CHAPTER 35: birthDATE <3

27 0 0
                                    

CHAPTER 35

  (Dedicated to innahpots!! You inspire me!  )

(NORIN’S POV)

“Ano ba tong ginagawa ko?!!! Bakit ko ba kasi hinihintay yung mga yun?!!! ARGHHHHHH!”  sigaw ko habang ginugulo ang buhok ko at kinakausap ang sarili ko, baliw lang?? haha

Kasi tong Yana na to eh! Grabe ba naman maka-pangonsensya!

Kasalanan ko bang may seminar ek-ek kami kaya hindi ako nakapunta ng birthday ni Luis?!!! Tsaka ano naman kung wala ako, e andun naman silang lahat dun?!!! Argh! Bwiset talaga! Eto tuloy ako, naghihintay sakanila dito sa may park at nagprepare pa talaga ako ng pagkain ha?! Kasi magpicnic daw kami, hay nako…pero at least naman hindi lang kami ni Luis noh, kasi sabi ni Yana kasama daw sila kaya nga dinamihan ko yung pagkain! Hahaha ^__^V

By the way, namiss nyo ba ang POV ko?? wahaha, gulat kayo noh? Hehe kaloka antagal ko ding nanahimik pero this time, it’s my time to shine na ulet! Hahaha, oh well back to reality na! Hahaha

Ang ganda nitong park na to infairness! Ma-e-njoy mo ang nature. Pwede kang mag boat ride, magpakain ng mga Koi fishes, mag rent ng bike, may lake at syempre mag picnic! Date spot talaga! Hahaha, pero syempre hindi naman ito couple date, kundi group date

Grabe, ang bigat pala nitong basket na to, punong puno kasi ng pagkain and everything. Buti na lang hinatid ako dito ni Mart kaya lang hindi na daw siya sasama samin at umuwi na rin agad. Kaloka! Antagal nila! Matawagan na kaya si Yana??

“Hello girl! Nasan na ba kayo?! Uugatan na yung legs ko dito oh?!! Ang tagal ha?!!”

(“Easy ka lang girl! Where almost there na, nasaang part ka ba??”)

“Sa may bench, malapit sa Koi pond. Bilisan nyo ha?! Naiinip din naman ako noh!”

(“Oo na oo na, shut up na girl! You’re so excited as always! Hahaha”)

“Hindi noh na—“                                 

Ay badtrip! Babaan daw ba ako ng phone?!!

Check muna natin ang outfit ko, wahaha :P

Uhmmm, naka plain white blouse lang ako, na naka tuck-in sa pink skirt and white snickers at syempre nakalugay lang ang hair para pretty!! haha ang conceited ko lang. Kasi naman wala akong magawa nakaka-inip maghintay tapos ang dami ko pang dal---

“Friend! Ang gwapo nung guy oh? Gravy, he’s really my type!”

“Oo nga friend! Kaso mukhang badtrip, lalapitan ba natin?”

Ano ba naman tong mga babaeng to napaka hayok sa gwapo! Naantala tuloy ang pag-iisip ko! Pero on the second thought, matignan kaya? Hahahaha! Eh bakit ba?! Malay mo gwapo nga!!! Hahaha

Anak nang tokwang malaki!!! Si Luis lang pala, kamote andito na pala sila Yana hindi man lang ako tinext. Malapitan nga……

“Hoy Pervi! Andito na pala kayo! Bakit ikaw lang, asan sila Yana??” tanong ko, wow parang wala akong nagawang kasalanan eh, maka hoy naman ako! Hahaha

“Excuse me? Do I know you??” sabi niya and rolled his eyes

Ay pusang kinalbo! Masasapak ko tong lalaking to eh!! Ang sama!! Yan tuloy pinagtitinginan na kami nung mga babae kanina =__=

“Grabe ka! Hoy Luis Angelo Mercado! Ang sama mo, bakit ka ganyan? Dinedeny mong kilala mo ko!!”

“Wow ha? Buti kilala mo pa ko? Ako pa ngayon ang masama, pagkatapos mong indyanin ang celebration ko kahapon? To think na overnight pa yun, hindi ka manlang humabol!”

MY HEART KNOWS (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon