CHAPTER 18: Date nila!!! O_O

31 0 2
                                    

CHAPTER 18

(NORIN'S POV)

"Hoy Bam bilisan mo dali!!! Baka hindi na natin sila maabutan!"

"Ano ba kasi ginagawa natin ha?? Ang lakas naman ng topak mo!"

"Para to sa friend natin! Kaya wag ka nang umangal okay??!! Shut up na lang plesss!"

Sinusundan kasi namin ni Bam si Yana at Karlo, wala lang gusto ko lang kasi makita kung paano magdate ang isang brat na tulad ni Yana at ang babaerong si Karlo! Wahaha

"Ang korny naman nitong date nila! Sa isang zoo??!! Ang kuripot naman pala nitong si Karlo eh!"

"Bakit? Okay naman sa zoo ah! Ang cute nga e! Ang KJ mo talaga kahit kelan ka, mag enjoy na lang kasi tayo!" nakacross arms lang siya at mukhang bored na bored. Bahala nga siya, basta ako itutuloy ko lang ang pag ii-spy ko haha!

Ano ba tong babaeng to! Kundi yuck ang sinasabi e puro tili lang ang ginagawa

Nagpalipat lipat lang sila ng mga cages ng mga animals dito, ang cucute nga e. Pero nakakapagod din pala tong ginagawa namin ni Bam, ang hirap magtago at bumuntot!

"Hahaha, nakakatawa ka talaga Mahal! Tuwang tuwa sayo yung unggoy oh!" tawagan nila Mahal?? Eeew! Haha

"Shut up!! Just get this thing off me! Kuya, paki kuha na to please sinasabunutan na nya ko eh!!" reklamo nya dun sa zoo keeper. Takte arte talaga ng babaeng to haha

Tapos saka sila lumipat sa mga Giraffes. Ang cool nga e pwedeng pakainin. Higit, higit ko pa din si Bam, pero parang nag-eenjoy na siya sa mga kaartehan nitong si Yana. Nakakatawa naman kasi talaga eh, haha

Tinry naman nila Yana na pakainin yung Giraffes, at ano pa ba ang i-e-expect natin?

.

.

.

.

.

"Yuck nalalawayan yung kamay ko! It tickles! Mahal, tama na bitawan mo na kamay ko" inaalalayan kasi ni Karlo yung Kamay ni Yana habang pinapakain  yung Giraffe. Adik tong si Karlo, pasimpleng chansing!

"Mahal, ang arte mo naman! Hindi ka ba nag eenjoy?" halatang naiinis na tong si Karlo

"Sorry naman! I'm not used to this kind of things kasi. Pero pwede na rin" napangiti na lang si Karlo

"Mahal, gutom na ko. Saan mo ko papakainin?" with a sweet voice, OMG anong nangyayari kay Yana!

"Kakakain lang natin ng lunch ah, gutom ka nanaman?! Tara mag meryenda na lang muna tayo" ayieee holding hands! Partida hindi pa sila nyan ah!

Sumunod naman kami...

"Hey what's this?!! Kwek-kwek at chicken skin lang ang keri kong street food noh!" sosyalera talaga tong babaeng to palibhasa lumaking spoiled e haha

"Isaw, betamax, helmet at kung ano-ano pa. Masarap yan Mahal, try mo na dali. Hindi yan nakakamatay!" alok ni Karlo

"Ano ka ba Karlo! Ayoko nga nyan eh! Ang kuripot mo talaga! Hindi mo nga ako pinag sho-shopping eh! Mayaman ka naman, but you are living like a commer. Ano bang problema mo ha?!"

Natigilan naman si Karlo. Syempre noh, sampal yun sa ego nya!

"Bakit ba ang arte mo ha? At isa pa, hindi naman ako ang mayaman kung hindi ang parents ko. Kaya magbubuhay mayaman lang ako kapag sarili ko nang pera ang ginagastos ko! Ikaw, ano bang problema mo? Kung hindi ka nag-eenjoy kasama ako edi ayos lang, umalis ka. Wala naman akong magagawa kung yun ang gusto mo eh. Ang akin lang naman kasi, mahal kita kaya kahit hindi tayo magkasundo e pinipilit ko pa rin pasayahin ka sa paraang alam ko"

MY HEART KNOWS (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon