CHAPTER THIRTY-TWO (P1)

138 11 0
                                    

A/N: Sorry na, ngayon lang napub ni beshy. Masama kasi ang pakiramdam ko kahapon T-T

Chapter 32: Present (PART ONE)

NANDITO na ako ngayon sa cafe kung saan sinabi ni Margaux na magkikita kami. Agad ko siyang hinanap at nakita ko siya sa malapit sa window glass ng cafe.

Nilapitan ko naman siya agad at nangamusta. Naupo ako sa may harap niya.

"Ano bang gusto mong pag-usapan?" diretsong tanong ko at tiningnan ang menu na nasa may table. Hindi naman nakaligtas sa akin ang mahinang hagikgik niya kaya napalingon ako sa kaniya.

"Can we please order first bago tayo mag-usap? Baka magutom tayo habang nag-uusap. Haha." sabi nito kaya napa-iling-iling ako habang nakangiti. Ibang klase talaga 'tong babaeng ito. Kakakain ko lang naman, pero okay na din na um-order ako, hindi ba?

Agad niyang tinawag ang waiter na nagseserve ng pagkain sa isang table. Ibinigay niya dito ang mga order namin. Umalis naman agad ang waiter kaya natahimik kaming dalawa.

"So, anong trabaho mo sa Quorex Empire?" basag nito sa katahimikang namamagitan sa amin. Napatingin naman ako sa kaniya na may pagtataka.

"Secretary ako ng CEO." sagot ko dito na ikinatango-tango niya. Nagtataka ko pa rin naman siyang tiningnan.

"Paano mo nga pala nalaman ang number ko, Margaux? Wala kasi akong naaalala na ibinigay ko sa iyo ang number ko." dugtong ko pa kaya natawa siya.

"Oo nga pala. I know, itatanong mo rin 'yan once na nandito na tayo. Actually, may isa akong friend na nagta-trabaho sa company ninyo. So, sa kaniya ko hiningi ang number mo. Is it okay, right?" tanong niya na ikinatango-tango. Friend? Sino naman kaya?

"Well, anyway. Let's eat na muna." sabi niya at saktong dumating na ang mga order namin kaya naman nakisabay na lang ako sa kaniya.

"SO, ano nga palang ginagawa mo? Sabi mo stressed ka sa trabaho mo." sabi ko kaya tumingin siya sa akin.

"Yes, sobrang stressed. 'Yong daddy ko kasi, plano na niyang ibigay sa akin ang company namin dito sa Pilipinas. We have a new company kasi sa U.K, and he told me that he's the one who will manage it." sabi niya kaya napatango-tango naman ako. So, may company rin pala sila.

"Sabi niya sa akin, ako na raw ang mag-mamamage ng company namin dito kaya sobrang stressed na talaga ako ngayon." dugtong niya pa.

"Dapat sa bahay ka na lang nagpapahinga, hindi 'yong nakipag-usap ka pa sa akin. Dagdag pagod pa ang pag-punta dito." sabi ko at sumubo ng dessert na inorder ko.

"Hmm, ayaw mo ba akong kausap? Sorry, hindi kasi umuuwi ang kapatid ko sa amin. Wala akong maka-usap. Busy rin naman ang mommy ko kasi katulong siya ni daddy." nakangusong sabi nito kaya napahawak ako sa bibig ko. Hala! Hindi ko naman sinabing ayaw ko siyang maka-usap ah?

"Hindi naman gano'n ang ibig kong sabihin. Sorry. I mean, hindi ba't nagpa-pahinga ka dapat kapag stressed ka or kaya naman nililibang mo ang sarili mo sa ibang bagay. Kapag ganoon kasi, mawawala ang stress sa'yo." sabi ko. Napayuko naman ito at kumain. Hala. Masama na ba ang loob niya sa akin?

"Thank you talaga, Victoria. Hindi ko talaga alam ang gagawin dahil sobrang stressed ako sa company namin. Mabuti at nakilala kita." sabi nito na nakangiti sa akin. Napangiti rin naman ako.

"Wala 'yon. Hayaan mo, nandito lang ako palagi kapag may problema ka. Tutulungan kita." sabi ko na lalong nagpangiti dito. Ang ganda niya talaga.

"You know what, may kamukha ka." sabi nito kaya napakunot-noo ako. Who?

"Sino naman?" tanong ko dito kaya natatawa siyang napa-iling-iling ito. Nakakunot-noo pa rin naman ako.

"Wala, someone in my past lang. Ayoko ng alalahanin pa dahil sobra akong nasaktan noon dahil sa kaniya. Sorry, ayaw ko na kasi siyang pag-usapan." sabi nito kaya napatango-tango ako. Sino naman kaya iyong kamukha ko? Ano kayang ginawa nito kay Margaux at halos ayaw na talaga nitong pag-usapan?

The Possessive Mafia Boss (COMPLETED✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon