CHAPTER SEVENTEEN

1.6K 50 3
                                    

Chapter Seventeen


Perth Xylan's Point Of View



Naglalakad ako ngayon sa isang gubat kung saan napaka-dilim at nakakatakot dahil sa mga huni ng ibon. Umiiyak ako habang binabaybay ang daang hindi ko na alam kung saan patungo. Nalilito, natatakot, umiiyak ako ngayon dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung mabubuhay pa ba ako? O... hindi na.




Hanggang sa hindi kalayuan, may narinig akong iyak. Oo, iyak ng isang bata. Batang naiyak sa isang tabi habang yakap-yakap ang sarili.




Nilapitan ko ito at nakita kong parang may hinahanap siya. "H-Hello. S-Sino ka? Bakit ka naiyak?"tanong ko sa batang aking nakita. Tumingala ito sa akin at nagulat ako ng makita ko ang itsura niya. 'Napakaganda niya... para siyang anak ng isang mayaman.'




Tumayo ito at niyakap ako. "T-Tulungan mo a-ako... H-Hindi ko alam k-kung paano a-ako uuwi... P-Please... H-Help me."takot na takot na wika nito habang nakayakap pa rin sa akin. Lumayo naman ako sa kaniya at ngumiti.




"Don't worry, tutulungan kita. A-Ano bang pangalan mo?"tanong ko dito pero nagulat na lang ako ng biglang may humila dito. Isang lalaking medyo may katangkaran sa akin at mukhang mayaman.




Mabilis silang umalis ngunit tumingin pa sa akin ang batang babaeng 'yon at nginitian ako. Napangiti na lang rin ako at kinawayan lang ito. Ano kayang pangalan niya? Atsaka, sino ang lalaking 'yon?






"S-Si-Sino ka?!"





Mabilis akong napabangon ng may kung sinong yumuyugyog ng aking braso. Napatingin ako sa aking katabi at nagulat ako ng makita ko si Victoria na puno ng pag-aalala ang mukha.





"A-Ako 'to si V-Victoria, Mr. Quorex. Ano bang nangyayari sa'yo?"tanong nito kaya mabilis akong napahawak sa aking ulo. Nanaginip ba ako? Shet! Akala ko kung ano ng nangyayari?! Feel ko, iiwan na ako ng puso ko sa bilis nitong tumibok. Haysssss!




"Na-Nanaginip ako... H-Hindi ko alam... Ewan ko!"sambit ko at umiling-iling. Sino ba 'yong mga batang 'yon?! Bakit napaginipan ko sila?! S-Sino ba sila?




"Masamang panaginip ba, Mr. Quorex?"tanong muli ni Victoria kaya nabalik ang tingin ko sa kaniya. Agad akong umiling-iling at ngumiti. "Hindi naman masiyado... Ewan ko, hindi ko talaga alam."aniko at tinitigan siya. Kinamot naman nito ang kaniyang ulo atsaka nahiga.




Ow-key? So, natulog talaga siya sa tabi ko? Bakit hindi ko alam? Hmmm? Tsk! Ewan ko ulit!




"Anong oras na ba?"tanong ko sa kaniya na nakatalikod lang sa akin. Hindi naman siya umimik kaya umisod ako palapit sa kaniya atsaka ko siya itinihaya ng higa. Napatawa ako ng mahina ng makita kong nakataas ang isa niyang kilay habang nakataas ang isang kamay.





"Alas-tres pa lang, Mr. Quorex. Bakit?"tanong nito kaya napatango-tango ako. Muli naman akong humiga at tumingin sa kaniya. Nanatili naman siyang nakatihaya na animo'y nakikipagtitigan sa kisame. Tsk! Baliw talaga!





Mabilis ko siyang iniharap sa akin at nginisihan. Napakunot noo lang siya kaya natawa ako. "Bakit ba ang hilig mong sumimangot? Ang pangit mo tuloy."sambit ko at mahinang tumawa. Sinamaan niya lang ako ng tingin at akmang tatalikuran ako ng pigilan ko siya.





"Sandali lang naman... dahil hindi na ulit ako makakatulog agad... puwede mo bang suklayin ang buhok ko gamit ang kamay mo?"bulong ko sa babaeng ito na wala man lang karea-reaksiyon sa sinabi ko. Inilapit ko naman ang mukha ko sa kaniya at ngumiti.




The Possessive Mafia Boss (COMPLETED✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon