CHAPTER 26: Kaasar!!!

36 1 2
                                    

                                                                   CHAPTER 26            

(NORIN’S POV)

Naglalakad lang ako sa kawalan, hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Ang bigat-bigat ng loob ko, at nararamdaman ko din ang mga luhang umaagos mula sa mga mata ko

Hindi naman ako ganito ah! Ang alam ko masayahin akong tao pero bakit ganito??

 Mula sa aking pagkatuliro, nakita ko na lang ang sarili kong nakaupo sa isa sa mga kubo dito sa Lake Park habang tinititigan ang plate kong pinaghirapan at dahilan ng sprain ko sa paa

Naging masama ba ako?! Ginawa ko naman lahat ah?

Ewan hayaan na nga lang ayokong mangbintang ng kapwa

Kung sana lang nandito si Mart para pagaanin ang bigat na nararamdaman ko. Kasi sa tuwing malungkot ako, siya lang ang nag-iisang taong nagagawa akong suhulan at pangitiin

“Hoy! Bakit ka naiyak ha? Bakit ka mag-isa dito??” huh?? Sino to? Tinakpan pa ang dalawang mata ko ng mga kamay niya

Siya na kaya???...........

“M-Mart?” tanong ko ng may tuwa sa boses ko

Bigla naman niyang tinanggal agad yung mga kamay niya, mukhang nagulat siya sa sinabi ko

“Ha? A-h….h-hindi e….Siya ba ang ine-expect mo? Sorry ha, sige alis na lang ako”

“P-Pervi? S-sorry, *sob* nasanay lang kasi akong si Mart ang dumadating sa tuwing umiiyak ako..*sob*sabi ko habang pinupunasan ang mga luha sa mata ko

Ang sama ko, napagkamalan ko pang siya si Mart

“G-Ganun ba?” malungkot niyang sabi

Paalis na sana siya, nang hawakan ko siya sa braso para pigilan

“Wag ka umalis dito ka lang muna, pleaseeee?….”

Hindi siya nagsalita at nakatingin lang siya sakin

“Alam mo ba kung bakit ako umiiyak?? *sob*

 “Kasi naman eh*sob*! Alam mo naman kung gaano ko pinaghirapan yung plate ko kagabi di ba? *sob*sob*Pero tignan mo siya ngayon! Ang dami na niya!”

Tinignan niya sa mga kamay ko yung mga papel na punit-punit. Na mukhang hindi makapaniwala at may inis

“P-pero nakita kong pinasa yan nila Yana ah! Nandun ako, nakita ko!”

“A-ang babaw ko noh? parang ito lang iniiyakan ko? *sob* Dahil ba pwede akong matanggal sa scholarship ko kasi malaki ang epekto nito sa grade ko? Tss! Asa naman! Para namang hindi namin kayang magbayad ng tuition dito-- ”

 “Hindi yun kababawan. Pinaghirapan mo yan eh”

Natigilan ako sandali

“Dahil pinagpaguran ko to? Hahahahaha!” tumawa ako ng sarcastic

Tinititigan niya ako ng may pagtataka at awa sa mga mata niya

”Ang sakit lang kasing isipin na *sob*……na may taong kayang gumawa ng ganito sa akin. May taong ganun na lang kalaki ang galit sa akin at gusto akong sirain. Pakiramdam ko, trinaydor ako *sob* ang sakit-sakit! Luis ang sakit isipin na isa sa mga taong pinagkakatiwalaan mo, siya pa yung mang g@g@go sayo!”

MY HEART KNOWS (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon