CHAPTER 8: Chocolate

43 0 0
                                    

CHAPTER 8

 

(LUIS'S POV)

Anong nangyari kanina??!!!!!! Nakita ba nya??!!!! Takte! Malamang nakita nga nya!!!!!Grabe nman mababaliw nako dito!!! Ano nalang sasabihin nya?Anong sasabihin ko sakanya?!! Kasi naman napaka pakeelamera ng babaeng yon! tapos basta, basta pumapasok sa kwarto ng may kwarto!!!!!

Pagkabihis ko e bumaba na agad ako para harapin ang babaeng yon! Galit na galit talaga ako!!!! nakita na nya ang bagay na pinaka iingatan ko!

"NORIN!!!!!!!!!!!!"sigaw ko habang hinahanap siya

Nasa may sala pala siya at mukhang kabado, dapat lang siyang kabahan dahil sa ginawa nya!!!

"B-bakit????? a-a-a-h...a-no..a-a-a-....w-ala n-aman a-kong--"

"Tumigil ka nga!!napaka pake elamera mo! sabi ko pumunta ka within 30 minutes pero anong oras na ha??!Hindi ka ba marunong magbasa?!Bakit ka pumasok sa kwarto ko?!Hindi ka ba marunong kumatok?!hindi ka ba tinuruan ng mga magulang mo ng manners??!Bobo ka ba ha???!!!!!!Lumayas ka na nga dito at wag na wag ka nang magpapakita sa akin!!!" Galit na galit talaga ako wala akong pake elam kung nasaktan siya sa mga sinabi ko wala akong pake elam kung umiyak siya bahala na siya sa buhay niya!! Pagkatapos ko mag salita ay agad agad na siyang tumungo sa may pintuan habang umiiyak

Pagkaalis ni Norin, nilapitan ako ni sky

"Kuya bakit mo pinaiyak si ate Norin! ang bad,bad mo!ayoko na sayo!!!" Pagkasabi niya nun ay tumakbo na siya papunta sa taas habang naiyak narinig niya pala ang mga sinabi ko kay Norin. Sobra ba ang mga nasabi ko sa kanya? E siya naman ang may kasalanan e

(NORIN'S POV)

Ang sama-sama niya! Mas masahol pa siya kay Bin Laden!!! Hindi ko naman sinasadya yung nangyari e! Hindi man lang niya ko hinayaang magpaliwanag!

Tumakbo lang ako ng tumakbo habang naiyak hindi ko na alam kung nasaan na ko basta ang alam ko galit na galit ako sa lalaking yun! Napaka pervert nya! Hindi ko naman ginustong makita o mangyari yun e!

Habang naglalakad ako may isang pamilyar na sasakyan ang huminto sa harapan ko saka may lumabas na lalaki mula sa driver's seat...

Si Mart! Agad kong pinunasan ang mga luha sa mga mata ko. Ano naman kaya ang ginagawa nya dito??Sinundan ba niya ko? Papalapit na siya sakin habang nakatulala pa rin ako sa kinatatayuan ko

"Anong ginagawa mo dito? Bakit ka umiiyak?"tanong niya sa akin

"Ah w-ala...Ikaw anong ginagawa mo dito??"

"Pupuntahan ko sana yung pinsan ko e, pero mukhang mas kailangan mo ng kasama, ok lang ba kung samahan kita?" Buti na lang si andito si Mart, gumaan kahit papaano ang pakiramdam ko

"Saan mo gusto pumunta??"Tanong niya saakin

"Kahit saan basta may chocolate ice cream!" Sa mga gantong panahon kahit anong chocolate makakapag pagaan na sa pakiramdam ko

Dinala ako ni Mart sa may park sa loob ng subdivision at naupo kami sa isang bench dun

"Dito ka lang ha bibili lang ako ng ice cream" Ngitian nya muna ako bago siya umalis. Bakit ka ba ganyan Mart??!!! Kahit galit ka sakin ang bait bait mo pa rin?? Wag please waaag! Baka lalo lang akong ma-fall sayooo >.<

MY HEART KNOWS (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon