ONE

1.7K 42 5
                                    

Chapter Twenty-One

Victoria's Point Of View


Hala! Ang ganda ko raw! Enebe, Kenzo?! By the way, ang pogi niya rin ngayon! Oo, nakaka-inlove siya!


"Kenzo, saan ba gaganapin 'yong party?"tanong ko sa gwapong katabi ko at tiningnan pa ito. Gwapo niya talaga... atsaka, alam mo 'yon?! Bagay na bagay sa kaniya 'yong suot niya, mukha siyang prinsipe.


"Sa Willsons de La Famiglia Villa. Pagmamay-ari ng pamilya Willson 'yon. Si Mrs. Willson ang may birthday ngayon kaya kailangan kong umattend... oh, i mean, need nating umattend, okay?"anito kaya napatango-tango ako. Willson? Saglit! Parang narinig ko na 'yong epilyidong 'yon? Pero... hindi ko na maalala... parang may nagsabi na sa akin ng epilyido na 'yon. Na ang sabi sa akin, huwag na huwag daw akong magpapakita sa isa sa mga ito... sino nga bang nagsabi sa akin no'n? Haysss! Nakalimutan ko!



"We're here..."mahinang sambit pa nito kaya mabilis pa kay flash na tumingin ako sa labas ng bintana nitong kotse at namang ha ako ng makakita ako ng napakataas na pader. Takte! Ang taas! May titan ba dito?! Ha?!



"Pader pa lang iyan, Victoria. Paano pa kaya 'yong loob?"tanong ni Kenzo na nasa harapan ko na pala. Ay, nakababa na pala siya?! Ang bilis naman niya! Teka?! Bigla naman akong kinabahan sa sinabi niya! Takte! Sumasakit ang puson ko!



"Bakit? Ano bang meron sa loob niyan? Mga titan?"sarkastiko kong tanong sa kaniya ng alalayan niya akong makababa. Kumapit naman ako sa braso niya at hinawakan ang suot kong gown. Mahina naman siyang tumawa at tiningnan ako.



"Baliw ka talaga... siyempre, mansiyon ng mga Willson. Tsk! Let's go na nga!"sabi niya kaya bigla akong nabalot ng kaba ng mapatingin ako sa harapan at nakita ko ang gate. Kahit gate, napakataas! Para talagang may titan ditong nakakulong! Pero, joke lang 'yon ha?



Naglakad kami palapit doon pero tumigil ako sandali at mahigpit na kumapit sa braso ni Kenzo. "Hoy, Kenzo. Kapag sobrang daming tao dito... huwag na huwag mo kong bibitawan ha? Naku, malalagot ka sakin."mahina kong sabi ko at seryoso itong tiningnan. Bigla naman itong natawa ulit atsaka tumango-tango.



"Siyempre, matao talaga dito... hindi mo ba alam na sikat ang pamilya Willson? Marami silang buildings dito sa Pinas tapos meron rin sila sa iba't-ibang bansa like sa France at Italy... meron sila doong tig-dalawa na company na minamanage ni Mrs. Willson..."wika nito kaya gulat akong napanganga. Omygosh! Talaga! Sobrang yaman naman pala talaga nila! Grabe! Paampon na ba ako?



"May anak ba sila?"tanong ko at nilingon siya. Bigla naman siyang natahimik at napatingin doon sa may gate. Siguro, meron. Bakit ba tinatanong ko pa?



"Let's go, Kenzo baka nagugutom ka na kaya ayaw mong magsalita."natatawang sambit ko at naglakad na ako kaya napasunod ito sa akin. Pagpasok na pagpasok namin sa may gate ay tumambad sa aking harapan ang napaka-laking mansiyon. Oo, talagang malaki siya. Medyo may kalayuan siya sa gate kaya kitang-kita mo talaga ang laki nito. Ilang taon kaya bago nagawa ito? Hmmm? Mas malaki pa siya sa mga schools na pinasukan ko. Ilan kaya ang kuwarto nila? 30? Ang dami!



"Ang ganda naman dito... parang palasyo na 'to ah?"bulong ko habang naglalakad kami ni Kenzo sa isang bridge na may tubig sa ilalim. Napakaganda, para kang nasa ibang bansa... Napakayaman naman talaga ng mga Willson.




"Palasyo? Ah, so tayo 'yong prinsesa at prinsipe? Tapos, ikakasal na tayo sa ilalim ng punong 'yon?"sarkastikong wika ni Kenzo at itinuro ang napakalaking puno na nasa gitna ng tubig. Napa'wow' naman ako at napatulala doon. Kay gandang pagmasdan ng punong iyon... Siguro, ang sarap tumambay doon sa gitna no'n habang kasama mo 'yong pinakamamahal mong tao... wala... ang ganda ng imahinasiyon ko.



The Possessive Mafia Boss (COMPLETED✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon