CHAPTER 36
(dedicated to you :) I hope you'll enjoy this
“Babe tara boat ride tayo!!” tuwang-tuwang sabi ni Luis
“Oo na BABE!” pusang malake!! Ano pa bang magagawa ko??? ayan ang unang-unang utos niya! Kailangan ko daw sabihin ang “Happy Birthday BABE” at buong araw ko DAW siyang tatawagin na BABE sa bawat sentence ko!! Tae lang talaga!!!!
Kanina pa kami paikot-ikot dito sa park, nakapag bike na kami, nagpakain ng mga Koi, nag stroll at pang 5 beses na namin mag bo-boat ride!!! Nasusuka na nga ako sa hilo eh!!! At gutom na gutom na talaga ako T__T bakit ba ganito ang lalaking to??? Parang bata na ngayon lang nakapunta sa park eh!!! Parang nung nagpunta lang kami ng EK
Teka, nasabi ko na ba na kanina pa kami magka-holding hands? Oo as in kanina pa!! Pawis na pawis na nga yung kamay ko kasi hindi niya binibitawan eh! Hahaha
Honestly, hindi naman sa ayaw ko, hahaha syempre noh, kinikilig din naman ako! Sobra pa nga eh!! Hahaha…sadyang hindi lang ako sanay na ganito, yung sweet haha. Except sa family ko, hindi ako masyadong showy ng affections, or maybe kay Luis lang??? hahaha
“Hoy Luis! Hindi ka pa ba nagsasawa sa boat ride na yan ha?? Nahihilo na ko eh!” pagmamaktol ko
“Ha?? Paki ulit? ^__^”
“Sabi ko…..BABE nahihilo na ko sa boat ride na yan!!!” kaasar talaga to!!
“Ah ganun ba? Sige, mamaya na lang ulet! Haha pahinga ka muna babe”
“Psh, parang bata. Bipolar..” bulong ko
“ANONG SABI MO?!!!!!!” hala nag shift agad to mr.sungit!!
“Wala po BABE!”
“Okay ^__^ “ ay ewan!!!
Naupo muna kami sa isa sa mga bench. Mag 7pm na rin kasi halos 3 oras na kaming pagala-gala dito, at sobrang gutom na ko! Nagwawala na yung mga alaga ko sa tyan!
“Babe gutom ka na ba?” tanong niya
“Sobra!! Buti naman naitanong mo yan BABE!”
“Eh hindi ka naman kasi nagsasabi eh!!”
“Kailangan ba palagi kong sasabihin, hindi ka ba pwedeng makiramdam ha?!”
“Yan ang hirap sayo eh, ayaw mong magsasabi. Anong akala mo sakin manghuhula?!!!”
“Ewan sayo!!”
“Tara na nga! Kumain muna tayo dun! Sinisira mo good mood ko eh!”
“Sorry ha?!!! *sarcastic tone* Wag na may dala kong pagkain! Tsk!”
“May dala ka?? *___* ” okay, kailangan ko na talagang masanay sa shifting ng ugali niya =___=
“Ay wala! Hindi ko dala, pinadeliver ko lang! Malamang, sabi ko nga di ba?!”
“Tawagin mo nga akong babe!!! Kanina ka pa ha! Ganyan ka ba talaga pag gutom?!! Sinisira mo yung date natin eh!!”
“Date ka dyan?!! Hay ewan!”
Nilatag na namin yung cloth at dun kami kumain, grabe gutom na gutom talaga ako! Naubos namin lahat yung pagkain eh! Haha, buti na lang medyo mainit pa yung mga pagkain, nilagay ko kasi sa super sealed na Tupperware. At buti na lang din, medyo maliwanag dito sa pwesto namin malapit kasi kami sa may lightpost. Madami pa ring mga couple at families na nandito, at katulad namin nag pipicnic din sila. Ang saya naman dito, kitang-kita din kasi yung buwan at ang liwa-liwanag ng paligid kahit gabi na
BINABASA MO ANG
MY HEART KNOWS (on going)
RomanceHindi pa rin makalimutan ni Norin ang kanyang childhood sweetheart kaya gumawa sya ng paraan upang mahanap niya ito.......malalaman nga ba ng puso nya kung ito na ba ang taong hinahanap nya? o magmamahal na lang sya ng iba?...... guys eto po ang fir...