CHAPTER 12
(BAM’S POV)
Napa aga lang ba talaga ko ng uwi o sadyang late lang sila? Aba e halos 9pm na. Kasi naman bakit pako nagpaiwan sa library, mag-isa tuloy ako dito…Ano ba yan wala akong makausap booooring…….
Kaya nagpalit nako then nag dinner, wala nga pala ngayon si yaya Tisay day off kasi as usual hindi nanaman yun uuwi. Nagtataka nga ako kung saan yun nag sstay e wala naman yung kamag-anak dito puro nasa probinsya, baka sa boyfriend nya? Ay ewan! Sa sobrang boring pati lovelife ni yaya iniintriga ko na.
Manonood na lang ako ng t.v…..
Maya-maya magkasunod nang dumating sina Norin at Yana
“HAAAY BWISET!!!!!” pagmamaktol ni Norin habang nagdadabog paakyat
Mga ilang seconds lang e kasunod na niya si Yana, pero ngiting ngiti naman ang babaeng to
“Hi friend!!!” tapos umakyat na din sa itaas habang nagtetext
Masundan nga ang dalawang to…
“Saan ba kayo galing na dalawa ha? Yana, anong problema ng babaeng to?”
“Hindi naman kami magkasama nyan e, nagkataon lang siguro na magkasunod kami dumating” grabe ha, hindi talaga natitinag ang ngiti sa mukha ng bruhang to
“Hoy Norin! Anong problema mo at nakabusangot ka dyan ha?”
“Hay ewan! Mamatay na yang Luis na yan!! Ipapalapa ko yan sa aso ko eh!!” sus Luis nanaman! Buti nga siya close na kay Luis,samantalang ako nagmamakaawa sa atensyon nya huhuhu
“Ano nanaman ba pinagtalunan nyo girl?” cheerful na tanong ni Yana
“Basta! Wag nyo nga ako kausapin! BADTRIP AKO!” aba highblood! Bahala ka nga dyan, hmp!
“E ikaw namang bruha ka, bakit kanina ka pa ngiting-ngiti dyan tapos kilig na kilig habang nagtetext?”
“Taray mo girl ha?! Bitter-bitteran lang ang peg? Porket walang lablayp nang-iinterrogate na? kaloka ka girl!” Lokang to, ako ginawan ng issue?!! Nakoo naman!
Pero wait! Lovelife???? You mean??!! Si Yana??!!
“Hoy, DIANA COLEENE BAUTISTA! Tapatin mo nga ako, nanlalalaki ka ba ha?!”
“Grabe, nanlalalaki agad??! Hindi ba pwedeng lumalablayp muna?! Gosh!! 0/////0” ang landi talaga ng babaeng to,kailangan nagbu-blush pag nag-kukwento?! Lumalablayp talaga ang term??! Ano ba yan, napag-iiwanan na ata ako ng mga kaibigan ko...huhuhu..Luis naman kasi pansinin mo na akoooo
Kahit si Norin na badtrip e nag pintig ang mga tenga sa narinig at lumapit na saamin
“Babaitang to, ang dami mo pang arte! Magkwento ka na daliiii!” Kahit naman nag bibitter-bitteran ako e kinikilig at curious pa din ako sa lablayp ng friend ko noh! hahaha :P
“Ha???....ako???...anoooo, w-wala naman…e kasi…anooo…uhm...pano ba >_<’ “ ay landi lang te!
“Hoy DIANA! Tantanan mo nga ako sa pag papa demure mo dyan,ano PBB Teens lang ang peg?? Umiinit lalo ulo ko sayo e! diretchuhin mo na kase!” hala ang babaeng amazona ayan nanaman naku pooo
BINABASA MO ANG
MY HEART KNOWS (on going)
RomanceHindi pa rin makalimutan ni Norin ang kanyang childhood sweetheart kaya gumawa sya ng paraan upang mahanap niya ito.......malalaman nga ba ng puso nya kung ito na ba ang taong hinahanap nya? o magmamahal na lang sya ng iba?...... guys eto po ang fir...