CHAPTER 13: Halaaaaaaa katakot >.<

46 1 0
                                    

CHAPTER 13

(LUIS’S POV)

“Bro sorry ha! Hahaha, hindi ko naman talaga sinasadya gusto ko lang pagtripan si Norinanget e! hahaha epic yung itchura nya kanina!hahaha” sabi ko kay Mart. Umalis na kasi si Norin nung medyo bumuti na yung pakiramdam ni Mart, grabe sobrang badtrip siya sakin kanina hahaha nakakatawa talaga siya ang saya niya inisin hahaha!!!

“Gago ka talaga!!!!!....bakit mo ba kasi laging iniinis si Norin ha?? E alam mo namang pikon na pikon sayo yung tao?! Adik ka talaga...”

“Uhmmm…wala lang, ang saya niya kasing asarin e hahaha”

“But that’s way too far pre….tingin ko galit talaga siya sayo” singit naman ni Vic

“Tingin mo?? E tinitrip ko lang naman siya e!”

“Pustahan tayo hindi ka nun papansinin!” Mart

Galit kaya talaga si Norinanget?? Niloloko ko lang naman siya eh….ang cute niya kasi pag naasar, ay bahala na nga! Wala akong pakeelam….

Start na nang finals namin, hindi pa rin kami nagkikita ni Norin pagkatapos nung allergy incident ni Mart. Hindi naman nagalit sakin yung pinsan ko, pero sigurado akong hanggang ngayon e inis na inis pa rin sakin si Norin. Hayaan mo nga siya mawawala din inis nun! Haha….

Monday nanaman pala, as usual Drawing 1 ang 1st subject ko. Ano nanaman kaya ang papagawa samin ng Dellara na to???

“Good morning class, I’ll return your Midterm exam plate. Makikita nyo na rin ang mga grades nyo sa portals nyo as of today” nakooo ano kaya ang grade ko dito??? Sana naman may magandang dinulot ang pag tu-tutor sakin ng Norinanget na yun!!

Lahat kami nakaupo sa kanya-kanya naming mga drawing tables at isa-isang binabalik samin ni Arch. Dellara yung mga plates namin

“Oh…Luis, improving ang mga plates mo ah, hindi lang plates pati grade mo ang laki ng tinaas! Keep up the good work! Sabi ko na nga ba matutulungan ka ni Norin eh,  the both of you should celebrate!” kahit inis ako sa subject ng prof na to, e hindi ko maitatangi na gustong-gusto ko siya bilang professor, masyado kasing approachable at malapit sa mga estudyante. Siguro kasi bata pa rin naman tong si sir mga nasa 26 lang yata to?

“Ha??!!!! Hindi nga po sir??!!! 90 midterm plate ko??!!!!! weh?? Baka napagpalit lang po sa iba kong kaklase?!!!!” hindi talaga ako makapaniwala! Akin ba talaga tong plate na to??!! Wow ah!!

“Patingin nga!!” inagaw sakin ni Vic yung papel at naki usyoso naman si Karlo

“Wow pre!!! Amazing! Isang malaking himala ah!!! Makapag patutor nga din kay Norin!!hahahaha!!” bulalas ni Karlo

“Gusto mo bawiin ko na lang yung binigay kong grade, ayaw mo ata e??” sabi ni sir

“Hindi po! Sabi ko nga sir ang galing-galing ko eh, I deserve this! Hahahaha!!” wow yabang lang, pasensya naman hahaha. Saka naman umalis si sir sa may area ko

“Ay oo nga pala guys, ibibigay ko na sa inyo yung final plate nyo para naman mapaghandaan nyo na agad, and hindi na sumabay sa iba nyo pang final requirement. I think you have less than 2 months to do it, medyo matagal,tagal din yun kaya I expect na magandang-maganda yun ha” Ano??!! Plate nanaman??!!! Pag minamalas ka nga naman oh!! At ayun nga diniscuss na nya yung mga dapat naming gawin

“Grabe sobrang dami naman nun sir!!” sabat nung isa kong kaklase

“Oo nga sir! Tawad naman!!” sabi naman nung isa pa

MY HEART KNOWS (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon