CHAPTER THIRTY-FOUR(P2)

116 12 0
                                    

Chapter 34: Partners (PART TWO)

Victoria Jin's Point Of View

Patuloy sa pagtunog ang cellphone ko ng magsimula akong maglinis ng sala rito sa bahay ni Sir Perth. Umuwi na muna ako ng umalis si Miks papunta sa Q.E. Matagal na rin pala 'yong araw na magkakasama kami rito. Ngayon, parang naluma na ang bahay na ito. Sino ba naman kasing nag-isip na tumira kami rito? May sarili pa naman kaming tirahan.

"Siguro si Sir Perth." sabi ko sa sarili ko at nagpatuloy sa paglilinis. Halos yata kasulok-sulukan ng bahay na ito ay nalinis ko na.

Isang oras pa ako naglinis at nagpahinga na rin sa salas. Maya-maya nakaramdam ako ng gutom kaya naman nag-tungo ako sa kusina para magluto ng makakain.

Habang kumakain ako ay muli na namang tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko na ito at si Sir Perth ang tumatawag. Siya rin ba ang tumatawag sa akin kanina?

"Hello? Sir?"

"Oh, Victoria! You finally answered my call! What are you doing? Where are you now?" agad na tanong nito ng masagot ko ang tawag niya. Napakunot-noo naman ako.

"Bakit, Sir? May kailangan kayo?" tanong ko at kumain. Narinig ko naman ang pagbuntong-hininga niya.

"Let's talk. Where are you now?"

"Nandito sa bahay n'yo, Sir." sabi ko at agad naman siyang um-okay 'saka ibinaba ang tawag. Nagpatuloy lang naman ako sa pagkain.

After ng ilang minuto ay dumating si Sir Perth. Kasalukuyan akong nagbabasa ng isang libro sa may sofa ng lumapit si Sir Perth sa akin.

"Victoria, are you okay? Czarielle hit you, didn't she?" tanong ni Sir kaya napatingin ako sa kaniya. Ngumiti naman ako atsaka umiling-iling.

"Okay lang ako, Sir. Naiintindihan ko kung bakit ganoon sila sa akin. Kasalanan ko rin naman dahil hindi ko sila sinunod." sabi ko. Rinig ko namang napamura si Sir bago naupo sa may tabi ko.

"No, it's not your fault. Don't worry, ako ng bahala sa kanila. Okay? Ako ang boss mo, kaya ako lang ang sundin mo. Do you understand?" tanong ni Sir kaya muli akong napatingin sa kaniya bago tumango-tango. Bigla naman akong niyakap ni Sir kaya napakunot-noo ako.

"Okay lang talaga ako, Sir." sabi ko pa kaya naman napahiwalay siya sa akin pero ang kumag nakangisi pa.

"I really love hugging you." sabi nito kaya natameme ako. Natawa lang siya atsaka tumayo.

"May niluto ka ba, Miss Secretary? I'm hungry again. Hindi pa rin pala sapat ang burgers lang." sabi ni Sir at nauna ng maglakad papunta sa kusina. Napailing-iling na lang ako habang natatawa sa sinabi niya. Sinundan ko na lang din siya sa kusina at ipinaghanda ng pagkain.



PERTH

Nang makalabas si Victoria sa office ay agad kaming nag-usap ni Mom ng masinsinan.

"Son, you should hire another secretary. I already fired her, bakit naririto pa rin siya?" tanong ni Mom. Tiningnan ko lang siya.

"Anak, makinig ka sa akin. Mukhang hindi mapagkakatiwalaan ang babaeng iyon. Bakit hindi mo kuning secretary si Mikaela? Paraan din iyon para mas maging close kayo." sabi ni Mom na ikinainis ko bigla.

"How many times did I tell you that we're not suitable for each other? Please, Mom. I can handle myself now. Hindi na ako bata. I can do what I want." sabi ko sa kabila ng pagkainis sa mga sinabi nito.

"Hindi kita pinalaki para sagut-sagutin lang ako, Perxy ha? Parang pinagsisihan ko ng sa iyo ko ibinigay ang company na ito na dapat sa Ate Rina mo! Sa ayaw at sa gusto mo, pakakasalan mo si Mikaela!" sabi ni Mom at akmang aalis na ng pigilan ko siya sa braso niya.

The Possessive Mafia Boss (COMPLETED✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon