CHAPTER THIRTY-EIGHT

103 14 1
                                    

Chapter 38: Ache

PHOENIX

MALAKAS ang buhos ng ulan ngayong umaga kaya lahat ng tao ay nananatili lamang sa kanilang mga bahay. May balita rin kasing may pumasok ngayong bagyo dito sa Pi'nas kaya maulan. Maging ako, hindi makalabas. Nilalamig din kasi ako eh.

"P're, bakit mukhang bad mood ngayon si Bossing? An'yari?" out of nowhere na tanong ko kay Cloud na tahimik na naglalaro sa kaniyang cellphone. Hindi niya ako nilingon at pinansin. Luminga ako kay Fourth na nasa kanan ko. Tahimik din siya. Napadako rin ang mga tingin ko kay Heaven na nanonood sa T.V.. Tahimik din siya. So, anong meron ngayon?

Kaya ba naulan dahil bad mood silang lahat o sadyang ayaw lang nila akong kausapin? May galit ba sila sa akin? Dahil ba pogi ako? O dahil ang gwapo ko ngayon? How could they do this to me? Nakakatampo! Hmmp!

"Everyone?" tumayo na ako at humawak sa aking baywang. Kinunutan ko sila ng noo.

Lumingon sa akin si Cloud pero agad din siyang bumalik sa kaniyang paglalaro. Napataas kilay na lang ako at dabog na naupo sa sofa sa tabi ni Fourth.

Maya-maya ay lumapit sa akin ng kaunti si Fourth at bumulong sa tainga ko. "Hindi rin namin alam." bulong nito na agad kong ikinalayo. Para siyang multo, bigla-bigla na lang bubulong. Nakakatakot.

Binawi ko ang pagkagulat at sinilip si Perth sa kusina na tahimik na kumakain. Bumalik ako sa sofa at niyugyog si Cloud sa baba. Inis itong tumingin sa akin ng matalo sa laro.

"Bakit? Naglalaro ako!" inis na sabi nito at kakamot-kamot ulo.

Nakatanggap ito sa akin ng isang batok. "Kanina ko pa kayong gustong kausapin. Bubu ka ba?" inis ko ring sabi dito na 'yong talsik laway effect pa para lalo siyang mainis.

"Oo na, pare. Naulan, tama ka na!" ganti pa nito at naupo na sa tabi ko. "Ano ba kasi 'yon?" tanong pa nito at inutusan si Heaven na i-charge ang phone niya. Siraulo talaga. Napakatamad.

"Hindi n'yo talaga alam kung bakit bad mood ngayon si Bossing? Kanina pa siyang nag-iisa d'yang kumain sa kusina at parang malalim ang iniisip." sabi ko kaya nagtaka sila.

"Ha? Pero, never naman niya tayong niyayang kumain? Hindi ba?" takang tanong ni Cloud kaya muli ko siyang binatukan. Siraulo talaga!

"Ewan ko sa'yo, Pare. Basta parang may mali ngayon kay Perth. Hindi kaya..." sabi ko at tiningnan sila na parang naisip ko na ang kasagutan. Tumingin lang sila sa akin na parang atat na malaman ang sasabihin ko. "..... iniisip niyang... mas gwapo na siya kaysa sa akin?" nakangising tanong ko at humawak pa sa baba.

Ako naman ang nakatanggap kay Cloud ng batok bago siya tumingin sa nakabukas na T.V.. "Assuming mo naman pala, Phoenix. Ano ka? Artista? Sad to say pero mas mukha kang clown, p're." prangkang sabi ni Cloud. Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Fourth kaya inis akong lumapit kay Cloud at inambangan ito ng suntok.

"Suntukan na lang kaya tayo, Cloud?" paghahamon ko. Natigil lamang ako ng makita ko si Perth na palapit sa amin. Agad akong lumayo kay Cloud at tinaasan ito ng gitnang daliri bago sinenyasan na hindi pa kami tapos. Bumalik ako sa tabi ni Fourth at nginitian si Perth na nakalapit na sa amin.

"Bossing!" pangpaplastik ko at niyakap si Perth. Kinutusan niya lang ako at umupo sa upuan ko.

"Such a clown, Phoenix. Hindi ba kayo hinahanap sa bahay n'yo?" tanong ni Perth at inilipat ang palabas sa T.V.. Napakunot-noo ako, hindi kami pala.

"Told ya'... You're a clown." bulong sa akin ni Cloud at agad na lumingon kay Perth. "Well, nagpaalam kami sa parents namin. Hindi mo ba naaalala?" tanong ni Cloud kay Perth. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

The Possessive Mafia Boss (COMPLETED✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon