CHAPTER 31
DAY 2 (October 10)
Nanalo naman sila Calvin sa battle of the bands, pero second lang sila. Nagchampion yung last band na nag-perform yung may hot na drummer, remember??? Haha hot, talaga eh noh??
Well okay lang magaling naman kasi talaga sila eh
Wala naman masyadong nangyari na ka-excite, excite sa araw na to. Since free time nanaman kami ni Bam, sinamahan na lang ulit namin si Yana sa activity niya at nagpaka P.A niya, wow ha gaganda ng mga P.A niya! Pasalamat siya love namin siya! Hahaha
Kami naman ni Bam, parang civil lang yung pag-uusap namin. Hindi ko talaga magawang kausapin siya at itanong ang problema, natatakot kasi ako sa mga pwedeng sabihin niya at mangyari. Okay na rin naman siguro to for the meantime, para sakin isa parin siya sa mga bff ko
Okay naman yung teambuilding namin, nakakapagod pero masaya!!! Syempre puro kasi kalolohan yung ginagawa nung mga ka-grupo ko! Kami naman ni Janice, nakiki-ride lang sa mga trip nila! Infairness naman kasi sa bawat activity madalas kami ang panalo!! Yehey! Kasi naman puro sila physically fit, haha
Si Calvin naman, sus ang harot! Laging papansin ng papansin at sumabay din siya mag-dinner samin, hahaha. Pero okay lang naman, kasi siguro nagiging friendly lang siya
DAY 3 (October 11)
Woah!! Hahaha… Yun lang ang masasabi ko!
Kasi naman, na-touch ako sa ginawa nung mga blockmates ko, nagising ako sa pag-kanta nila sakin ng happy birthday, tapos may dala-dala pa silang cake
Na may nakalagay na, “HAPPY BIRTHDAY MAAM PRES!!! KEEP UP THE GOOD WORK!!”
Waaa *teary eyed*
Ngayon din pala yung day ng contest ko! Kinakabahan nako!! >.< pinag-cheer naman nila ako hahaha…I so love them na talaga! Hahaha, nagagaya ko na tuloy si Yana!
Scale model ng coffee shop yung pinagagawa samin sa contest, kaloka eh napaka detailed kapag ganito. Basta I’ll do my best na lang wooo
So after 5 hours of work, since yun lang yung time na bibigay. I tried to finish what I can, sana lang okay na
“Maam pres! Ang ganda talaga nung model mo kanina! I bet mananalo ka, birthday mo ngayon so this is your lucky day!!” sabi nun isa namin ka-block
“Hay nako, ayokong umasa noh! Baka hindi naman ako manalo eh”
Lunch time na, so lahat kami ay nasa dining hall. Kami-kami ulit yung mga magkaka-sama, katulad nung sa party. Syempre si Calvin din nandito, yung mga blockmates namin na boys hindi ko alam kung nasaang lupalop na hahaha
Ang nakakapag taka lang is, kung bakit may naka set-up na stage dito at may instruments nanaman. Baka may party nanaman mamayang gabi??? Ay ewan hindi ko alam, wala naman yun sa bulletin board eh
“Ang sarap talaga ng mga food nilang sineserve noh??” Yana
“Oo nga eh, so—“ someone cut me off
“Excuse me, ladies and gentlemen, tutugtog lang po kami sandali. Ipagpatuloy nyo lang po ang inyong pagkain” sabi nung guy na nakatayo dun sa stage, habang nag-aayos yung mga kasama niya
Saka naman nagtiliian yung mga babae….
OMG!!!!!
SHIT!!!
SHIT! SHIT! SHIT!
PAANONG??!!!!!!
NAMAMALIK-MATA LANG BA AKO??!!!!
BINABASA MO ANG
MY HEART KNOWS (on going)
RomansaHindi pa rin makalimutan ni Norin ang kanyang childhood sweetheart kaya gumawa sya ng paraan upang mahanap niya ito.......malalaman nga ba ng puso nya kung ito na ba ang taong hinahanap nya? o magmamahal na lang sya ng iba?...... guys eto po ang fir...